^

PSN Showbiz

Regine,hinahanapan ng bf ng ama

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Ayon kay Mang Gerry, ama ni Regine Velasquez ay natatawa ang kanilang pamilya sa balitang buntis si Regine. Alam na nila kung sino ang nagkakalat ng balita tungkol kina Regine at Ogie Alcasid.

Sinabi rin ng ama ng singer-actress na inihahanap na niya ng manliligaw si Regine para hindi na natsitsismis ito kung kani-kanino.

"Mabait ang anak ko at madaling ligawan kaya lang wala pang maglakas ng loob na ligawan siya," anang ama.

Hindi na matutuloy ang back to back concert ni Regine at Lani Misalucha sa Araneta Coliseum dahil magiging abala si Regine sa kanyang US tour.
May Bagong Manliligaw Si Sunshine
Nagkakilala sa Daboy En Da Girl sina Sunshine Dizon at ang isa sa myembro ng Power 4 na si Frank Garcia. Matindi ang crush ng guy sa aktres at talagang gagawin ang lahat para mapasagot niya ito.

Loveless ngayon si Sunshine at libreng magka-bf uli. Kapag walang taping o syuting ang aktres ay laging dumadalaw sa kanilang tahanan si Frank. Magaan ang loob dito ni Dorothy Laforteza mommy ni Sunshine at natutuwa siya kapag nakikitang maligaya ang anak.
Ara, Ayaw Magpa-Interbyu!
Kwento sa amin ng ilang kaibigang reporter na dumalaw sa taping ng Idol Ko Si Kap kung saan nag-guest si Ara Mina ay tumanggi muna itong magpa-interbyu tungkol sa kanila ni Jomari Yllana. Nasabi na daw niya ang lahat sa S-Files noong mag-guest siya last week. Basta’t ang sinabi lang daw nito ay "Action speaks louder than words."

Ngayon ay gusto nang tumahimik ni Ara sa isyu sa pangambang baka humaba pa dahil sumasagot na rin si Aiko Melendez.
Piligro Sa Death Defying Stunts
Tumawag si Jacky Woo kay Jimmy Oe at masayang ibinalita na kasalukuyang nasa China siya at tinatapos ang syuting ng maaksyong Siguorin Kiyonski.

Ibinalita ng Japanese action star na ipinamalas niya ang kaalaman sa martial arts at may mga death-defying stunts siya sa movie. Kamuntik siyang maaksidente sa shooting.

Ipinagmamalaki ni Jacky ang pelikula dahil puro mga super hero ng China at Hongkong ang kanyang kasama at nagpaligsahan sila sa martial arts.

Pagkatapos ng movie ay babalik ng Pilipinas ang action star dahil may gagawing soap opera.

Sino kaya ang magiging leading lady niya sa soap opera? Hindi kaya this time ay may bumihag na sa puso ng Japanese actor?
Halikan Sa Van
Kahit i-deny ng magaling na young actress na hindi sila yung nahuling naghahalikan sa loob ng van ng aktor na ka-on niya ngayon ay wala pa ring maniniwala. Isang non-showbiz ang nakakita sa dalawa nang sumilip ito sa salamin ng kotse. Nakaharang kasi sa daraanan ng kanyang sasakyan ang van ng aktor at pakikiusapan sanang iabante ang van nito. Pero laking gulat ng source nang makitang nagtutukaan ang dalawa.

Galing sa angkan ng mga artista ang sikat na young actor at nakatanggap na ng award ang young actress na may kapatid ding artista.

vuukle comment

AIKO MELENDEZ

ARA MINA

ARANETA COLISEUM

AYAW MAGPA-INTERBYU

CENTER

DABOY EN DA GIRL

DOROTHY LAFORTEZA

FRANK GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with