^

PSN Showbiz

Tado, idol ng mga Jologs

-
Nagtapos ng Psychology sa PUP si Tado. Kahit siya’y hindi niya maintindihan kumba’t yun ang kinuha niya. "‘Yun kasing course na ‘yon, kokonti ang pila ng mga estudyante, kaya nakipila na rin ako!"

Dati ring aktibista at laging napapasabak sa rambol-gulong hindi naman kanya, pero nakikisali siya.

Unique ang pananaw sa buhay ni Tado, kaya naman jologs ang bansag sa kanya. At doon siya minahal ng mga tao.

Mapagkakamalan mong addict, pero hindi. Normal na talaga sa kanya ang kapayatan. At parang wala na rin siyang kapalaran pang tumaba, lalo na’t araw-araw ay work-to-death siya.

Isa siya sa mga nagbibigay-aliw sa Masayang Tanghali Bayan!

‘Yung kanyang ala "Strangebrew" na style ay dinala na rin niya sa Klasmeyts tuwing Miyerkules right after Whattamen.

At isa naman siyang gasoline boy sa OK, Fine...Whatever! every Tuesday night. Pawang mga top-rating shows ang mga nasabing comedy show.

"Uy, bibigyan nga ako ng award sa MTB, eh... Ako ang laging pinakamaagang dumating sa istudyo. Nakakatuwa nga, eh!"

Ayaw nang idenay ni Tado na pamilyado na siyang tao, dahil ayaw rin niyang magpaasa ng mga babaing nagbabalak na magkagusto sa kanya. May tatlo na siyang anak na babae.

Si Tado... mukhang tarantado, pero isang huwarang ama.

Mukhang addict, pero busy lang masyado at ewan kung nagtitipid sa pagkain.

Mahaba ang buhok, pero hindi naman si Samson.

‘Yan si Tado... Isang Icon.

Ngek!

AYAW

DATI

ISA

ISANG ICON

KAHIT

KLASMEYTS

MASAYANG TANGHALI BAYAN

SI TADO

TADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with