Amy gustong maging baby-maker ni Roderick
August 19, 2003 | 12:00am
Hanggang biruan ang pagiging "baby-maker" ni Amy Perez kay Roderick Paulate. Biruan na puwedeng totohanin ng dalawa dahil para sa aktres ay wala namang problema kung magiging ina siya ng anak ni Roderick. "Nagbibiruan lang kami at sabi ko nga sa kanya, bayaran niya ako. Bakit naman hindi, di ba?"
Matagal nang isyu ang pagli-link sa dalawa. Maraming nagsabi sa kanila na bagay sila at puwede silang magpakasal dahil pareho silang loveless sa ngayon. "Dick and I decided na its better na mahalin muna namin ang sarili namin."
Malutong na "kuya" ang tawag nito kay Roderick pero kung paglaruan sila ng tadhana na magkatuluyan ay hindi iyon magiging problema sa aktres matagal na silang magkakilala at alam na nila ang pagkatao ng bawat isa. "Wala namang warranty o guarantee na dahil matagal na kayong magkakilala ng isang tao magkasama ay magiging smooth sailing na ang relasyon ninyo. Lets admit it, wala namang relation na walang away pero maayos naman iyon, di ba?"
Masuwerte si Amy dahil siya ang nakuhang pamalit kay Angelu de Leon sa Celebrity DAT.COM ng Trese. Maraming pinagpilian pero nangibabaw ang Amy dahil ang kailangang ipalit ay artistang ang pangalan ay nagsisimula ng letrang A. Masuwerte na rin daw ang aktres sa pag-ibig dahil may manliligaw na itong taga-ibang bansa. "Huwag muna, Im not ready yet for another relationship." AD

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended