Ma-dramang tagpo nina Jed at kanyang ama
August 24, 2003 | 12:00am
Matapos magwagi si Jed Maddela ng second prize sa recent Voice of Asia International Song Festival na ginagawa sa Kazakhstan, lumuwas ng Maynila ang kanyang ama galing sa ILoilo.
Sa isang dinner nagtagpo ang mag-ama kasama ang manager ni Jed na sina Ronnie Henares at Ida Henares.
Dito nagkahingahan ng hinanakit at iba pang mga damdamin sa isat isa sina Jed at kanyang daddy.
Inamin ng ama ang pagkukulang niya sa anak. Nagkamali siya na idikta sa anak kung anong dapat gawin sa sariling buhay. Kahit hilig ni Jed na maging singer, pinigilan siya ng tatay niya.
Sinunod naman niya ang ama na magtapos ng college. Kaya lamang, humirit siya na bigyan siya kahit isang taon. Sa loob ng panahong ito pinangako ni Jed na meron siyang mapapatunayan. Kung hindi, magtatrabaho na lang siya ayon sa natapos niyang kurso sa kolehiyo.
Kaya lumuwas ng Maynila si Jed mula sa Iloilo. Naging talent siya ng Primeline ni Ronnie Henares. Nakita naman ng manager ang malaking potential ng Ilongo singer.
Nagustuhan kaagad si Jed ni Mrs. Bella Dy Tan ng Universal Records at pinapirma sa isang exclusive contract. Habang ginagawa ang kanyang debut solo album, nakapagtanghal na si Jed sa ibat ibang bansa. Nakasama pa siya sa US tour ni Lani Misalucha, kung saan madalas nakatanggap ng standing ovation si Jed dahil sa kanyang mahusay na performance.
Malapit nang ilabas ang album ni Jed nang ilahok siya sa Voice of Asia International Song Festival sa Kazakhstan. Nanalo siya ng second prize. Nagpunta nga ng Maynila ang kanyang tatay upang personal na batiin siya.
Doon nga sa kanilang dinner sabi ng tatay ni Jed: "I was really wrong to dictate what you have to do in your own life. Now Im really proud of you, son. You gave honor to our family."
Ang istorya ni Jed pati ng kanyang pamilya, very colorful talaga bukod pa sa tagpong ito. Pwedeng pang-Magpakailanman ni Mel Tiangco.
Naging maganda ang resulta ng pagkaka-unawaan ng mag-ama. Marami ngayong nakapansin na nagkaroon ng confidence si Jed. Pati ang kanyang aura, glowing na talaga. Mukhang parati na siyang masaya at peace with himself and all around him.
Ipapalabas na this Sunday, August 24, 9:30 p.m. ang most awaited original movie for TV na Sabi Niya, Sabi Ko. Ito ang reunion ng mag-asawang Pops Fernandez at Martin Nievera.
Tiyak namang maraming matutuwang magkasama silang muli, kahit sa TV lang.
Abangan natin ito. Sa mga tagpong mapapanood natin na magkasama sina Pops at Martin, pwede nating matantya kung may pag-asa pang magkabalikan ang dalawa.
Kasi naman si Martin, nagbigay ng statement, isang babae lang ang kanyang pakakasalan at si Pops Fernandez nga lang ito.
Ang opinyon kasi ng marami, kahit kung kani-kanino na silang dalawa na-link, mukhang nandoon pa rin ang pag-ibig nila sa isat isa.
Manood muna tayo ng Sabi Niya, Sabi Ko para higit tayong magkaroon ng tamang sagot.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended