Aktres, hiwalay na sa non-showbiz hubby!
August 11, 2003 | 12:00am
May nakapagbulong sa akin na hiwalay na rin ang maganda at sikat na aktres sa kanyang non-showbiz husband na naka-base sa ibang bansa. Mas madalas pa sa bansa ngayon ang aktres at manaka-naka na lang kung magpunta sa Amerika para dalawin ang asawa.
Nagtataka ang marami kung bakit tumanggap ng teleserye at pelikula ang aktres na nangangahulugang mamamalagi na siya ng matagal sa bansa. Nagkalamigan na marahil ang mag-asawa dahil nasanay na silang hindi nagkikita nang matagal dahil kapwa abala sa kani-kanilang career ang aktres sa showbiz at ang asawa naman sa kanyang trabaho sa Tate.
Isa sa may pinakamagandang mukha ang aktres na magaling ding umarte at nakilala sa isang sikat na komersyal sa telebisyon noon.
Inamin ni Sunshine Dizon na para siyang nahimasmasan matapos ang aksidente at ngayon ay na-realize niya ang kahalagahan ng kanyang Mommy Dorothy. Mas close ngayon ang dalawa at magkasama sa halos lahat ng lakaran.
Napagtanto ni Shine na marami palang nagmamahal sa kanya kaya nadama ang kahalagahan ng buhay. Prioridad nito ang career matapos silang maghiwalay ni Miko Sotto. Pero balitang may non-showbiz guy na malakas ang tama sa magandang aktres at laging nakasunod sa kanya, gwapo ang lalaki at pwedeng-pwede rin daw maging artista.
Matagal din naming naging kaibigan si Angela Velez at natutuwa kami sa magandang kapalaran nito. Noon pa man ay lagi nitong sinasabi na sanay makatagpo siya ng tamang lalaking kakasamahin niya habang buhay.
Tatapusin lang nito ang kontrata sa ABS-CBN ngayong Oktubre at magpapakasal na sa nobyong si Roy Ofek (dating bf ni Vina Morales) ngayong Disyembre sa Los Angeles. Inamin ng seksing aktres na gusto na niyang lumagay sa tahimik at maging mabuting asawa at ina ng magiging anak nila. Prioridad ni Angela ang pag-aasawa kaya baka tumigil na rin ito sa showbiz.
Nalulungkot si Eddie Garcia kapag nakakakita ng maraming bata na nagpapalabuy-laboy sa lansangan. Bilang premyadong aktor at director ay matagumpay na siya kaya ang pangarap niya ngayon ay mabigyan ng edukasyon ang ilang mga streetchildren sa pamamagitan ng kanyang foundation na balak niyang itatag balang araw. Sa ganitong paraan lang masasabing talagang fulfilled na siya sa buhay.
Ngayong yumao na si Nixau na hinangaan sa Gods Must Be Crazy ay may pumalit naman sa trono nito sa katauhan ni Leon Schuster. Binansagan ito ngayong Comedy King ng South Africa. Napatunayan na ang malakas na hatak nito sa takilya sa pelikulang Panic Mechanic at ngayon ay muling hahangaan bilang Mr. Bones.
Ayon kay Schuster, matagal na niyang pangarap na makagawa ng pelikulang gaya ng Mr. Bones dahil sa universal appeal nito na tiyak na hahangaan dahil itoy puro visual at komedi kaya madaling tanggpin anuman ang kultura ng manonood.
Umikot ang istorya tungkol sa isang batang puti na nakaligtas sa pagbagsak ng eroplano sa isang lupain sa South Africa. Napalayas nito ang mabangis na leon kay hinangaan at inampon ng tribu ng mga Kabuki. Sa panahon ng kabataan ay natutunan nito ang sining tungkol sa pagbabasa ng mga buto (divining the future) at dito siya binansagang "Bones" na naging daan para mapalapit sa hari ng mga Kabuki na si Tsonga.
Palabas na ang Mr. Bones sa Agosto 13 mula sa Solar Films.
Nagtataka ang marami kung bakit tumanggap ng teleserye at pelikula ang aktres na nangangahulugang mamamalagi na siya ng matagal sa bansa. Nagkalamigan na marahil ang mag-asawa dahil nasanay na silang hindi nagkikita nang matagal dahil kapwa abala sa kani-kanilang career ang aktres sa showbiz at ang asawa naman sa kanyang trabaho sa Tate.
Isa sa may pinakamagandang mukha ang aktres na magaling ding umarte at nakilala sa isang sikat na komersyal sa telebisyon noon.
Napagtanto ni Shine na marami palang nagmamahal sa kanya kaya nadama ang kahalagahan ng buhay. Prioridad nito ang career matapos silang maghiwalay ni Miko Sotto. Pero balitang may non-showbiz guy na malakas ang tama sa magandang aktres at laging nakasunod sa kanya, gwapo ang lalaki at pwedeng-pwede rin daw maging artista.
Tatapusin lang nito ang kontrata sa ABS-CBN ngayong Oktubre at magpapakasal na sa nobyong si Roy Ofek (dating bf ni Vina Morales) ngayong Disyembre sa Los Angeles. Inamin ng seksing aktres na gusto na niyang lumagay sa tahimik at maging mabuting asawa at ina ng magiging anak nila. Prioridad ni Angela ang pag-aasawa kaya baka tumigil na rin ito sa showbiz.
Ayon kay Schuster, matagal na niyang pangarap na makagawa ng pelikulang gaya ng Mr. Bones dahil sa universal appeal nito na tiyak na hahangaan dahil itoy puro visual at komedi kaya madaling tanggpin anuman ang kultura ng manonood.
Umikot ang istorya tungkol sa isang batang puti na nakaligtas sa pagbagsak ng eroplano sa isang lupain sa South Africa. Napalayas nito ang mabangis na leon kay hinangaan at inampon ng tribu ng mga Kabuki. Sa panahon ng kabataan ay natutunan nito ang sining tungkol sa pagbabasa ng mga buto (divining the future) at dito siya binansagang "Bones" na naging daan para mapalapit sa hari ng mga Kabuki na si Tsonga.
Palabas na ang Mr. Bones sa Agosto 13 mula sa Solar Films.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended