^

PSN Showbiz

Valerie, sali sa Bb. Pilipinas

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Limang buwan pa lang na nasa showbiz si Valerie Concepcion matapos pumasa sa audition ng Click pero paborito na ito ng mga director kaya nabigyan ng soap opera na Love to Love. Madalas na rin siyang maimbitahan sa mga TV guesting.

Ang bentahe kasi ni Val (palayaw nito) ay ang galing umarte at pagiging propesyonal.

Matangkad din ito sa edad na kinse anyos at napaka-sweet ng mukha kaya pwedeng-pwedeng sumali sa Bb. Pilipinas Beauty Pageant balang araw dahil pangarap talaga niyang maging beauty queen.

Ngayong pa lang ay marami na siyang commercial. Nagsisilbing tsaperon nito ang mommy niya na si Mayette, pero inaming hindi siya stage mother.
Type Makapareha Si Angelika
Nakausap namin si Direk Willie Milan at nasabi niya na gagawa yata sila ng proyekto na tatampukan ni Mikey Arroyo. Gusto raw pala ng aktor na gumanap na superhero.

Matagal na ring pangarap ni Mikey na makapareha si Angelika dela Cruz sa pelikula pero under negotiation pa ang project. Contract star ng Viva Films ang magandang aktres at kailangan din nilang kunsultahin si Vic del Rosario.

Umaasa si Mikey na sana’y matuloy ang proyektong pang-GP na bagay din kay Angel dahil hindi pa ito handang lumabas sa sexy movies.
Inaayos Ang Gusot Nila Ni Snooky
Sinabi ni Ricardo Cepeda na nag-iisang babae sa kanyang buhay si Snooky at nanatili itong mabuting asawa at ina kaya malabong magkahiwalay sila.

Nagtataka lang si Ricardo kung bakit nagpainterbyu ang asawa na lumalabas na hiwalay na sila. "Hindi naman nag-alsa balutan si Cookie. Totoong magkahiwalay na kami minsan sa pagtulog dahil may dalawang kama sa master’s bedroom. Minsan dun siya sa isa at ako naman ay dun sa isa. Minsan naman kasi ay gusto mong maluwang ang iyong lugar. Pero sa iisang kama na kami natutulog ngayon. Malabong magkahiwalay kami. Normal lang na nagkakatampuhan ang mag-asawa," sey ng aktor.

Talaga nga yatang mapagbiro ang tadhana, di ba? Noon kasi ay tahimik ang kanilang buhay kahit may mga problemang pang-pinansyal. Ngayon namang aktibo si Cookie sa pelikula at telebisyon ay tila naaapektuhan ang kanilang married life.

Sinabi pa rin ni Ricardo na naniniwala siyang magkaibigan lang ang kanyang asawa at si Lloyd Samartino.
Tambalang Goma-Pops Sa Tv, Di Tuloy
Hindi tinanggap ni Richard Gomez ang bagong soap opera sa GMA titled Twin Hearts na pagtatambalan sana nila ni Pops Fernandez. Kahit gusto ng aktor na makapareha ang singer-actress na una nitong nakatambal sa pelikula ay di rin niya nagawa dahil sa extensive training sa fencing. Sasali kasi si Goma sa darating na ASEAN Games at kailangang mahabang oras ang ibuhos niya rito.

Nalulungkot din ang magaling na aktor dahil malapit nang matapos ang kanilang soap opera na Ang Iibigin Ay Ikaw Pa Rin.
Carol, Mag-Aasawa Na Rin?
Tila nanamlay na ang career ni Carol Banawa kaya nais nitong subukan ang singing career sa Amerika. Katunayan, papunta siya roon bago matapos ang taong ito.

Naging maganda ang review ng mga music critic sa New York sa magaling na singer nang minsang mag-concert siya roon kaya baka palarin siya sa ibang bansa.

May iba namang nagpapalagay na baka magpapakasal na siya sa kanyang boyfriend na naka-based sa Tate. Nasa tamang edad na rin siya para lumagay sa tahimik.
Angel, Ipinagpapatayo Ng Bahay Ang Ama
Masasabing pambato ng GMA 7 sa kalipunan ng mga kabataan si Angel Locsin. Bukod sa napakaganda ay may potensyal pa sa akting kaya napasama agad sa soap opera na Habang Kapiling Ka.

Pero tulad din ito ng isang puno na hitik sa bunga kung saan pinupukol ngayon ng intriga. Hindi naman naaapektuhan si Angel at idinadaan na lang sa pagiging abala sa trabaho. Ngayon ay tumatahimik na lang ito sa mga isyu linking her to Miko Sotto. Basta’t ang ikinakatwiran niya ay magkaibigan lang silang dalawa at mabait lang sa kanya ang young actor.
Bantay To Death Ang Actress
Ayon sa isang source, ang dating matinee idol pala ang humiling sa isang direktor na magkaroon sila ng lovescene ng kanyang kapareha sa isang teleserye. Kahawig ng leading lady ang naging nobya noon ng aktor na isa ring sikat na aktres.

Kaya balitang nagseselos ang misis ng aktor na isa ring sikat na aktres kaya parati ito ngayong nakabantay sa taping ng kanyang asawa.

Matatag naman ang pagsasama ng dalawa na naging kontrobersyal din noon. Pero minsan daw ay tinatamaan ng selos si misis dahil sa kapareha ng asawa. Ratsada ang career ng mag-asawa lalo na sa telebisyon dahil lumalaki na ang kanilang mga anak.

ANG IIBIGIN AY IKAW PA RIN

ANGEL LOCSIN

ASAWA

BANTAY TO DEATH ANG ACTRESS

CENTER

KAYA

LANG

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with