Totoo bang lahat ang sinasabi ni Amy tungkol kay Brix ?
August 9, 2003 | 12:00am
Isang kaibigan ni Brix Ferraris ang nakakwentuhan namin tungkol sa problema nila ni Amy Perez, kahit anong pilit kasi ng mga manunulat na magsalita ang singer ay palagi itong tumatanggi, sa kanya na lang daw sana yun.
Sabi ng aming kausap, kung magsasalita raw kasi si Brix ay hahaba lang nang hahaba ang usapan, pati ang mga bagay-bagay na hindi na dapat pang banggitin ay lalabas pa, kaya para matuldukan ang problema ay pababayaan na lang ni Brix na si Amy ang magsalita nang magsalita.
Ang ibinigay lang ng garantiya ng aming kausap ay lalabas din daw naman ang totoo pagdating ng panahon, ang impresyon daw natin kay Brix ayon kay Amy ay malilinawan din, kaya bahala nang panahon ang gumamot sa problema.
May isinundot kaming tanong, totoo bang bukas naman ang bahay ni Amy para sa singer, kaya lang ay si Brix naman ang palaging walang panahon para dalawin si Adi?
"Sana nga, ganun talaga ang nangyayari, ang dali-dali naman kasing sabihin ng mga salitang yun kahit hindi totoo sa atin," sabi ng aming kausap.
Parang lumalabas tuloy na si Amy ang sinungaling na sabi nang sabing pwede namang dumalaw si Brix sa kanilang anak, pero ang singer ang walang malasakit sa panawagan ng aktres.
"Maging totoo lang sana si Amy sa sarili niya, para maging masaya na siya! Hanggang hindi niya inaamin ang totoo at hanggang may tao siyang ibinabagsak, e, hindi siya kailanman magiging masaya!" sundot uli ng aming kausap.
Yun siguro ang punto ni Brix, kaysa nga naman na makapagsalita pa siya ng hindi maganda tungkol sa ina ng kanyang anak ay hindi bale nang manahimik na lang siya, hindi bale nang siya ang mapasama sa manonood.
Palaging sumasama sa amin sa Punchline at Laffline Music Cafe si Mahal, Martes pa lang ng hapon ay nagti-text na siya sa amin, hintayin daw namin siya dahil gusto niyang tumawa nang tumawa.
Ang mga lugar kasing yun ang balwarte ng magagaling na sing-along masters, kaya kung gusto mong pansamantalang makalimot sa problema at pagod ay Punchline at Laffline lang ang sagot sa inyong nararamdaman.
Sumasama rin sa amin dun si Mura, ang problema lang sa munting TV host ay masyado itong antukin, alas-onse pa lang ng gabi ay nagsasarado na ang mga mata ni Mura.
Palibhasay laki sa probinsya na ala-sais pa lang ay nagtutulugan na ang mga tao, ang alas-onse ay sobrang gabi na para kay Mura, hindi tulad ni Mahal na Manilenya na ang ganung oras ay pagsisimula pa lang ng gabi para sa kanya.
Tuwang-tuwa ang mga kostumer ng Punchline at Laffline kapag nandun si Mahal, napaka-game kasi ang munting host, hindi siya napipikon sa biro ng mga sing-along masters.
Ang pambato ng dalawang music cafe ang palaging kabatuhan ng jokes ni Mahal, pinaliliit din ni Chokoleit Nuts ang boses nito, kaya nagiging magkaboses na sila ni Mahal.
Grabe ang eksenang yun kapag naghahalinhinan na sa pagsasalita sina Mahal at Chocoleit, wala ka nang maririnig sa paligid kungdi puro halakhakan, klik na klik ang kanilang tambalan.
Buong-ningning ding kumakanta si Mahal ng mga piyesa ng Aeigis Band, walang pakialam ang bulilit na dalaga kung hindi man tama ang kanyang lyrics, ang mahalaga ay ang makasabay siya sa tono.
Nung minsan namang nandun si Mura ay sumayaw ito ng ala-Michael Jackson, grabe ang bilis ng mga pa ani Mura, kayang-kaya nitong gayahin ang kilos ng banyagang singer.
Sikat na sikat na nga ngayon ang mga munting hosts, kahit saan ay kilalang-kilalang na sila ngayon, hindi na pwedeng itago sina Mahal at Mura ng Masayang Tanghali, Bayan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended