^

PSN Showbiz

Hot Babes movie, malapit nang ipalabas

-
Malapit nang ipalabas ang pelikulang siguradong pag-uusapan na naman ng marami. Ito ay ang First Time na pagbibidahan ng mga Viva Hot Babes na sina Myles Hernandez, Gwen Garci, Jen Rosendahl, Kristine Jaca at Hazel Cabrera.

Mula sa panulat ni Quark Henares at direksyon ni Lyle Sacri, ang First Time ay maglalaman ng tatlong istorya (trilogy) na magpapakita ng iba’t ibang saya at pighati ng kababaihan sa iba’t ibang aspeto ng buhay-love, sex, career and relationship.

Iikot ang istorya ng First Time sa tatlong magaganda’t agresibong babae. Ito ay sina Jane, Cris at Diane.

Si Jane si Myles, isang college student na part-time crew sa isang fast food joint. Sa istorya ay makikilala ni Jane ang kanyang dream boy na siyang makaka-first time n’ya sa sex. Ang kanyang first time sexperience ay masusundan pa ng maraming sexcapades with his dream boy. Hanggang isang araw ay madiskubre ng kanyang bestfriend na ang lahat pala ng mga sexperience na kinukwento ni Jane ay puro kathang isip lamang.

Si Cris ay bibigyang buhay ni Gwen, isang babaeng confused sa kanyang sexuality. Maliban dito ay mahilig siyang mag-fantasize about forceful sex. Makikilala niya ang isang eccentric artist na magmumulat sa kanya sa kamunduhan.

Sa huling episode, si Jen Rosendahl bilang Diane. Istorya ng isang modern day slut, mahilig siyang makipag-sex kung kani-kanino but without going ‘all the way’. Paniwala kasi niya na ang dapat na maging ‘first time’ niya is with someone really special.

Kamakailan ay ni-release ng Viva Hot Babes ang kanilang Videoke Collection at Rap-Oke.

vuukle comment

FIRST TIME

GWEN GARCI

HAZEL CABRERA

JEN ROSENDAHL

KRISTINE JACA

LYLE SACRI

MYLES HERNANDEZ

QUARK HENARES

VIVA HOT BABES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with