^

PSN Showbiz

Regine, libre sa anibersaryo ng 'Willingly Yours'

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
May mga ilang letters kaming natanggap na nagri-request ng attention sa loveteam nina Patrick Garcia at Jodi Sta. Maria. Medyo na-miss ata ng mga fans ang dating team up nila sa Tabing Ilog at may mga ilan ding naiinip na sa pagsasama nila sa Darating Ang Umaga.

Eto ang sulat ni Christine Cunanan ([email protected]). "Hi there! Please let Patrick and Jodi know that their fans here in Laguna are still looking forward to their next tandem. Since Tabing-Ilog, hindi na namin kayo nakikita ng madalas. Sayang naman yung na-build-up na samahan n’yo. Honestly, alam n’yo sumama yung loob namin nang maghiwalay kayo sa Tabing-Ilog, specially nung mawala si Patrick. We hope that your tandem will be more exciting in Darating Ang Umaga. We also think that it’s about time for you to have a solo movie. We hope that Star Cinema is looking for a material that would fit your tandem. Maghihintay lang kami.

Hindi naman matagal ang hinihintay ng fans nina Jodi and Patrick dahil makikita n’yo sila sa up coming na Star Cinema movie na showing na on August 30, ang Noon at Ngayon kung saan isa sila sa mga lead star ng pelikula. I’m sure di naman malayo na mabigyan ng pansin si Patrick at Jodi dahil ang dalawa ay among the bankable young stars of today at outstanding talaga ang acting abilities nila.
* * *
Nakakatuwa ang bagong commercial ng Lucky Me Pancit Canton na ini-endorse ng mag-amang Edu Manzano at Luis Manzano. Di katakatakang kunin ng Lucky Me ang dalawa dahil kakaiba nga naman ang chemistry ng magtatay on screen. Sa pag-guest pa lang ni Luis sa show ng kanyang ama na Ok Fine Whatever, kitang-kita ang pagiging natural na komedyante ng dalawa. Sa patutsadahan pa lang nina Luis at Edu, nakakatuwa na ang closeness nila. Relate ang mga viewers sa inside joke ng dalawa sa commercial at ang pagsabing ang orig pa rin ang the best. Siguradong mabiling-mabili ang Lucky Me ngayon dahil sa kanila.
* * *
Napabilib naman kami sa gesture ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa 1st anniversary ng Willingly Yours dahil nag-perform siya ng live at libre para sa mga may kapansanan. Kitang-kita sa itsura ng mga kinantahan n’yang bata at matanda ang kaligayahan dahil nasilayan nila ang kanilang idol na si Regine. May munting salo-salo muna para sa lahat sa labas ng Studio 1 sa ABS-CBN compound bago sinimulan ang mini-concert. Nakaka-touch ang eksenang kung saan ay binigyan pa ni Regine ng regalo ang isang batang babae na super idolo siya. At sa pagtatapos ng show binigyan pa ni Regine ng tig-iisang rose ang lahat ng inalayan niya ng awitin ng hapon na iyon. Marami pang inihhandang mga surpresa at bigating artista ang Willingly Yours ngayong buwan kaya naman wag palampasin ito tuwing 4:30 ng hapon tuwing Sabado.
* * *
Nakakatuwa naman ang nangyayari sa career ni Angelika Jones. Talagang ratsada ang dalaga ngayon sa mga showbiz commitments niya at medyo di pa din makapaniwala si Angelika sa mga nangyayari sa kanya. Kahit minsan ay katawa-tawa ang mga ginagawa n’ya sa TV at lagi siyang feature sa "Stop Me" portion ng The Buzz ok lang sa kanya dahil namna nakatulogn ito ng malaki sa pagiging mabenta n’ya sa mga comedy shows sa Dos. Humahataw din sa sayawan si Angelika kaya naman kasali din siya sa Showgirls sa Folk Arts Theater sa darating na august 30. At dahil din sa tindi ng kanyang paggiling knuha na rin siya ng ASAP Mania bilang substitute ni Vina Morales sa paghu-host ng Clash Dance portion habang nagko-concert ang una sa Us this month. May dalawa pa siyang show sa DOS ang ‘Basta’t Kasam Kita" and ‘Masayang Tanghali Bayan’ sa portion na Mahal at Mura. Very thankful a Angelika sa lahat ng blessing na dumating ngayon sa buhay niya dahl di naman di lingid sa kaalaman ng lahat ang mga trials na nangyari sa kanya. Nagpapasalamat din si Angelika sa kabaitan ng mga taong nakapaligid sa at nangangalaga sa career niya at di siya sinasamantala.

ANGELIKA

ANGELIKA JONES

DAHIL

DARATING ANG UMAGA

LUCKY ME

NAMAN

STAR CINEMA

WILLINGLY YOURS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with