Anak ni Laarni ayaw bumalik sa London
August 16, 2003 | 12:00am
Nainterbyu namin si Jerika Larize, ang panganay na anak ng Pangulong Estrada kay Laarni Enriquez, na kailan lang ay humarap na rin sa media bilang suporta sa kanyang inang isinasangkot na ngayon ang pangalan sa kasong rebelyon.
Maganda si Ika, pang-beauty queen ang kanyang kagandahan, lalung-lalo na ang kanyang kutis na kayumangging-kaligatan.
Pero wala sa linyang yun ang pinupuntirya ni Laarni para sa disiotso-anyos na nitong anak. Ang gusto ng dating aktres ay ang makatapos ng pag-aaral si Ika, kaya ipinadala nito ang dalaga sa London para dun mag-aral.
Kinukwestyon ngayon ng mga kumakalaban sa kanila kung saan kumukuha ng pera si Laarni para makapagpaaral ng anak sa London. Paano raw nito natutustusan ang pag-aaral ni Ika sa London, samantalang wala naman itong pinagkakakitaan?
"Nasa tiyan pa lang ang tatlo kong anak, e, nangangarap na ako para sa kanila. Ang palaging hangad ng magulang para sa kanyang mga anak, e, ang makapagtapos ng pag-aaral.
"Mga bata pa lang sina Ika, Jake at Jacob, napaghandaan ko na ang kanilang kinabukasan. Kaya ang pag-aaral ngayon ni Ika sa sa London, matagal na panahon ko nang napaghandaan yan," malumanay na pahayag ni Laarni.
Kung magkakaroon pa nga raw ito nang sapat na halaga ay gusto rin nitong sa London na rin pag-aralin ang dalawang batang lalaki dahil gusto nitong mamuhay ng normal ang kanilang mga anak ng Pangulong Estrada.
Sa aming interbyu kay Ika ay pinaglalabanan niya ang kanyang emosyon. Nagpapakatatag ang dalaga habang nagsasalita, dahil una pang lumuluha ang kanyang ina.
Palibhasay nanay din kami na may matinding malasakit sa nararamdaman ng aming mga anak, nang isa-isang sagutin sa amin ni Jerika kung gaano kalungkot ang kanilang pamilya ngayon ay mas nauna pa kaming umiyak kaysa sa kanya, sinsero at marunong magsalita si Ika.
"Idolo ko ang daddy ko, hes always been my idol since I was young, and just like in the movies, hindi namamatay ang bida.
"I know it will only take time, but I know my dad will triumph in the end. I always believe that my dad will win," diretso ang tingin sa aming mga mata na sabi ng magandang dalaga.
Sa kanyang pagdadasal ay palagi niyang hinihiling sa Diyos na sanay huwag mawawalan ng lakas ang loob ang kanyang daddy sa pakikipaglaban.
Lagi niyang dasal na sanay huwag pababayaan ng Diyos ang kanyang daddy, dahil kapag sumuko ang Pangulong Estrada ay tuluyan na silang mapipilayang magkakapatid.
Hiling niya na sanay huwag ding susuko sa laban ang kanyang mommy. "In the absence of my dad here, siya na lang ang inaasahan namin, kapag hindi na siya naging strong, paano na kaming magkakapatid?" pigil na pigil ang luha na sabi pa ni Jerika.
Sinamahan niya ang kanyang mommy sa presscon, malayo sa kanyang iniisip ang nangyari, dahil habang tumatakbo ang tanungan at sagutan ay may mga nagpukol din ng tanong sa kanya.
"I went with her in that presscon just to show my support, I didnt expect na tatanungin din pala nila ako. So when someone asked me kung ano ang gagawin ko kapag ikinulong nila ang mommy ko, I told them na magpapakulong din ako.
"My answer came from the heart, I wil really be with her anywhere. Sasama ako sa mommy ko kahit saan pa siya dalhin," sinserong pahayag ni Ika.
Sa Agosto 25 ay nakatakda na sana siyang bumalik sa London dahil Setyembre ang pagbubukas ng kanilang klase, pero nagdadalawang-isip ngayon si Jerika kung aalis pa siya, ayaw niyang iwan ang kanyang inang may matinding problema ngayon.
"Ayokong umalis nang ganito ang situation, idinadamay ang mommy ko sa rebellion, kahit naman umalis ako I wont have peace of mind. So Ill just be here lang muna para makasama niya ako.
"Ang sakit-sakit ng ganito para sa aming pamilya, kinuha na nga nila ang daddy ko, ano pa ba ang gusto nilang mangyari?
"Naawa ako sa mommy ko, shes just a simple woman taking care of us. Pero idinadamay na siya ngayon sa rebellion case. Ang gulo-gulo na ng situation, I cant leave my mom behind, hindi na lang muna siguro ako aalis," pagtatapos ni Jerika Larize Ejercito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended