^

PSN Showbiz

Pops at Martin, babalik sa US

RATED A - Aster Amoyo -
Isa na namang riot episode ang mapapanood ngayong gabi sa Daboy en da Girl na pinagbibidahan nina Rudy Fernandez, Rosanna Roces at Alma Moreno.

Sa kauna-unahang pagkakataon, magkakasama ang half-brothers na sina Mark Anthony Fernandez at Vandolph Quizon bilang mga espesyal na panauhin ng programa.

First time bale ni Mark na makasama ang kanyang mga magulang (Daboy at Ness) sa programa at kasama pa si Vandolph.

o0o

Kumusta na kaya ngayon ang relasyon ng dating mag-asawang Wendell Ramos at Margarita ‘Jet’ Magdangal magmula nang magsalita ang huli sa TV na wife-beater umano ang actor?

Marami talaga ang nagulat sa naging rebelasyon ni Jet tungkol sa ama ng kanyang four-year-old son na si Wendell Savior Ramos, Jr. dahil kilala ang actor sa pagiging tahimik lamang.

Sa pagkakaalam namin, nagalit umano si Wendell sa ginawa ng kanyang dating misis.

Samantala, showing ngayong Miyerkules, Aug. 20 ang Keka na pinagtatambalan nina Wendell at Katya Santos.
* * *
Akala ko ba naayos na ang problema sa pagitan nina Mystica at ang pamunuan ng Cebu Pacific? Kasi kung naayos na ang gusot, bakit kailangan pang mag-ikot ni Mystica sa iba’t ibang TV programs para lamang birahin ang Cebu Pacific?

Sa halip kasi na ma-contain ang problema sa kanilang pagitan lamang, alam na tuloy ng buong Pilipinas kung ano ang nangyari sa loob ng Cebu Pacific habang lulan si Mystica pabalik ng Maynila galing Davao. Kung sa palagay niya ay naagrabyado siya ng Cebu Pacific, bakit hindi niya idemanda ang nasabing local airline?
* * *
Ang pagkawala ni Dina Bonnevie sa pelikulang Mano Po 2 na entry ng Regal Films sa darating na Metro Manila Film Festival ay gain namang maituturing ng singer-actress na si Zsazsa Padilla dahil sa kanya napunta ang role na tinanggihan ng ex-wife ni Vic Sotto.

Hindi nagdalawang isip si Zsazsa na tanggapin ang alok ni Mother Lily Monteverde para gumanap sa second wife ng Chinese patriarch na gagampanan naman ni Christopher de Leon.
* * *
As early as now ay marami na ang nag-aabang na mapanood ang kauna-unahang telemovie ng dating mag-asawang Pops Fernandez at Martin Nievera na pinamagatang Sabi Niya, Sabi Ko na pinamahalaan ni Mark Reyes for GMA-7 mula sa istorya mismo ni Pops. Makakasama nina Pops at Martin sa telesine sina Troy Montero, Richard Gutierrez, Greg Turvey (bakit hindi na lang si Brad Turvey?), Geff Rodriguez, Chynna Ortaleza, Jackie Castillejo, Philip Lazaro, Jan Marini at Gerard Pizzaras kasama ang Whiplash Dancers.

Malapit na ring simulan ni Pops ang kanyang kauna-unahang teleserye sa GMA, ang Twin Hearts, kasama sina Rudy Fernandez, Dingdong Dantes, Tanya Garcia at iba pa mula sa direksyon ni Dominic Zapata at Eric Salud.

Ngayong Oktubre ay muling magkakasama ang estranged couple sa isang serye ng concert sa Amerika na tatagal hanggang Nobyembre. May milagro kayang mangyari sa dating mag-asawa?
* * *
May mga magulang na ginagawang breadwinners ang kanilang mga artistang anak pero marami pa rin sa mga parents ang hindi umaasa sa kita ng kanilang mga anak at gumagawa sila ng sarili nilang pagkakakitaan. Tulad na lamang ng mag-asawang Dondie at Alma Prats, ang mga magulang ng magkapatid na John at Camille Prats. Kung tutuusin, malaki na ang kinikita nina John at Camille at hindi na kailangan pang mag-worry ang mag-asawa. Pero hindi ganoon ang kanilang panuntunan. Kung anuman ang kinikita ng magkapatid na John at Camille ay nakalaan ito sa kanilang magandang kinabukasan.
* * *
Email: [email protected]

ALMA MORENO

ALMA PRATS

BRAD TURVEY

CAMILLE

CEBU PACIFIC

CENTER

MYSTICA

RUDY FERNANDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with