^

PSN Showbiz

Dina ayaw kay Aubrey!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
May isang pelikulang inalok kay Dina Bonnevie para maging nanay ni Aubrey Miles pero tumanggi ang aktres dahil may anak na raw ito. Ipinagkibit-balikat na lang ito ni Aubrey dahil ayaw nang patulan si Dina. Baka kung si Alessandra de Rossi ang maging anak sa movie, baka pumayag pa si Dina.
Jolina, Itinatago Ang Bf
Nasa tamang edad na si Jolina Magdangal para magkaroon ng nobyo. Balitang may boyfriend na itong non-showbiz at nabibilang sa iginagalang na angkan. Pero, itinatatwa pa rin ito ni Jolens. Kahit close sila ni James Blanco ay laging sinasabi ng singer-actress na magkaibigan lang sila at klik ang tambalan sa Narito Ang Puso Ko.

Naglalagare si Jolens sa kanyang teleseryeng Narito Ang Puso Ko at pelikulang Walang Makakapigil (Annie Batungbakal Ngayon) under Viva Films. Di pa tiyak kung tuloy pa rin ang pelikulang pagsasamahan nila ni Fernando Poe Jr. dahil balitang magiging abala ito sa kandidatura bilang pangulo ng bansa.
Sunshine, Parang Walang Anak
Sexy pa rin si Sunshine Cruz kahit may anak na ito at sa isang production sa ASAP Mania noong Linggo ay hindi siya natalbugan nina Assunta de Rossi at Ciara Sotto.

Mas type pa ni Shine na lumabas na lang muna sa telebisyon dahil prioridad nito ang anak na lumalaki na. Nanatiling matatag ang pagsasama nila ni Buboy (Cesar Montano) kahit nakaranas din ng pang-iintriga noon bilang battered wife.
Anne, May Playgirl Image
Kung kani-kanino nali-link si Anne Curtis.

Una siyang naging nobya ni Oyo Boy Sotto at pagkatapos ay naugnay din ang pangalan kina Cogie Domingo, Lucky Manzano at ngayon naman ay kay Richard Gutierrez na balitang ka-on nito.

May intriga ngayon na may dalawang reporter na nakakita sa dalawa na naghahalikan sa harap ng Baclaran Church habang pasakay sa van.

ANNE CURTIS

ANNIE BATUNGBAKAL NGAYON

AUBREY MILES

BACLARAN CHURCH

CESAR MONTANO

CIARA SOTTO

COGIE DOMINGO

DINA

NARITO ANG PUSO KO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with