Full Circle bagong singing group
August 20, 2003 | 12:00am
Lima silang myembro na originally ay ibi-build up ng ABS CBN as a new singing group. Divettes pa nga sana ang ipapangalan sa kanila pero, dahilan sa biglang naging popular ang segment na Full Circle sa ASAP Mania kung kaya ito na lamang ang pangalan na napagpasyahang ibigay sa grupo ng apat na kabataang babae na magagaling kumanta, sina Michelle Ayalde, Karel Marquez, Maoui David at Glaiza de Castro.
Taga-Ang TV dati si Michelle. Nung mag-16 siya ay inilunsad bilang bahagi ng Star Circle Batch 10. Bagaman at idolo niya si Regine Velasquez, ang magandang boses ni Michelle ay namana niya sa kanyang mga magulang na parehong myembro ng isang banda. Sa mga hindi nakakaalam, siya ang kumanta ng theme song ng mga palabas na Marinella at Wansapanataym. Bahagi rin si Michelle ng ASAP Road Tour na kumakanta sa mga bars and night sports sa Malate kasama ang ibang ABS CBN talents gaya nina RJ Rosales, Cherry Lou, Tin Arnaldo at Nikki Valdez.
Anak naman si Karel ni Pinky Marquez. Wala itong formal lessons sa voice pero napaka-galing mag-perform. Maski ang mom niya ay nagugulat dahil ang akala nito, pag-aartista ang gustong tahakin ng kanyang anak lalo na nang masali ito sa programang Berks. Yun pala, susunod din ito sa bakas niya.
Sixteen years old si Karel na maituturing nang isang beterana sa pag-arte dahilan sa tatlong taong gulang pa lamang ito ay sumasama na sa kanyang ina na lumabas sa mga plays. Myembro rin ito ng Trumpets at madalas ay kasama siya sa mga palabas nito, ang pinaka-huli ay ang Christmas Carol nung Pasko ng 2002.
Si Maoui ay isang Pinay na lumaki sa Tate. Pitong taon siya nang pumunta sila ng kanyang pamilya dun. May club na mina-manage ang father niya sa Amerika pero, palagi lamang siya sa kusina, bawal na bawal siyang makita sa bar. Nung 10 years old siya, pinayagan siya ng dad niya na maki-jam sa loob pero, siniguro muna nilang walang pulis na darating. Dun unang nalaman ng father niya na marunong siyang kumanta. Kinumbinse siya nito na mag-try ng career dito sa Pilipinas. At sinamahan pa nila siya rito. Pero, di agad siya nakuha the first time nang mag-try siya sa Batch 9. Bumalik sila ng US. Nung 2001, maswerte na siya, nasali siya sa Batch 10.
Napapanood na si Maoui sa Tabing Ilog, bilang isang may dalawang personalidad.
Sa pelikula, kasama siya sa John and Heart movie.
Isang pamilya ng musikero sina Glaiza. Bahista ang kanyang ama at bokalista naman ang kanyang ina ng bandang Dimmers. Kumakanta rin at tumutugtog ng mga instrumento ang kanyang mga kapatid. Hindi kataka-taka kung lumaki rin siyang marunong kumanta at tumugtog ng gitara.
Limang taon lang kumakanta na sa simbahan at iskwela si Glaiza. Nung pitong taon siya, sumali siya sa Little Miss Philippines, nakalimutan niya ang lyrics ng kanta niya.
Bagaman at nakalabas na siya sa mga pelikulang Cool Dudes, Singsing ni Lola at Bahid, mas nakikilala siya dahilan sa programang Berks.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended