Dalawa sa F4 darating sa Setyembre
August 21, 2003 | 12:00am
Ito ang malaking palaisipan ngayon ng milyun-milyong tagahanga ng Taiwanese group na F4 (Jerry Yan, Vic Zhou, Ken Zhu at Vaness Wu) simula nang marinig nila ang anunsyo na darating ng bansa next month ang grupo, dadalhin sila rito ng show producer na si Joed Serrano. Ang nakakalungkot lamang, dalawa lamang sa grupo ng F4 ang darating. At kung ang pagbabatayan ay ang napakamahal na TF (talent fee) na hinihingi ng mga manager ng apat, hindi kataka-taka kung hindi makaya ng grupo ni Joed na dalhin silang lahat dito.
Sino sa apat ang darating? Si Jerry (Daomingsi) na bida sa Meteor Garden 1 & 2, di ito dapat pagtalunan pa dahil obvious na sila ni Barbie Wu (Shan Cai) ang bida sa dalawang episodes ng napaka-popular na programa although naging threat sa character ni Shan Cai ang character ni Yesha who is prettier, a princess to boot, an artist at maraming talent. Marunong pa siyang lumangoy, iniligtas niya sa kamatayan si Daomingsi.
Baka naman silang dalawa ni Vic Zhou (Huazehlei), o eh di bongga! After all, kahit ano pang sabihin ng ibang mga fans ng F4, ang dalawang ito ang naglalaban bilang pinaka-sikat na myembro ng grupo.
Sa mga nagagalit dahil isinulat ko na may asawa na si Huazehlei in the person of Hsu Hsi Ti, a sister of Barbie, sabi ko nabasa ko ito sa Internet. Ke totoo ito o hindi, hindi ako apektado, at sana kayo rin. Dapat humanga lamang tayo sa kanila ke anuman ang estado nila sa buhay.
Kung sina Ken Zhu at Vaness Wu lamang ang dumating, okay din naman di ba? Kumakanta rin naman ang dalawa, gwapo rin naman sila.
Interesting din naman si Ken who is 24 years old at mahilig magluto. Gustung-gusto nitong ipinagluluto ang girlfriend niya. O baka naman gusto nyo ring ilusyunin na unattached ang tatlo pang F4?
Tinatawag siyang "singing idol of the masses" na tulad ni April Boy Regino. Kaya marahil iniintriga siya rito.
"Sa kanya na ang titulo, sa kanila ni Victor Wood. Ako gusto ko lang kumanta at magpasaya," ani Renz sa media launch ng kanyang album na "Everyday" sa bago niyang recording outfit, ang Universal Records na pinamumunuan ni Bella Tan.
"Natapos na ang contract ko sa Octo-Arts, wala na yung mga boss ko dun. Wala na rin yung mga may gusto sa akin dun," ang sagot niya sa tanong kung bakit kinailangan niyang lumipat.
Ang "Everyday" ang carrier single ng album na palagi nang hinihiling na patugtugin sa radyo. Bukod dito, ang iba pang nilalaman ng album ay ang "Isang Libong Dasal" nina Arnie Mendaros at Arnel Layug, "Bat Nahayaan Ka" ni Vehnee Saturno, "Keep On Loving You", Tagalog adaptation ng "Im Sad" (Wo Nan Quo), isang hit ng popular na Taiwanese group na 5566, "Tanging Ikaw", unang pinasikat ni Zander Khan pero bibigyan ngayon ng bagong areglo, "Baby Come Back" ni Lito Camo at marami pa.
Si Renz ay isa nang matagumpay na negosyante nang magpasya maging recording artist. Hanggang ngayon ay malakas pa ring bumenta ang kanyang bakery na Wagon 44 na matatagpuan sa Pasig Greenpark. Nagrarasyon ito ng tinapay sa mahigit na 40 tindahan sa Pasig. Nagsimula ang negosyo niya na siya ang nagmamasa, nagtitimpla at nagde-deliver ng kanyang mga tinapay.
Bago siya nakilala ay naging champion siya sa pagkanta sa UP. Tinalo niya ang maraming kinatawan ng ibat ibang kurso para maging opisyal na kinatawan ng UP sa isang national song competition. Grand prize winner siya rito.
Naging myembro rin siya ng grupong T.C.B. (Taking Care of Business), ang mga nakasama niya rito ay mga prominenteng pangalan sa larangan ng musika hanggang sa kasalukuyan.
Naging multiplex singer din siya, recording several cover versions ng mga foreign hits bago siya nabigyan ng recording break ni Sunny Ilacad.
Karamihan ng mga awitin ni Renz ay tungkol sa nabigong pag-ibig, katulad ng istorya ng kanyang buhay. Hiwalay sila ng kanyang asawa at hanggang ngayon hinahanap niya ang babaeng makakasama niya the rest of his life.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended