Litrato pa lang ni Katya, pinagkakaguluhan na!
August 10, 2003 | 12:00am
Solid talaga ang pagsasamahan ng premiere band ng bansa, ang Side A. Sa loob ng 18 taon sa eksena, kahit minsan wala sa kanila ang nag-isip na umalis sa grupo. Kahit ang lead vocalist na si Joey Generoso hindi nagbalak na maging isang solo artist.
Karaniwan na kasi sa mga sikat na grupo, kapag may mga umangat na miyembro, agad magbababu sa mga kasama. Solo career agad ang next move. Dito na iba ang Side A. Magdadalawang dekada na ang grupo, pero matatag pa rin.
Ang kanilang bagong "Titanium" album na mula sa kanilang bagong record label na Polyeast-EMI, pang-11 na nila. Dito ay higit na progresibo ang kanilang tunog.
Sa "Titanium", maririnig ang mga kanta ng Side A na tila galing sa isang live performance. Sa 12 cuts, pawang natural ang mga tunog. Walang mga computer enhancement. Very smooth at malinis ang dating.
Bukod sa madalas na mga roadshop sa Amerika, Asya at ibang panig ng daigdig, nalibot na rin ng Side A ang buong bansa para mag-live concert.
"Nagabayan kasi kami ng aming manager na si Wyngard Tracy na i-manage mabuti ang aming mga kinikita," sabi ng musical director ng grupo na si Naldy Gonzales. "All of us are required to handle our finances well. A big part of our income, naiipon namin at na-invest sa negosyo."
Malapit ng mag-celebrate ng 20th anniversary ang Side A. This early marami ng balak si Wyngard para sa masayang okasyon. Tiyak, isa rito ang big concert sa isang major venue.
Minsan, nag-shopping ako sa Outlet Yard sa Quezon Avenue. Nanduon pala si Jinggoy Estrada at mga kasama. Kinunan nila ang ilang mahahalagang eksena sa bago niyang movie, Utang Ng Ama.
Mukhang mas-slim ngayon ang anak ng dating Pangulong Erap Estrada. Bumagay naman sa kanya ang mas seksing katawan. Lalo pat mga action scenes ang kanyang ginagampanan.
Maya-maya lang ay dumating na si Cesar Montano. Isa siya sa maraming guest stars sa Utang ng Ama. Nanduon din si Jay Pineda at kasama siya sa mga tagpong kinunan kay Jinggoy.
Si Tony Reyes ang direktor ng Utang ng Ama. Hindi lang sigurado kung maaring maging guest star din dito si Erap. Kung magkakatotoo, saan naman, maaring kunan ang importanteng sequence na kasama ang mahusay na aktor?
Talagang grabe ang mga pictorial na lumalabas ng Keka nina Katya Santos at Wendell Ramos.
Mga litrato pa lang pinagkakaguluhan na. Kagulat-gulat at katakam-takam. Mga barako, mga matrona, bading at pati mga tiboli tinititigang mabuti ang mga bold pictorial.
Sabi nila, "Sana higit na maraming makita sa pelikula mismong Keka."
This Sunday, August 10, mapapanood ang Power Four sa SM Bacoor. Alas-4 ang umpisa ng libreng palabas to promote the groups self-titled album from Universal Records.
Ang Parokya ni Edgar naman sa SM Iloilo may free showcase today. Buong bansa ang promo tour ng PnE para sa kanilang "Bigotilyo" album.
Ang unang single from the LP, "Mr. Suave", nationwide hit na. Dahil nga sa pagbulusok sa charts ng kanta ng Parokya, at least tatlong movie companies ang gustong gamiting title ng pelikula ang "Mr. Suave". Siyempre ang monster hit din ang magiging theme song sa movie.
Kung sakaling maibigay ang rights ng "Mr. Suave" sa isang film company, makumbinse kaya ang Parokya ni Edgar na lumabas sa pelikula? Makakatulong kasi ng malaki sa box-office appeal ng "Mr. Suave" movie kapag kasama roon ang grupo.
Karaniwan na kasi sa mga sikat na grupo, kapag may mga umangat na miyembro, agad magbababu sa mga kasama. Solo career agad ang next move. Dito na iba ang Side A. Magdadalawang dekada na ang grupo, pero matatag pa rin.
Ang kanilang bagong "Titanium" album na mula sa kanilang bagong record label na Polyeast-EMI, pang-11 na nila. Dito ay higit na progresibo ang kanilang tunog.
Sa "Titanium", maririnig ang mga kanta ng Side A na tila galing sa isang live performance. Sa 12 cuts, pawang natural ang mga tunog. Walang mga computer enhancement. Very smooth at malinis ang dating.
Bukod sa madalas na mga roadshop sa Amerika, Asya at ibang panig ng daigdig, nalibot na rin ng Side A ang buong bansa para mag-live concert.
"Nagabayan kasi kami ng aming manager na si Wyngard Tracy na i-manage mabuti ang aming mga kinikita," sabi ng musical director ng grupo na si Naldy Gonzales. "All of us are required to handle our finances well. A big part of our income, naiipon namin at na-invest sa negosyo."
Malapit ng mag-celebrate ng 20th anniversary ang Side A. This early marami ng balak si Wyngard para sa masayang okasyon. Tiyak, isa rito ang big concert sa isang major venue.
Mukhang mas-slim ngayon ang anak ng dating Pangulong Erap Estrada. Bumagay naman sa kanya ang mas seksing katawan. Lalo pat mga action scenes ang kanyang ginagampanan.
Maya-maya lang ay dumating na si Cesar Montano. Isa siya sa maraming guest stars sa Utang ng Ama. Nanduon din si Jay Pineda at kasama siya sa mga tagpong kinunan kay Jinggoy.
Si Tony Reyes ang direktor ng Utang ng Ama. Hindi lang sigurado kung maaring maging guest star din dito si Erap. Kung magkakatotoo, saan naman, maaring kunan ang importanteng sequence na kasama ang mahusay na aktor?
Mga litrato pa lang pinagkakaguluhan na. Kagulat-gulat at katakam-takam. Mga barako, mga matrona, bading at pati mga tiboli tinititigang mabuti ang mga bold pictorial.
Sabi nila, "Sana higit na maraming makita sa pelikula mismong Keka."
Ang Parokya ni Edgar naman sa SM Iloilo may free showcase today. Buong bansa ang promo tour ng PnE para sa kanilang "Bigotilyo" album.
Ang unang single from the LP, "Mr. Suave", nationwide hit na. Dahil nga sa pagbulusok sa charts ng kanta ng Parokya, at least tatlong movie companies ang gustong gamiting title ng pelikula ang "Mr. Suave". Siyempre ang monster hit din ang magiging theme song sa movie.
Kung sakaling maibigay ang rights ng "Mr. Suave" sa isang film company, makumbinse kaya ang Parokya ni Edgar na lumabas sa pelikula? Makakatulong kasi ng malaki sa box-office appeal ng "Mr. Suave" movie kapag kasama roon ang grupo.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended