Joey, nagalit sa pagpapa-lipo at pagpapalaki ng boobs ni Kris
August 17, 2003 | 12:00am
Nakakahiya naman ang ginawa ng starlet na ito nang minsang imbitahan silang mag-ina sa isang show na ginanap sa isang malayong lugar.
Dahil remote nga ang show ay kailangang itira sila sa isang hotel. Dalawang gabi silang namalagi sa hotel na yun at pagkatapos ay bumalik na sila sa Maynila.
Nung makaalis na sa hotel ang mag-ina ay natural lang na tsinek ng mga room boys ang kwarto para malaman ng mga ito kung anu-ano ang kailangang i-charge sa produksyon na mananagot sa mga bayarin.
Pero hindi pa nabubuksan ng mga room boys ang refrigerator ay napansin na agad ng mga ito na halos kalbo na ang kwarto.
Wala na ang bedsheet, wala na ang mga unan, wala na ang mga twalya at iba pang gamit sa kwarto, kinalbo ng mag-ina!
Galit na galit ngayon sa mag-inang ito ang production staff ng programa mula sa isang malaking network dahil sa sobra nilang pagkapahiya sa mga ehekutibo ng hotel.
Yun lang ang kaisa-isang kwarto ng hotel na nalimas ang mga gamit. Ang iba pang mga kwartong inokupahan ng ibang mga imbitadong artista ay hindi nawalan ng anuman. Tanging ang kwartong pinagtirhan lang ng mag-ina ang nawalan ng mga kagamitan.
Pero hindi na pala bago ang ganitong kwento. Kapag bumibiyahe pala ang mag-inang ito na lulan ng eroplano ay ganun din ang kanilang ginagawa. Kinukuha rin nila ang anumang mga gamit na nakikita nila na pwedeng makuha at maiuwi.
Nakakahiya naman ang pinaggagawa ng mag-inang ito. Kaya ang tanong ngayon ng mas nakararami ay bakit, wala kayang laman ang kanilang bahay?
Sayang, gumaganda pa naman ang career ng starlet na ito sa isang higanteng network, kahit pa ginagawa lang naman siyang katatawan sa mga programang nilalabasan niya.
Sabi nga ng isang reporter, "Sayang, anghel pa naman ang ibig sabihin ng pangalan niya, pero mahilig naman pala siyang mangmating!
Magandang-maganda na ang kurbada ngayon ni Kris Aquino, ang dati niyang nakaalsang puson ay impis na impis na ngayon at ang kanyang beywang ay hulmado na sa pagiging balingkinitan.
Kapag nagsusuot ng backless ngayon si Kris ay mas napapansin na ang hubog ng kanyang katawan. Kahit pa noon ay meron na rin naman, kaya nga lang ay hindi pa masyadong lutang.
Nagpa-liposuction si Kris, nagpadagdag din siya ng dibdib at aminado naman ang TV host-actress na marami siyang dapat ipagpasalamat ngayon sa kanyang doctor.
Isang kasamahan namin ang nagtanong kay Mayor Joey Marquez kung ano ang reaksyon ng aktor-pulitiko tungkol sa pagpapadagdag ng dibdib at pagpapa-liposuction ni Kris. Kahit hindi naman ito dapat tanungin dahil usapang pambabae yun, bilang karelasyon ng actress-TV host ay hindi ito makaiiwas sa isyu.
Pakomedya lang na sinagot ni Mayor Joey ang tanong, ang kanyang opinion ay may karapatan naman ang kahit sino na magpagawa ng kahit ano sa kanilang katawan. Basta ikagaganda yun at kung may gagastusin namang sariling pera ang magpapagawa.
Tama ang kanyang sinabi, hindi na dapat pang pakialaman at kwestyunin ang mga artistang nagpapabago ng anumang bahagi ng kanilang katawan, total naman ay sila ang gumagastos at hindi sila nang-aabala-nang momolestya ng tulong mula sa ibang tao.
May kwento kasing lumutang na pinagkagalitan daw nina Mayor Joey at Kris ang pagpapa-lipo at pagpapadagdag ng dibdib ni Kris. Pero kung ganun ang katwiran ng aktor-pulitiko ay madaling sabihin na walang katotohanan ang balitang nag-away sila.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended