Babes ang tawagan nina Jomari at Ara Mina
August 15, 2003 | 12:00am
Balik-ABS-CBN ang TV host-comedian na si Roderick Paulate matapos itong pumirma ng bagong kontrata sa Star Network para sa dalawa niyang bagong programa-isang teleserye, ang Sana Ay Ikaw Na Nga at isang weekly sitcom, ang Ang Tanging Ina na pangungunahan ng pinakabagong comedy queen na si Aiai delas Alas.
Magmula nang mawala si Dick (Roderick) sa MTB, naging visible siya sa ibat ibang TV guesting sa kabilang istasyon, ang GMA-7. Katunayan, nagkaroon pa siya ng alok na maging mainstay ng Daboy en Dagirl kung saan siya naging panauhin sa loob ng limang magkakasunod na episode.
Ang maganda kay Dick, wala siyang bad blood between ABS-CBN at GMA kaya pareho siyang welcome sa dalawang magkalabang istasyon.
Nawala man si Dick sa MTB, dalawang bagong programa naman ang naging kapalit.
Si Dick ay gaganap na Goliath, ang half-brother ni Ina na gagampanan naman ni Aiai, sa Ang Tanging Ina na magsisimula nang mapanood ngayong Linggo, Aug. 17 sa ganap na ika-8:30 ng gabi.
Nawala man ang Arriba! Arriba kung saan si Aiai kasama, agad naman itong nagkaroon ng kapalit, ang Ang Tanging Ina, isang bagong sitcom na siya mismo ang pangunahing bida.
"Napakabait sa akin ng Diyos dahil sa mga sunud-sunod na blessings na ibinibigay Niya sa akin," pahayag ni Aiai sa presscon.
Bukod sa Ang Tanging Ina, isang bagong sitcom na inspired ng kanyang mega-hit launching movie sa Star Cinema na may ganoon ding pamagat, may tatlo pang ibang regular TV programs si Aiai ang Whattamen, MTB at ang kanyang musical show sa ABC-5, ang Sing-Galing with Allan K.
Tiyak na mabibigyan ng ibang kulay ang pagkakasali ni Christopher "PJ" Malonzo sa tatlong magkakaibang pelikula na pawang kasali sa darating na Metro Manila Film Festival Philippines dahil ang kanyang ama, si Caloocan Mayor Rey Malonzo ang over-all vice chairman ng MMFFP.
Si PJ ay kasama sa pelikulang Homecoming na pangungunahan ni Alessandra de Rossi at ang kanyang ikatlong MMFF movie ay ang Captain Barbel na pinagbibidahan ni Ogie Alcasid sa ilalim ng Premiere Productions.
Paano kaya sasanggahin ni Mayor Malonzo ang intrigang ito?
Nagpaalam na noong nakaraang Linggo ang bumubuo ng cast ng Home Along Da Riles na pinangungunahan ng comedy king na si Dolphy. Pero sila naman ay muling babalik sa sa pamamagitan ng bagong format na Home Along Da Airport kasama pa rin sina Nova Villa, Smokey Manaloto, Vandolph, Angeli Gonzales at Dennis Padilla.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay mamimigay ng tribute o pagkilala ang samahan ng mga movie directors, ang Directors Guild of the Philippines, Inc. (DGPI) para sa kanilang mga peers o kasamahan sa trabaho at industriya na tinaguriang Gawad Direk. Itoy gaganapin ngayong alas-8 ng gabi, Biyernes, Agosto 15 sa AFP Auditorium.
Ang unang limang pararangalan ng Gawad Direk ay ang hinirang na National Artist na si Eddie Romero, sina Celso Ad. Castillo, Emmanuel H. Borlaza, Ronwaldo Reyes (Fernando Poe Jr.) at ang yumaong si Luciano "Chaning" B. Carlos.
Sa darating na Agosto 23 (Sabado) sa ganap na ika-8 ng gabi, magkakaroon ng isang kakaibang artistic dance concert ang Douglas Nierras Powerdance na gaganapin sa Aliw Theater na matatagpuan sa loob ng Star City Complex. Itoy pinamagatang Love Powerdance.
Although walang direktibang pag-amin na mula kay Jomari Yllana na sila na ni Ara Mina, marami ang naniniwala na sila na nga dahil Babes na ang tawag ni Jomari kay Ara at sinabi niya na in a scale of 1 to 10, 9.9 ang pagmamahal na iniuukol niya ngayon sa sexy star na siya niyang karamay nung mga panahon na dapang-dapa siya.
Kahit wala pang commitment sa isat isa sina Jomari at Ara, may mutual understanding na umano ang dalawa.
Klinaro rin ni Jomari na hindi umano si Ara ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ng kanyang (dating) asawang si Aiko Melendez.
Email: [email protected]
Magmula nang mawala si Dick (Roderick) sa MTB, naging visible siya sa ibat ibang TV guesting sa kabilang istasyon, ang GMA-7. Katunayan, nagkaroon pa siya ng alok na maging mainstay ng Daboy en Dagirl kung saan siya naging panauhin sa loob ng limang magkakasunod na episode.
Ang maganda kay Dick, wala siyang bad blood between ABS-CBN at GMA kaya pareho siyang welcome sa dalawang magkalabang istasyon.
Nawala man si Dick sa MTB, dalawang bagong programa naman ang naging kapalit.
Si Dick ay gaganap na Goliath, ang half-brother ni Ina na gagampanan naman ni Aiai, sa Ang Tanging Ina na magsisimula nang mapanood ngayong Linggo, Aug. 17 sa ganap na ika-8:30 ng gabi.
"Napakabait sa akin ng Diyos dahil sa mga sunud-sunod na blessings na ibinibigay Niya sa akin," pahayag ni Aiai sa presscon.
Bukod sa Ang Tanging Ina, isang bagong sitcom na inspired ng kanyang mega-hit launching movie sa Star Cinema na may ganoon ding pamagat, may tatlo pang ibang regular TV programs si Aiai ang Whattamen, MTB at ang kanyang musical show sa ABC-5, ang Sing-Galing with Allan K.
Si PJ ay kasama sa pelikulang Homecoming na pangungunahan ni Alessandra de Rossi at ang kanyang ikatlong MMFF movie ay ang Captain Barbel na pinagbibidahan ni Ogie Alcasid sa ilalim ng Premiere Productions.
Paano kaya sasanggahin ni Mayor Malonzo ang intrigang ito?
Ang unang limang pararangalan ng Gawad Direk ay ang hinirang na National Artist na si Eddie Romero, sina Celso Ad. Castillo, Emmanuel H. Borlaza, Ronwaldo Reyes (Fernando Poe Jr.) at ang yumaong si Luciano "Chaning" B. Carlos.
Kahit wala pang commitment sa isat isa sina Jomari at Ara, may mutual understanding na umano ang dalawa.
Klinaro rin ni Jomari na hindi umano si Ara ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ng kanyang (dating) asawang si Aiko Melendez.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am