Tinipid ang MTV ni RJ Rosales
August 29, 2003 | 12:00am
Pagkatapos niyang tanghaling box-office queen, babalikan ni Aiai delas Alas ang kanyang dating ginagawa, ang pagkanta. Minsan na siyang nagkaroon ng album, noong panahon na nagsisimula pa lamang siya.
At ngayon nga ay huli niya itong magagawa sa soundtrack ng Pinay Pie ang kanyang latest movie. Ang nasabing album na may pamagat na "Ang Album Na May K" mula sa Star Records ay may carrier single na "Super Papa." Kasama rin sa album ang Moulin Rouge-inspired video kung saan mapapanood si Aiai na ala Nicole Kidman.
"O di ba, album lang ang wini-wish ko nabigyan pa ako ng sariling MTV," natatawang kuwento ni Aiai. Magkakaroon din ang Magandang Tanghali Bayan (MTB) ng acting & dance contest ng ala-Moulin Rouge ni Aiai. Dalawang kanta ang kontribusyon ni Ai-Ai sa nasabing album.
Kasama sa album ang nakatutuwang duet nina Mahal at Mura na "Cutie-Cute-Cute."
Napakaganda nung solo concert ni RJ Rosales sa Hard Rock Cafe noong Martes ng gabi. Hindi lang pala siya basta singer, kundi isang total performer. Sa nasabing concert ini-launch din ang MTV ng kanyang first single na "Tulad ng Dati".
Nakakapanghinayang lang. Hindi ko lang alam kung tinipid ang budget. Sayang dahil lumang konsepto ang ginamit dito. Nagbakasyon si RJ sa isang lumang bahay, habang inaalala ang kanyang nakaraan sa isang babae na pinag-madre ng isang pari na hindi mo malaman kung ano ang relasyon sa kanyang nobya. May scene din na sinuntok ni RJ ang pari dahil hindi pabor sa kanilang pag-iiibigan. Pero sa bandang huli, iniwanan din ng babae ang kumbento at bumalik kay RJ.
Mas maganda sana ito kung pinag-isipan pa ng mas malalim na idea. Masyado nang gasgas ang ganitong tema.
At ngayon nga ay huli niya itong magagawa sa soundtrack ng Pinay Pie ang kanyang latest movie. Ang nasabing album na may pamagat na "Ang Album Na May K" mula sa Star Records ay may carrier single na "Super Papa." Kasama rin sa album ang Moulin Rouge-inspired video kung saan mapapanood si Aiai na ala Nicole Kidman.
"O di ba, album lang ang wini-wish ko nabigyan pa ako ng sariling MTV," natatawang kuwento ni Aiai. Magkakaroon din ang Magandang Tanghali Bayan (MTB) ng acting & dance contest ng ala-Moulin Rouge ni Aiai. Dalawang kanta ang kontribusyon ni Ai-Ai sa nasabing album.
Kasama sa album ang nakatutuwang duet nina Mahal at Mura na "Cutie-Cute-Cute."
Nakakapanghinayang lang. Hindi ko lang alam kung tinipid ang budget. Sayang dahil lumang konsepto ang ginamit dito. Nagbakasyon si RJ sa isang lumang bahay, habang inaalala ang kanyang nakaraan sa isang babae na pinag-madre ng isang pari na hindi mo malaman kung ano ang relasyon sa kanyang nobya. May scene din na sinuntok ni RJ ang pari dahil hindi pabor sa kanilang pag-iiibigan. Pero sa bandang huli, iniwanan din ng babae ang kumbento at bumalik kay RJ.
Mas maganda sana ito kung pinag-isipan pa ng mas malalim na idea. Masyado nang gasgas ang ganitong tema.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended