'Hindi si Joed Serrano ang bumili ng Jaguar ko' - Onemig
August 18, 2003 | 12:00am
Walang hilig sa pagsagot sa mga kontrobersya si Onemig Bondoc. Marami nang isyung lumabas na sangkot ang kanyang pangalan, pero mailap ang batang aktor sa pagkokomento.
Puro ngiti lang ang isinasagot niya sa mga nagtatanong. Ayaw niyang magbigay ng sagot, kaya laking-gulat namin nang makausap namin kamakailan si Onemig.
Nakangiti lang siya habang nagrereklamo, pero ramdam mo ang sama ng kanyang loob kay Joed Serrano, dating miyembro ng Thats Entertainment na nagdadala ng mga artista sa Japan para mag-show.
Maraming nilinaw sa amin si Onemig. Una ay ang pagkakalat diumano ni Joed na nagkaroon sila ng relasyon. Siya raw ang dahilan kung bakit nagkahiwalay ito at ang karelasyong si Robby Tarroza.
Pangalawa, ikinakalat din daw ni Joed na ito ang nagregalo sa kanya ng minamaneho niyang Jaguar. Dun naririndi si Onemig dahil siya ang nagpapakahirap na bayaran ang nasabing sasakyan.
"Akala ko nga po eh, palalampasin ko na lang uli ito, pero ang pangit na kasi ng mga nangyayari ngayon. Maraming nagsasabi sa akin na ikinakalat ni Joed na mag-on daw kami at siya ang bumili ng sasakyan ko.
"Ang sa akin lang po, I have nothing against gay. Sa trabaho natin, marami tayong kaibigang gay, kaya wala akong intensyon na saktan sila.
"Ang sama lang ng loob ko e, bakit niya sinasabi kung kani-kanino na magkarelasyon daw kami at ako raw ang cause ng break-up nila ni Robby?
"Kung nagkahiwalay man sila, eh out na po ako run, I have nothing to do it, he should not drag my name dahil wala po akong kinalaman sa personal niyang buhay," unang pahayag ng nananahimik na batang aktor.
Nagpakahirap siya para mabili ang pinapangarap niyang sasakyan, siya ang bumili non at buwan-buwan naghuhulog. Kaya galit si Onemig kung bakit ikinakalat ni Joed na ito ang nagregalo sa kanya ng nasabing Jaguar.
"Sana lang po, yung mga totoo lang ang sinasabi niya. Huwag naman sana niyang kine-claim ang hindi kanya, nakakahiya ang ganun!
"Im working so hard para lang matupad ang mga pangarap ko, tapos, kukunin niya ang credit na hindi naman siya ang gumagawa?" katwiran ni Uno.
Tiniyak na magiging problemado talaga ngayon si Joed, dahil kung sinu-sino pang artista ang idinamay nito sa isyu, biro man yun o totoo.
Tatlong pangalan ng mga kabataang aktor ang ikinakalat din ni Joed na diumanoy naka-sex na niya, sina Piolo Pascual, Cogie Domingo at Diether Ocampo.
"Nagulat po ako nung sabihin niya sa akin na naka-sex na raw niya si Piolo. Nagulat talaga ako, dahil imagine, walang kaalam-alam si Piolo na ganun pala ang mga sinasabi ni Joed about him?
"Gusto ko na nga sanang kausapin si Piolo kapag nasa taping kami ng Buttercup, pero ang iniisip ko naman, baka mainsulto siya sa itatanong ko sa kanya.
"Saka hindi naman po ako naniniwala sa mga sinasabi ni Joed, so hindi ko na lang sinasabi yun kay Piolo," sabi niya.
Isang manager ang tumawag sa amin, matagal na rin daw nitong nababalitaan ang tungkol sa mga kabataang aktor na naka-relasyon at naka-sex na ni Joed, mismong ang dating aktor daw ang nagkakalat ng balita.
Kailangan nang malagyan ng tuldok ang mga kwentong ito. Kailangan nang maugat kung kanino talaga nagmula ang mga kababalaghan, dahil nakakaawa naman ang mga taong naglalakad na pugot ang ulo.
Biro man o ano, ang ganitong klaseng isyu ay kailangan nang malinawan, para tumigil na ang dapat tumigil sa kakukuwento.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended