"Himala" ni Nora, tuloy sa CCP
August 12, 2003 | 12:00am
Sa gitna ng maraming negatibong ispekulasyon, tuloy pa rin ang pagtatanghal ng musical version ng Himala, ang award-winning film na ginawa ng superstar na si Nora Aunor sa direksyon ng yumaong si Ishmael Bernal dalawang dekada na ang nakakaraan. Ito ay gagawin sa CCP Main Theater (Nicanor Abelardo Theater) sa ika-22 hanggang ika-30 ng Oktubre.
Ayon sa Calendar of Events ng Cultural Center of the Philippines, ang Himala ay tungkol sa walang hanggang pakikibaka ng tao at kanyang paghahanap ng pananampalataya.
Ang Himala ay base sa libretto ni Ricky, musika ni Vincent de Jesus, musical direction ni Chino Toledo at direksyon ni Soxy Topacio. Dennis Adobas

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended