^

PSN Showbiz

Side A,18 taon na!

PARINIG NGA! - Lanie M. Sapitanan -
Masaya ang Side A band habang binabalikan nila ang alaala kung paano nabuo at nagsimula ang kanilang grupo.

"Kaya ako tumutugtog noon ay para lang may pambayad sa tuition. Iniipon ko ang kita kong P60 gabi-gabi. Talagang nagtitipid kami. Sumasabit lang kami sa jeep," pagbabalik tanaw ni Joey Generoso, vocalist ng grupo na graduate ng UST, college of music. Sila Joey Benin (bass guitarist), Ernie Severino (drummer) at Kelly Badon (lead guitarist) ay graduate rin ng kursong Music pero sa UP Diliman. Si Naldy Gonzales (musical director at keyboardist) naman ay nakatapos ng MassCom sa UST.

Marami na nga namang nagsulputan at nawalang banda, pero ang Side A band ay nanatili pa rin na isa sa premyadong banda ng bansa.

Bakit hindi naisipan ni Joey G. na mag-solo gayung kilala na siya at paboritong ka-duet ng mga sikat na singers?

"Kung ang pagbabasihan ay yung mas malaking kikitain ko, alam mo pera lang yan. Bakit ko iiwan ang Side A eh ito ang pangarap kong banda noon pa man," pagmamalaki ni Joey.

Ngayong taon ay nagsi-celebrate ang grupo ng kanilang 18 year anniversary sa papamagitan ng kanilang bagong album, ang "Titanium."

"Ang titanium ang itinuturing na strongest metal in the universe. Yung haba ng tinagal namin sa music industry ay mahirap nang masira," paliwanag ni Naldy Gonzales na siyang nagbuo ng grupong Side A kasama ang kanyang kapatid na si Mark at isang kaibigan na si Rodel Gonzales.

At kung meron pang isang bagay na gustong gawin ng Side A band ‘yon ay ang makilala sila sa ibang bansa.

"Pinaka-biggest dream namin ngayon ay ma-recognize yung music namin sa international market. Actually hindi lang ang Side A band, kundi maging ang iba pang mga Filipino artists. Sana malaman ng buong mundo na mahuhusay at magaganda ang musikang Pinoy," sabi ni Joey G. Samantala, dalawang buwan silang mawawala. Magkakaroon sila ng back-to-back concert ng Freestyle sa US at Canada sa darating na October at November.

Ang bagong album ng Side A na "Titanium" ay mula sa Polyeast Records na may carrier single na "Dream On."
* * *
Nalungkot ako nang napadaan ako sa Baclaran at nakita kong tabi-tabing nagtitinda ng mga pirated CD & VCDs ang mga kabataan na ang pinakabata ay may edad na mga tipong siyam na taong gulang lang ata yun.

Pero ang mas nakalulungkot ay ang itinitinda nila ay triple X VCD.

Mukhang biglang nanahimik ang grupo ni VRB chairman Bong Revilla pagkatapos niyang tumanggap ng award sa abroad tungkol sa piracy.

BAKIT

BONG REVILLA

DREAM ON

ERNIE SEVERINO

JOEY BENIN

JOEY G

JOEY GENEROSO

NALDY GONZALES

SIDE A

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with