^

PSN Showbiz

Danica pupunta ng US para tapusin ang kursong Culinary Arts

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Masyado palang selosa ang girlfriend ng isang kilalang aktor TV host, kahit pala nasa ibang bansa na ngayon ang babae ay namo-monitor pa rin nito ang mga pinaggagagawa rito ng aktor.

Natural, may TFC (The Filipino Channel) ang aktres sa kanyang kinaroroonan ngayon, kaya napapanood nito ang mga programa kung saan nandu’n ang kanyang karelasyong aktor, at mula sa mga nangyayari dito ay nag-aaway ang dalawa.

Nakakatawa, pero totoo, hindi pala pwedeng tumabi sa magagandang babae ang aktor sa ere, dahil kapag nakita ‘yun ng aktres ay tiyak na away na naman ang kauuwian ng lahat.

Nung minsang maging guest sa nasabing programa ang isang seksing aktres na ininterbyu ng mga hosts ng show ay nagkataon namang sa aktor tumabi ang seksing aktres.

Naku, nang mapanood ng babae ang eksenang ‘yun ay nag-wala ito, inaway-away ang aktor, kaya mula noon ay may pakiusap na ang aktor sa staff ng programa, hindi siya pwedeng sumalang na may katabing babae.

Maraming kuwento na ang nakararating sa amin na nu’ng una ay inakala naming kalokohan lang, pero totoo pala, dahil kapag may napanood ang babae na hindi nito gusto ay nakakaawa ang aktor sa pang-aaway nito.

Nagkukulong daw ang aktor sa CR ng dressing room at du’n nakikipag- usap sa kanyang girlfriend, umiinit agad ang ulo ng TV host-actor kapag ganu’n ang nangyari, kaya naaapektuhan ang kanyang trabaho.

Grabe naman pala ang aktres na ito kung magselos, pati ba naman ang trabaho ng aktor ay sinasaklawan na nito? Artista rin naman ang girlfriend ng aktor, kaya sana naman ay intindihin nito na trabaho lang ‘yun at walang personalan.

Kung noon nga ay iniintindi naman ng aktor ang kanyang trabaho, kung mag-sasayaw ang aktres na ito parang wala nang bukas pa, at ang damit nito ay halos nagbubuyangyang na sa kanyang kaloob-looban.

Okey lang ‘yun sa aktor TV host, ang katwiran niya ay wala namang malisya ‘yun, kailangan lang talagang gawin ng aktres ang ganu’n dahil artista ito.

Hiwalay na sa kanyang misis ang aktor TV host na ito, ang aktres naman ay tumalikod na sa showbiz, hindi nito nakayanan ang mga intriga dito sa Pilipinas.

Kapangalan ng aktres na ito ang isa pang aktres na nakahiwalay naman ng isang aktor-pulitiko na kaibigan ng aktor na tandang-pananong sa blind item na ito.
* * *
Maganda rin pala ang boses ni Danica Sotto, manang-mana pala sa kangyang mga magulang ang dalaga, dahil parehong maganda ang boses nina Vic Sotto at Dina Bonnevie.

Mas binibigyang-halaga ni Danica ang kursong Culinary Arts kaysa sa kanyang pag-aartista, sa susunod na taon ay aalis siya para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa America. Kaya sa maagang panahon ay pinaghahandaan na ni Danica ang kanyang kinabukasan.

Isang gabi ay nakasama namin sa Punchline ang magkapatid na Danica at Oyo Boy, nakasama rin namin ang kanilang pinsan na si Miko Sotto at ang inspirasyon ngayon ni Oyo Boy na si Alessandra de Rossi, enjoy ang tropa sa mga sing-along masters ng nasabing comedy bar.

Walang maisagot si Oyo Boy sa pang-aalaska sa kanya ni Pretty Tirsha, ang sing-along master nagka-type sa kanya, tawa lang nang tawa si Oyo Boy.

Kung si Danica ay bibung-bibo ay masyado namang mahiyain si Oyo, pero ang kagwapuhan ng bunso nina Vic at Dina ay nagsasalita, napakagwapo ng kumbinasyon ng dugo ng dalawa.

Maganda ang samahan ng magkapatid, tama ang kwento ni Dina na mas magkaibigan ang dalawa kaysa sa magkapatid, kaya sa anumang isyung kasasangkutan ng sinuman sa kanila ay nagdadamayan sina Danica at Oyo Boy.

Makapamilya talaga ang mga Sotto, sila-sila ang mag-kakabarkada, napakaganda ng kanilang samahan, si Miko ay todo rin ang suportang ibinibigay sa kanyang pinsan.

Kuyog ang magpipinsang ito, huwag mong sasaktan ang sinuman sa kanila at tiyak na makakalaban mo silang lahat, tama o mali man ang kanila.

AKTOR

AKTRES

DANICA

KANYANG

NAMAN

NITO

OYO BOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with