Unti-unting lumalabas ang maraming talento ni HEART
August 10, 2003 | 12:00am
Akala ko nung pumunta ako sa launching ng debut album ni Heart Evangelista sa Star Records na pinamagatang "One", isa lamang yung karaniwang album launching ng maraming artista na ginagawa ng kanilang mga producer, kundi man sila mismo, para sila pasikatin. Hindi pala at humihingi ako ng dispensa kay Heart sa pag-iisip ng ganito.
Marunong kumanta si Heart. In fairness sa kanya, it would have been a waste of her singing talent kung pinabayaan na lang ito at hindi hinasa sapagkat hindi na kailangan dahil mas mahalaga ang talento niya sa pag-arte at sa pagiging isang VJ.
Tama ang sinabi niya na hindi siya isang diva, isa siyang singer na nabigyan ng pagkakataon na makagawa ng album. "Dati pa-lip synch lip-synch lamang ako kapag naiimbitahang mag-promote ng aking movies o TV show o kaya ay naiimbita sa mga probinsya. Hindi na ngayon. Singer na ako and I will be sharing this talent to everybody. Kailangang kumanta na ako ng live everytime na mahihilingan akong kumanta,"pagmamalaki niya. Ang she went on to display her newest talent na carry niyang idisplay.
Marami ang bibili ng album ni Heart, lalo na yung mga kabataan dahil para sa kanila ang mga awitin sa album. Mula sa acoustic flavored na "Wag Na Lang" at "Di Na Mahintay", ang hip hop na "Sulat" na kung saan ay sinamahan siya ng rapper na si Gloc 9 hanggang sa nakaka-inspire na "You Can Make It Happen". Kasama rin sa album ang 2003 Himig Handog Love Songs Listeners Choice and Texters Choice awardee "Love Has come My Way". May duet din sila ni John Prats ng awiting "Please Be Careful With My Heart".
Mas aangat ang career ni Heart ngayong may album na siya. At karapatdapat siya sa taguring Pop Jewel.
Matitighaw na ang uhaw ng maraming fans ng Side A band na makarinig ng mga bagong awitin ng grupo. May bagong album ang grupo sa Polyeast Records na pinamagatang "Titanium". Isa na naman itong showcase ng enduring musical dedication ng grupo. Ang carrier single nito, ang "Dream On" ay isang halimbawa ng tunog ng Side A. na binubuo pa rin nina keyboardist Naldy Gonzales, vocalist/guitarist Joey Generoso, lead guitarist Kelly Badon, bass guitarist Joey Benin at drummer Ernie Severino. Dalawang dekada na silang magkakasama.
Ang mga nilalamang awitin ng "Titanium" ay pinaghalong ballad at up-beat tunes, nakaka-relax, touching. Iisa lamang ang Tagalog song sa album, ang sinulat ni Ogie Alcasid na "Nais Ko" na inareglo nina Naldy at Joey Benin.
May kasamang libre VCD ang album. Nagtataglay ito ng video ng "Dream On" at "Love Is Another" at ang plug ng kanilang sponsor, ang Sinutab.
Marunong kumanta si Heart. In fairness sa kanya, it would have been a waste of her singing talent kung pinabayaan na lang ito at hindi hinasa sapagkat hindi na kailangan dahil mas mahalaga ang talento niya sa pag-arte at sa pagiging isang VJ.
Tama ang sinabi niya na hindi siya isang diva, isa siyang singer na nabigyan ng pagkakataon na makagawa ng album. "Dati pa-lip synch lip-synch lamang ako kapag naiimbitahang mag-promote ng aking movies o TV show o kaya ay naiimbita sa mga probinsya. Hindi na ngayon. Singer na ako and I will be sharing this talent to everybody. Kailangang kumanta na ako ng live everytime na mahihilingan akong kumanta,"pagmamalaki niya. Ang she went on to display her newest talent na carry niyang idisplay.
Marami ang bibili ng album ni Heart, lalo na yung mga kabataan dahil para sa kanila ang mga awitin sa album. Mula sa acoustic flavored na "Wag Na Lang" at "Di Na Mahintay", ang hip hop na "Sulat" na kung saan ay sinamahan siya ng rapper na si Gloc 9 hanggang sa nakaka-inspire na "You Can Make It Happen". Kasama rin sa album ang 2003 Himig Handog Love Songs Listeners Choice and Texters Choice awardee "Love Has come My Way". May duet din sila ni John Prats ng awiting "Please Be Careful With My Heart".
Mas aangat ang career ni Heart ngayong may album na siya. At karapatdapat siya sa taguring Pop Jewel.
Ang mga nilalamang awitin ng "Titanium" ay pinaghalong ballad at up-beat tunes, nakaka-relax, touching. Iisa lamang ang Tagalog song sa album, ang sinulat ni Ogie Alcasid na "Nais Ko" na inareglo nina Naldy at Joey Benin.
May kasamang libre VCD ang album. Nagtataglay ito ng video ng "Dream On" at "Love Is Another" at ang plug ng kanilang sponsor, ang Sinutab.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended