Concert ng F2 plus Barbie pang mayaman lang?
August 29, 2003 | 12:00am
Im sure disappointed na disappointed ang mga F4 fans sa mahal ng ticket para sa September 13 Ultra concert ng dalawa lamang sa F4 na sina Ken Zhu, Vaness Wu at Barbie Xu kasama ang popular din sa Asya na kapatid nito at kasama niya sa grupo nilang ASOS.
Im sure even the richie ay hindi agad magbibitaw ng kanilang P10,500 at P5,000 na pera bagaman at exciting na makita kung gaano kagaling ang tatlong Taiwanese artists na darating kumpara sa mga makakasama nilang mga local talents sa show na sina Gary V, Pops Fernandez, Aiza Seguerra at Southborder.
Biruin mo, kung nakasama pala nila sina Jerry Yan at Vic Zhou, eh baka mga P20,000 na ang halaga ng tiket, napakalaking halaga sa panahon na ito na taghirap ang karaniwang Pilipino. May sariling mga commitments ang dalawa kung kaya hindi sila makakasama rito. Sina Jerry at Vic ang nag-aagawan sa kasikatan sa apat na magkakasama kahit pa magalit ang mga maka-Jerry Yan dahil ipagpipilitan nilang pinaka-sikat ito sa apat.
Okay din sina Ken at Vaness, maganda ang exposure nila sa Meteor Garden 1 & 2 at maging sa Meteor Rain. Para ngang si Vic ang dehado sa role niya sa serye unlike Jerry (Daomingsi) na dala-dalawa ang leading ladies, may ka-partner din si Vaness (Mizuo) at masaya na sa kanyang pagiging playboy at heir to a million dollar empire si Ken (Ximen). Pero, si Huazelei, ano, wala!!! Galit ako dahil fan niya ako. Nakontento na lang ako sa pangyayaring siya lamang sa F4 ang napiling Top 10 Hunks sa Asia, pang-7th siya, o di ba!!!
At 26, matagumpay na rin si Barbie. Katulad ng kanyang character sa Meteor Garden (MG) ay famous ito sa Taiwan for being straightforward. Na-link din sila ni Vaness dahil magkakilala na sila bago pa sila lumabas sa MG kaya komportable sila sa isat isa na binigyan ng malisya ng marami.
Itinuturing niyang Godbrother si Vic Zhou. May sarili silang lenggwahe kaya lahat ng nakakakita at nakakarinig sa kanila ay nawi-weirduhan sa kanila. Sa isa nilang kissing scene ay sinabihan niya itong mag-sepilyong mabuti, magmumog at ngumuya ng chewing gum na sinunod naman nito. Pero ang lovescenes nila ni Jerry ay nagbigay ng malaking kahihiyan sa kanyang ina nang pinanood nito ang serye.
Magandang mapanood kung kasing-galing siya ng mga publicities niya, di ba?
Mukhang magbibigay ng problema sa ABS CBN ang sisimulang teleserye ng GMA sa Setyembre 1, 3:00-3:30 n.h. na ang bida ay ang artista nilang si Assunta de Rossi. Ito ang Hawak Ko Ang Langit ng TAPE, Inc. na ginawa niya bago pa siya napunta ng ABS CBN. Mismong si Assunta kasi ang nagsabi na hindi pa niya natatapos i-tape ang kabuuan ng serye. Kapareha ni Assunta sa serye si Jomari Yllana at direksyon naman ni Gina Alajar.
Kwento ito ni Lorena (Assunta), isang simple, mabait at masunuring anak at titser sa isang baryo. Naging kumplikado ang kanyang buhay nang umibig siya kay Julian (Jomari), isang mayamang binata. Ayaw na ayaw siya ng ina nito (Melanie Marquez).
Nagplano silang pakasal ni Julian pero, sa bisperas ng kasal nila ay may naganap na trahedya kay Lorena na naging dahilan ng pagkamatay ng magulang niya. Nawalan siya ng trabaho at tinalikuran ni Julian.
Tumayong muli si Lorena, sinikap na mabuong muli ang mga pangarap. Isa isa niyang hinarap ang mga taong naging dahilan upang mawasak ang buhay niya.
Kasama sa cast sina Rustom Padilla, Jao Mapa, Jake Roxas, Jeffrey Quizon at marami pang iba.
Ang TAPE, Inc, ang nagbigay sa publiko ng mga magagandang serye tulad ng Aguila, Valiente, Rio del Mar, Kirara at marami pang iba. Kinunan at ini-record ang serye sa digital format.
Im sure even the richie ay hindi agad magbibitaw ng kanilang P10,500 at P5,000 na pera bagaman at exciting na makita kung gaano kagaling ang tatlong Taiwanese artists na darating kumpara sa mga makakasama nilang mga local talents sa show na sina Gary V, Pops Fernandez, Aiza Seguerra at Southborder.
Biruin mo, kung nakasama pala nila sina Jerry Yan at Vic Zhou, eh baka mga P20,000 na ang halaga ng tiket, napakalaking halaga sa panahon na ito na taghirap ang karaniwang Pilipino. May sariling mga commitments ang dalawa kung kaya hindi sila makakasama rito. Sina Jerry at Vic ang nag-aagawan sa kasikatan sa apat na magkakasama kahit pa magalit ang mga maka-Jerry Yan dahil ipagpipilitan nilang pinaka-sikat ito sa apat.
Okay din sina Ken at Vaness, maganda ang exposure nila sa Meteor Garden 1 & 2 at maging sa Meteor Rain. Para ngang si Vic ang dehado sa role niya sa serye unlike Jerry (Daomingsi) na dala-dalawa ang leading ladies, may ka-partner din si Vaness (Mizuo) at masaya na sa kanyang pagiging playboy at heir to a million dollar empire si Ken (Ximen). Pero, si Huazelei, ano, wala!!! Galit ako dahil fan niya ako. Nakontento na lang ako sa pangyayaring siya lamang sa F4 ang napiling Top 10 Hunks sa Asia, pang-7th siya, o di ba!!!
At 26, matagumpay na rin si Barbie. Katulad ng kanyang character sa Meteor Garden (MG) ay famous ito sa Taiwan for being straightforward. Na-link din sila ni Vaness dahil magkakilala na sila bago pa sila lumabas sa MG kaya komportable sila sa isat isa na binigyan ng malisya ng marami.
Itinuturing niyang Godbrother si Vic Zhou. May sarili silang lenggwahe kaya lahat ng nakakakita at nakakarinig sa kanila ay nawi-weirduhan sa kanila. Sa isa nilang kissing scene ay sinabihan niya itong mag-sepilyong mabuti, magmumog at ngumuya ng chewing gum na sinunod naman nito. Pero ang lovescenes nila ni Jerry ay nagbigay ng malaking kahihiyan sa kanyang ina nang pinanood nito ang serye.
Magandang mapanood kung kasing-galing siya ng mga publicities niya, di ba?
Kwento ito ni Lorena (Assunta), isang simple, mabait at masunuring anak at titser sa isang baryo. Naging kumplikado ang kanyang buhay nang umibig siya kay Julian (Jomari), isang mayamang binata. Ayaw na ayaw siya ng ina nito (Melanie Marquez).
Nagplano silang pakasal ni Julian pero, sa bisperas ng kasal nila ay may naganap na trahedya kay Lorena na naging dahilan ng pagkamatay ng magulang niya. Nawalan siya ng trabaho at tinalikuran ni Julian.
Tumayong muli si Lorena, sinikap na mabuong muli ang mga pangarap. Isa isa niyang hinarap ang mga taong naging dahilan upang mawasak ang buhay niya.
Kasama sa cast sina Rustom Padilla, Jao Mapa, Jake Roxas, Jeffrey Quizon at marami pang iba.
Ang TAPE, Inc, ang nagbigay sa publiko ng mga magagandang serye tulad ng Aguila, Valiente, Rio del Mar, Kirara at marami pang iba. Kinunan at ini-record ang serye sa digital format.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended