^

PSN Showbiz

Singer, iniisahan ang manager

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Masama ang loob ng isang manager sa kanyang alagang singer-actress dahil itinatago nito ang ibang mga raket sa kanya. Sasabihin na may dadalawin lang sa probinsya pero may singing engagement na pala.

Wala itong respeto sa kanyang lady manager dahil minsan ay sino-solo ang commitment nang di niya nalalaman.

Malalaman lang ng manager na galing pala ito sa malayong lalawigan for a singing engagement kapag nasangkot na ang alaga sa gulo.

Kontrobersyal ngayon ang singer na ito dahil sa kagagahang ginawa sa eroplano.
Huminto Na Rin Sa Pagsunod
Nakahinga na ngayon ng maluwag si Ara Mina dahil sa wakas ay tinantanan na siya ng kanyang stalker na kilala ng lahat ng reporter. Nagsawa na rin ito ng kasusunod sa magandang aktres at ang binubuntutan naman ngayon ay si Katya Santos.
Payag Mag-Artista Ang Anak
Close na close ang bunsong anak na si Charles (CK) sa asawa ni Mayor Rey na si Gigi Malonzo. Katunayan, nang minsang magpiktoryal ang mag-ina para sa isang sikat na magasin ay laging nakasunod si Gigi kay CK. Ito rin ang personal na nagbibihis sa anak at nagmo-motivate para makunan ng maayos ang anak.

"Ngayong unti-unti nang gumagawa ng pangalan si Christopher ay payag din akong mag-artista siya kaya lang dapat prioridad pa rin ang pag-aaral. Hilig nito ang mag-artista gaya ng kanyang ama at kapatid," sabi ni Gigi tungkol sa anak.

Sino ang mas mahigpit sa kanila ni mayor sa pagdidisiplina sa anak? "Spoiled sa akin ang mga anak ko pero mabait naman si CK. Mas disciplinarian si Rey at sa tingin lang ay nakukuha na, hindi na niya kailangang paluin pa sila," sey ng future mayor ng Caloocan.
Nahihiya Na Sa Mga Anak
Tuluyan na ngang naghiwalay ang dating magnobyong sina Melissa Mendez at JC Castro. Ang maganda lang sa nangyari kahit naghiwalay na sila, wala kang maririnig na siniraan ni Melissa si JC. Nilinaw pa nga nito ang isyu na hindi siya ginamit ni JC.

Natauhan na ang aktres at gustong magsimulang muli at mag-concentrate sa kanyang career. Hindi rin naging matagumpay ang relasyon nito noon kay Raymond Keannu. At yung relasyon nga nila ni JC, ang buong akala niya ay sa altar magtatapos.

Nahihiya na ito sa kanyang mga anak dahil hanggang pagpapakilala na lang sa kanila ang ginagawa nito na nauuwi rin sa hiwalayan.
Pabobonggahin Ni Direk
May bagong mamumuno sa GMA Artist Center, si Direk Joel Lamangan. Pinalitan nito ang misis ni Ronnie Henares na si Yda.

Ayon kay Direk, pabobonggahin niya ang Artist Center kaya panay ang pakikipagpulong nito sa mga talent coordinator. Magiging mapili na rin sila sa mga young talents na papasok sa Syete.

May katapat na si Direk Johnny Manahan ng Dos na head doon ng Talent Center. Parehong magaling na director ang dalawa. Kilala sa pagiging metikuloso si Direk Lamangan, di ba? Kaya siguradong maraming pagbabagong magaganap.

ANAK

ARA MINA

ARTIST CENTER

CENTER

DIREK JOEL LAMANGAN

DIREK JOHNNY MANAHAN

DIREK LAMANGAN

GIGI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with