Aiai at Allan K, magkasosyo sa Klownz 2
August 15, 2003 | 12:00am
![](./main/20030815/images/show5.jpg)
Di lamang sa TV namamayagpag si Allan K. Matagumpay din ang kanyang sing-along bar sa Quezon Ave. na Klownz. Wala yatang araw na di ito SRO kung kaya kinailangang magtayo siya ng isa pang branch para ma-accommodate lahat ng gustong mag-enjoy sa klase ng entertainment na ibinibigay niya.
Mayroon na isa pang Klowns na matatagpuan sa Araneta Center sa Cubao. Balita ko magkasosyo sila rito ni Aiai delas Alas na matagumpay na rin bilang isang artista.
Bagay na bagay ang ganitong negosyo kina Allan at Aiai. Tinatao ang mga palabas nila so bakit nga hindi nila ito samantalahin. Lahat ng gustong mapanood sa kanila ay kailangan lamang pumunta sa Klownz at magi-enjoy na sila.
Binabati ko silang dalawa sa kanilang matagumpay na business venture.
Kung sabagay napakahirap mag-decide lalot sa balikat niya iaatang ng tao ang pagbabagong hinahanap nila sa gobyerno.
Sa proseso ng pag-iisip ng paraan ng pagbabago, nakakalimutan ng mga opisyal ng gobyerno ang serbisyo na dapat nilang ibigay sa tao. Nakakalimutan din nilang may Diyos na nakabantay sa kanila at naghihintay lamang na hingan nila ng tulong.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended