^

PSN Showbiz

Pakikialam ni Amalia kina Niño at Edith nakabuti

-
Aminadong sinabi ni Edith, maybahay ng dating Child Wonder na si Niño Muhlach na nakikialam sa kanilang relasyong mag-asawa si Amalia Fuentes. Pero ito ay sa paraang pilit na inaayos ni Tita Nena na mag-reconcile at mapabuti pa ng husto ang pagsasama nilang mag-asawa.

Guest kasi sa S-Files si Edith para linawin ang mga napabalita sa kanilang mag-asawa. Anito, gusto lamang niyang mabago ang pag-uugali ni Niño. Gusto niyang turuan lamang ito ng leksyon. Although magkahiwalay sila ngayon ng tirahan ay nasa kanya ngayon ang anak nila ni Niño at hindi pa rin nito isinasara ang pintuan ng kanilang relasyon. Umaasa pa rin siya na mag-reconcile pa rin sila. Actually, pinauuwi na nga siya ng bahay ni Niño pero hindi pa rin siya kumbinsido sa mga ipinapakita nitong pagbabago.

Pinabulaanan pa nito ang mga iba pang ulat ukol sa naging anak nito. Ito ang mas lalo pang nakakapagpasakit sa kanyang kalooban. Ipinagpapasalamat pa rin niya na kahit paano ay pinagmamalasakitan pa sila ni Tita Nena, dahil aniya mas nakakabuti pa ito ngayon sa kanya. Boni A. Casiano

AMALIA FUENTES

AMINADONG

ANITO

BONI A

CASIANO

CHILD WONDER

IPINAGPAPASALAMAT

MUHLACH

TITA NENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with