^

PSN Showbiz

RATED A Ni Aster Amoyo

-
Pitong taon ding namalagi sa Octo Arts-EMI (ngayon EMI Music na lamang) ang hitmaker na si Renz Verano kung saan siya nakagawa ng pitong album (isang album bawat taon) at nakapaghatid ng maraming hit songs na kinabibilangan ng "You and I", "Remember Me" (pinakamalaki niyang hit song), "Mahal Kita", "Ibang-Iba Ka Na", "Kahit Konting Pagtingin", "Gulong ng Palad" "Lorena" at iba pa.

Nang tumiwalag na ang OctoArts sa EMI Music at mawala rito ang mga taong dating nangangalaga kay Renz, nawalan din ng direksyon ang recording career niya kaya nang dumating ang alok ng Universal Records ay hindi siya nagdalawang-isip pa. November nung nakaraang taon ay pumirma siya ng two-year contract sa Universal Records na pag-aari ni Gng. Bella Tan. At isang bagong album kaagad ang ipinagkatiwala sa kanya na pinamagatang "Everyday" na kinapapalooban ng sampung awiting muling magbabalik kay Renz sa pwestong kanyang pinanghahawakan.

Si Renz ay Roger Lorenzo Verano Mendoza sa tunay na buhay. Ang pangalang Renz ay galing sa pangalawa niyang pangalang Lorenzo at ang Verano naman ay nagmula sa kanyang middle name o apelyido ng kanyang ina.

Tulad ng ibang mang-aawit, hindi rin naging madali ang pagsikat ni Renz. Sumali siya sa isang singing competition nung kasalukuyan pa siyang nag-aaral sa U.P. Naging miyembro rin siya noon ng grupong TCB Voices na tumagal din ng tatlong taon bago sila nagkanya-kanya.

Si Sunny Ilacad, nakababatang kapatid ng OctoArts big boss na si G. Orly Ilacad, ang nagbigay ng break kay Renz sa recording sa pamamagitan ng paggawa ng mga multiplex. Dinala rin siya ni Sunny sa Alpha at gamit niya ang tunay niyang pangalan na Roger Mendoza pero naka-take-off lamang siya nang husto bilang isang recording artist nang mapunta siya sa OctoArts-EMI na pinamumunuan pa noon ng magkakapatid na Orly, Chito at Ricky Ilacad.

Sa kanyang bagong tahanan, ang Universal Records, umaasa si Renz na tuluy-tuloy na naman ang kanyang paghatid ng mga hit songs. Ang kanyang "Everyday" album ay magkakatulong na prinudyos nina Vehnee Saturno, Papa Zu at Lito Camo with Bella Dy-Tan bilang executive producer.

Si Renz ay nagtapos ng Business Economics sa U.P. Sa kabila ng kanyang pagiging matagumpay na mang-aawit at recording star, may naitatag ding sariling negosyo si Renz lalo pa’t may tatlo na siyang anak na binubuhay. Ang nakakalungkot lamang, nauwi rin sa hiwalayan ang pagsasama nilang mag-asawa. Ang dalawa niyang anak na lalake ay na sa kanyang pangangalaga habang ang isa nilang anak na babae ay nasa poder ng kanyang ex-wife. Pero sa kabila na sila’y hiwalay, on speaking terms naman sila dahil na rin sa kanilang mga anak.

Samantala, saludo kami kay Gng. Bella Tan na sa kabila ng paglipana ng mga piratang CDs at VCDs, hindi pa rin siya tumitigil sa pagpu-produce ng mga Original Pilipino Music (OPM) at pagbibigay ng break sa mga baguhan at datihang mang-aawit.
* * *
Tinanggal na si Angelu de Leon bilang isa sa mga host ng Celebrity Dat Com na kinabibilangan din nina Dolly Ann Carvajal at TJ Manatoc. Hindi umano naibigan ng management ang ginawa nito na umapir sa kalaban nilang programa, ang Magpakailanman ni Mel Tiangco sa GMA-7. Wala raw sana kaso sa producer ng Celebrity DatCom kung hindi katapat mismo ang programang Magpakailanman ng kanilang programa. Hindi naman pinagbabawalan ng producer ang kanilang mga host na mag-guest sa ibang programa sa ibang TV network huwag lamang sa katapat na programa ng Celebirty DatCom.

Ayon sa aming source, naghahanap na umano ang producer ng show ng makakapalit ni Angelu o di kaya, kukuha na lamang sila ng iba’t ibang guest co-host every Thursday night.

Samantala, si Angelu ang gumanap sa papel ni Lala Montelibano sa Magpakailanaman nung nakaraang Huwebes ng gabi na siya ngang naging dahilan ng tuluyan niyang pagkawala sa Celebrity DamCom.
* * *
Aminado ang sikat na singer-comedianne na si Aiai delas Alas na nag-iba umano ang takbo ng kanyang career magmula nang lumipat siya ng TV network. Bukod kasi sa dumami ang kanyang TV show, ang Star Cinema naman ang nagbigay ng biggest break sa kanya sa pelikula sa pamamagitan ng Ang Tang Ina na sumira sa lahat ng box-office records.

Blessing in disguise din ang pagkalawa sa ere ng Arriba! Arriba! kung saan isa siya sa mga mainstays dahil ang kapalit naman nito ay isang bagong sitcom na siya mismo ang pangunahing bituin, ang Ang Tanging Ina, The Series na magsisimula nang mapanood ngayong Linggo, Aug. 17, sa ganap na ika-8:30 ng gabi.

Sa Aiai lamang ang kaisa-isang TV host na may apat na magkakaibang programa. Tatlo sa ABS-CBN at isa naman sa ABC-5. Bukod dito, may bago siyang pelikula, ang Pinay Pie kung saan niya kasama sina Joyce Jimenez at Assunta de Rossi at may bago siyang pelikulang sisimulan, ang Volta.
* * *
Mas bata di hamak kay Eula Valdez anga kanyang kasintahan ngayon, ang Filipino-Australian engineer na si Richard Litonjua pero hindi ito hadlang sa kanilang relasyon. Katunayan, magpapaksal na ang dalawa sa December 27 na gaganapin sa Boracay.

Tanggap din ni Richard na may ten-year-old son si Eula (sa dati nitong live-in partner na si Ronnie Quizon).

Hindi ikinakaila ni Eula na nung sila pa ni Ronnie ay pinangarap din niyang makasal sila pero hanggang sa sila’y magkahiwalay ay hindi ito nangyari.

<[email protected]>

ANGELU

BELLA TAN

KANYANG

RENZ

SI RENZ

SIYA

UNIVERSAL RECORDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with