Aiko,napatotohanan ang hinala kina Jomari at Ara
August 22, 2003 | 12:00am
Nakalulungkot ang mga nagaganap ngayon sa pamilya Estrada. Masyado lang siguro kaming apektado dahil madalas namin silang nakikita at nakakasama. Nararamdaman namin ang kanilang emosyon, dahil sa rami ng mga bato ng akusasyon na kailangan nilang sanggahin ngayon.
Nagsimula ang mga akusasyon sa ama, lumipat sa ina, napiit ang isang anak at ngayon ay sangkot na rin sa isyu ang iba pang mga anak at ekstensyong pamilya.
Nakalulungkot ang ganitong sitwasyon lalo nat sangkot na pamilya ay malapit sa puso ng mga taga-showbiz. Hindi man nagkakapareho ang kanilang mga pananaw, kahit paanoy nandoon ang pang-unawa at pakikisimpatya.
Nauna na ang Pangulong Joseph Estrada at Senador Loi, sangkot na noon dati pa si Mayor Jinggoy, isinunod naman agad sina Laarni Enriquez at Major Jude, at ngayon ay sangkot na rin sa isyu ng rebelyon ang kumibo-dili na si Jackie Ejercito-Lopez.
Maaasahan na ang ganun, si Laarni na mismo ang nagsabi na nakakatakot na ang panahon ngayon. Maging malapit ka lang sa Pangulong Estrada, ka-pamilya o kaibigan ka ay napagbibintangan na.
Pero ang medyo nakakaalarma ay ang mga kwentong lumulutang ngayon na pati raw ang Hari ng Aksyon na si Fernando Poe Jr. ay idadamay na rin ang pangalan sa naganap na pag-aaklas ng mga sundalo?
Yung anggulo raw na yun ang niluluto ngayon sa kusina ng mga kalaban, isang kwentong nakagugulat talaga, pero hindi namin pinaniniwalaan.
Huwag naman nating gawing bobo ang mga tagapagtahi ng kung anu-anong bintang, nag-iisip din naman sila, alam nila kung ano ang OA na.
The height na yun kapag nangyari, masyado nang magiging halatado iyon kapag nagkataon. Lalo nat pinagpipistahan pa rin hanggang ngayon ang balitang tatakbo sa panguluhan sa susunod na taon si FPJ.
Dalawang Linggong mawawala sa bansa si Konsehala Aiko Melendez, may mga aasikasuhin siya sa Amerika at magpapagamot na rin, kaya kahit paanoy naisasabay niya na rin ang diretsong pamamahinga.
Sa pag-alis ng magandang aktres-pulitiko ay sinabi niya na binibigyan na niya ng kalayaan sina Jomari Yllana at Ara Mina. Ang mahalaga para kay Aiko ay napatunayan na niya na ang mga sinabi niya noon tungkol sa dalawa ay totoo, hindi lang base sa kanyang mga naririnig.
"Tama nang kapalit ng lahat sa akin ang vindication, sila naman ang nagsabi ng kung ano ang totoo, e. It didnt come from me, lalo na yung sinabi ni Ara na during that time raw na magkasama pa kami ni Jom, e, she tried fixing it for us.
"Gumawa nga siya ng paraan, pero hindi para maiayos kami, kundi para paghiwalayin pala," sabi ni Aiko.
Maluwag na niyang natanggap ngayon ang totoo, tapos na ang kanilang relasyon ni Jom. Pinawalang bisa na ang kanilang kasal at may kanya-kanyang buhay na sila ngayon.
"Its best na mag-move on na kaming pareho, anyway, annulled na naman ang kasal namin. Si Andrei na lang naman ang concern ko ngayon, huwag na lang sanang kapusin sa pagmamahal ni Jom ang bata.
"With me, okey na yun, talaga namang ganito ang buhay, di ba? Kung nasaktan man ako o nakasakit din ako, tapos na yun," sinsero pang sabi ni Konsehala Aiko.
Magkakabangga raw sila sa pulitika ng ama ni Ara, ayon sa mga balita, pero para kay Aiko ay mahaba pang proseso muna ang pagdadaanan non.
"Ni hindi ko pa nga sure kung ano ang tatakbuhan kong position, e. Kung anuman yun, saka na lang sana nila ipasok, ang layu-layo pa naman nun," sabi na lang ng magandang konsehala.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended