^

PSN Showbiz

Kinaiinisan ang komedyante

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Kinaiinisan pala ang sikat na komedyanteng ito na isa ring fashion model. Madali itong magalit kapag natatabig o natatapakan nang di sinasadya ng mga kasamahang fashion model lalo na kapag nagmamadali sa pagbibihis sa dressing room.

Mayabang din ito dahil sinasabing ayaw niyang makasabay sa pagkain ang ibang fashion model at sinasabing "I’m an actress". Nagtatanong pa ito ng microwave oven kapag nasa kainan kasama ang mga modelo. Kapag walang microwave oven ay magda-dialogue ng "Ano ba yan, walang microwave oven, sa amin tatlu-tatlo ang microwave oven," sey ng aking source.

Idinagdag pa ng nagkwento sa akin na nagmula kasi sa hirap ang actress-fashion model kaya nang makaangat ito nang kaunti ay naging mayabang na.

Ang komedyanteng ito na isa ring fashion model ay kapapanganak lang at may itinatayo ngayong negosyo.
Di Pa Kaya Ang Breast Exposure
Ayon kay Angelu de Leon, hindi pa siya handa na maghubad sa pelikula kahit breast exposure lang.

Pumayag itong mag-pose sa isang sexy pictorial sa isang magazine dahil hindi na naman siya bagets at nag-iba na ang takbo ng buhay.

Kasama si Angie sa www.xxx.com. Hindi siya naghubad dito medyo nagpa-daring lang.
Sharon, May Filmfest Movie
Kailangang umuwi agad ng bansa si Sharon dahil sunud-sunod ang mga commitment nito bago matapos ang taon. May entry ito sa Metro Manila Film Festival titled Crying Ladies.

Ito’y tungkol sa Filipino-Chinese culture na tatalakay sa ibang anggulo ng buhay na hindi pa napapanood sa pelikulang Tagalog. Makakasama niya sina Hilda Coronel at Angel Aquino.

Pagdating ni Sha ay magiging abala na ito sa dubbing ng movie.

Katatapos lang nito ng Kung Ako Na Lang Sana katambal si Aga Muhlach para sa Star Cinema.

AGA MUHLACH

ANGEL AQUINO

CRYING LADIES

DI PA KAYA ANG BREAST EXPOSURE

HILDA CORONEL

KUNG AKO NA LANG SANA

MAY FILMFEST MOVIE

METRO MANILA FILM FESTIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with