Long, rekomendado ni Dolphy
August 14, 2003 | 12:00am
Pagkatapos ng mga 10 taong paninirahan sa tabi ng riles ng tren, lilipat ang mag-anak na Kosme, (mag-asawang Kevin (Dolphy) at Azon (Nova Villa), ang mga anak nilang sina Bill (Smokey Manaloto) at Baldo (Vandolph Quizon), apong si ABK (Angeli Gonzales), sa kanilang bagong tahanan na matatagpuan sa Naia airport sa pagpapatuloy ng kanilang istorya sa TV na nagsimula sa Home Along Da Riles at ngayon ay Home Along Da Airport na at mapapanood simula sa Sabado, Agosto 16, 8:00 n.g. sa ABS-CBN.
May mga bagong kasama sila sa show pero naroroon pa rin ang mga dati nilang nakasama sa Riles. Gaya ni Paktol (Dennis Padilla) na nagbabalik bilang mortal na kaaway ni Kevin.
Mga bagong mukha, sina J. Lo (Aubrey Miles) na marahil ay kapalit ni (Angela Velez) na mag-aasawa nat maninirahan sa US, ang kapitbahay na si Sam (Camille Prats), ang crush ni Baldo, si Sofi (Alyssa Gibbs), pamangking tsismosa ni J.Lo, Teddy Ver (John Wayne Sace), may crush kay Sofi at si Don Long (Long Mejia), stepson ng dating character ni Babalu na nagnanasa sa bahay na namana ni Azon sa kanyang ama at siyang tinitirhan nila ngayon sa airport.
"Ako ang nagrekomenda para mapasama si Long sa show. Wala kasi akong kabatuhan ng mga jokes. Yung mga dati ay nangamatay na. Alam ko ang kapasidad niya dahil nagkasama na kami sa pelikula," anang hari ng komedi na si Dolphy na tumangging baguhin ang istorya at mga karakter sa show.
Samantala, magkakaroon ng bagong tandem sa Home Along sa katuhan nina John Wayne at Alyssa. Sayang at hindi nakarating ang anak ni Janno (Gibbs) sa presscon ng programa dahilan sa nataon na may iskwela ito. Excited si John na makilala ang kasing-gulang niyang kabataang artista (pareho silang 14 years old) na makakapareha niya sa nasabing programa.
Sa gulang kong ito, di ko akalain na makakasama ako sa napakaraming TV viewers na matamang nag-abang ng ikalawang kabanata ng Meteor Garden.
I feel mas maganda ang Book two ng nasabing Chinovela bagaman at bidang bida na talaga si Jerry Yan na gumaganap bilang Daomingsi dito. Biruin mo, dala-dalawa ang babaeng nagpaka-martyr sa pag-ibig niya. And both girls are portrayed as strong and intelligent. Bobo talaga yata ang maraming babae pagdating sa pag-ibig.
Lahat yata ng elemento na kinakailangan ng isang soap opera ay nasa Meteor Garden 2, drama, comedy, at yung kilig factor na hanap ng lahat ng mahilig sa telenovela. Yung dating kinaaayawan ko na si Jerry Yan (mas gusto ko si Vic Zhou) ay pogi na sa tingin ko lalot tumatawa siya at lumilitaw ang kanyang mga dimples. Gwapo na rin sina Ken at Vaness. Di pa rin nakakasawa ang beauty ni Barbie pero ang artista na gumaganap ng role ni Yehsa, like ko rin.
Kaya kahit may ginagawa kayo sa mga oras na palabas ang Meteor Garden, relax muna kayo to watch the show, Monday to Friday, 7 pm. It will be worth your while.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended