Kung hindi si Regine,si Iza ang gustong kapareha ni Ogie
August 22, 2003 | 12:00am
Dahilan marahil sa intriga sa kanila ni Regine Velasquez kung kaya hindi pa sigurado kung magkakatambal pa ito at si Ogie Alcasid sa Metro Manila Film Festival Philippines 03 offering na pinamagatang Kapten Barbel.
"Ngayong araw pa naman na ito nakatakda kaming magsimula ng shooting for the movie," ani Ogie sa presscon ng kanyang O.A. @ 15 na magaganap sa Araneta Coliseum sa October 10, 8:00 n.g.
Kung hindi tatanggapin ni Regine ang pelikula, si Iza Calzado ang gustong makapareha ni Ogie.
Nang tanungin tungkol sa kumakalat ng tsismis sa kanila ni Regine na diumano ay pinakakalat ng kampo ni Bing Loyzaga, sinabi ni Ogie na "Hindi ako naniniwala rito. Labas si Bing rito although hindi ko alam ang motibo ng nagpasimuno ng intrigang ito," ani Ogie.
Bagaman at masyadong excited si Ogie sa Kapten Barbel, mas focused siya sa kanyang O.A. @ 15. "Nakakatakot pa rin kahit alam ko na napuno ko na ang Coliseum nun. Iba pa rin ngayon, mas mahirap ang buhay," paliwanag niya.
For his concert, magkakaroon siya ng 15 guests, mga kasamahan niya sa trabaho na nagkaroon ng bahagi sa kanyang buhay, gaya nina Regine, Gary Valenciano, Piolo Pascual, Kyla, Jaya, Janno Gibbs, Michael V, Antonio Aquitania, Wendell Ramos, Francis Magalona, Dingdong Avanzado, Salbakuta, Sarah Geronimo. Manilyn Reynes at Rico Puno.
"Si Manilyn, tinawagan ko at inimbita three months ago pa," imporma niya.
Sa kanyang pagbabalik tanaw, tandang- tanda pa ni Ogie nung unang marinig niya ang unang kanta na kinatha niya. "Muntik na akong mabangga. Gusto kong magsisigaw at sabihin sa mundo na akin yung kantang yun. Isa yun sa pinaka-magandang pangyayari sa aking buhay," dagdag pa niya.
Ngayon, halos lahat ng artist ay nagawan na niya ng kanta at marami pa ring humihingi ng composition niya. Gusto niyang gawan ng kanta si Lea Salonga. "Isang wedding song, yung masaya di pa rin nung mga love songs na madalas kong ginagawa na painful songs," ani Ogie.
Sa kabila ng pagtanggi niya na maging isang bold star, swerte na maraming pelikula si Jenny Miller. Dalawang gabi ko siyang nakita sa magkahiwalay na presscon ng kanyang mga pelikulang Asboobs at Pinay Pie. Ang una ay para sa Nu Art Movies topbilled by Eddie Garcia with an array of comedians like Jeffrey Quizon, Paolo Contis, Long Mejia, Bearwin Meily at Vhong Navarro. Sila lamang ni Nancy Castiglione ang mga babae sa pelikula tungkol sa mga army recruits trained by Eddie as the drillmaster. Sama rin siya sa Pinay Pie na nagtatampok naman kina Aiai delas Alas, Joyce Jimenez at Assunta de Rossi. Isa naman itong nakakatawang pelikula tungkol sa girl power at kung paanong ang magkakaibang personalidad nilang tatlo ay nagbigkis sa kanila para ipakipaglaban ang karapatan nila.
"Okay na sa akin yung pagpapa-sexy lang. Marami din naman akong pelikula bukod pa sa mga palabas ko sa TV kahit wala akong ipinapakita," katwiran ng taga-Lucena na nakatapos ng kolehiyo sa kursong commerce. "Kung hindi ako swertihin sa showbiz, baka mag-negosyo na lang ako pero, at the moment, may career is doing good. Kontento ako, wala akong reklamo," sabi ni Jenny.
"Ngayong araw pa naman na ito nakatakda kaming magsimula ng shooting for the movie," ani Ogie sa presscon ng kanyang O.A. @ 15 na magaganap sa Araneta Coliseum sa October 10, 8:00 n.g.
Kung hindi tatanggapin ni Regine ang pelikula, si Iza Calzado ang gustong makapareha ni Ogie.
Nang tanungin tungkol sa kumakalat ng tsismis sa kanila ni Regine na diumano ay pinakakalat ng kampo ni Bing Loyzaga, sinabi ni Ogie na "Hindi ako naniniwala rito. Labas si Bing rito although hindi ko alam ang motibo ng nagpasimuno ng intrigang ito," ani Ogie.
Bagaman at masyadong excited si Ogie sa Kapten Barbel, mas focused siya sa kanyang O.A. @ 15. "Nakakatakot pa rin kahit alam ko na napuno ko na ang Coliseum nun. Iba pa rin ngayon, mas mahirap ang buhay," paliwanag niya.
For his concert, magkakaroon siya ng 15 guests, mga kasamahan niya sa trabaho na nagkaroon ng bahagi sa kanyang buhay, gaya nina Regine, Gary Valenciano, Piolo Pascual, Kyla, Jaya, Janno Gibbs, Michael V, Antonio Aquitania, Wendell Ramos, Francis Magalona, Dingdong Avanzado, Salbakuta, Sarah Geronimo. Manilyn Reynes at Rico Puno.
"Si Manilyn, tinawagan ko at inimbita three months ago pa," imporma niya.
Sa kanyang pagbabalik tanaw, tandang- tanda pa ni Ogie nung unang marinig niya ang unang kanta na kinatha niya. "Muntik na akong mabangga. Gusto kong magsisigaw at sabihin sa mundo na akin yung kantang yun. Isa yun sa pinaka-magandang pangyayari sa aking buhay," dagdag pa niya.
Ngayon, halos lahat ng artist ay nagawan na niya ng kanta at marami pa ring humihingi ng composition niya. Gusto niyang gawan ng kanta si Lea Salonga. "Isang wedding song, yung masaya di pa rin nung mga love songs na madalas kong ginagawa na painful songs," ani Ogie.
"Okay na sa akin yung pagpapa-sexy lang. Marami din naman akong pelikula bukod pa sa mga palabas ko sa TV kahit wala akong ipinapakita," katwiran ng taga-Lucena na nakatapos ng kolehiyo sa kursong commerce. "Kung hindi ako swertihin sa showbiz, baka mag-negosyo na lang ako pero, at the moment, may career is doing good. Kontento ako, wala akong reklamo," sabi ni Jenny.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended