Mga artistang nagpipinta
August 8, 2003 | 12:00am
Nakatutuwang malaman na tagumpay ang concert ni Vina Morales sa Amerika.
Sa tulong ng ating correspondent-friend na naka-base sa L.A. na si Oliver Carnay, nalaman natin na pumatok nang husto ang isinasagawang concert tour series ni Vina sa Amerika na nagsimula sa Chicago, Virginia Beach at San Francisco at nitong nakaraang Sabado (Agosto 2) sa Orpheum Theatre sa Los Angeles, California. Nakatakda rin siyang magtanghal sa Jacksonville, Portland at magtatapos sa San Diego, California.
Sa L.A. concert ay nakasama ni Vina bilang special guests sina Aga Muhlach at Carlos Agassi.
Ayon kay Oliver, although nakatulong sina Aga at Carlos na mapuno ang Orpheum Theater, si Vina pa rin umano ang nagdala ng show sa kabila na pagod ang lahat dahil kagagaling lamang nila sa show sa San Francisco a night before.
Talagang marami umano ang pinahanga ni Vina sa kanyang husay hindi lamang sa pag-awit kundi maging sa pagsayaw sa tulong ng kanyang dalawang mahuhusay na back-up dancers na naka-base sa L.A., ang Japanese-American na si Devon Marlink at ang Filipino-Canadian na si Greg Guinto na parehong hanga kay Vina sa husay nitong sumayaw.
Ayon kay Devon, bihira umano ang katulad ni Vina. "Shes charismatic, beautiful and has an unparalleled singing voice. She is strong and talented in such a wide variety of areas."
Na-impress din si Gregory sa kakaibang talent at beauty ni Vina at sa pagiging down-to-earth nito.
Tuwang-tuwa rin umano ang audience kay Vina dahil bukod sa nakikita nila itong mahusay na kumanta at sumayaw, palagian din nila itong napapanood sa TFC (The Filipino Channel) sa kanyang sariling drama serial, ang Darating Ang Umaga at hanga rin sila sa husay nitong umarte.
Makakasama ng concert king na si Martin Nievera ang 70-piece San Miguel Philharmonic Orchestra kasama sina Maestro Ryan Cayabyab at Louie Ocampo sa gagawin nitong benefit concert sa darating na Agosto 9 (Sabado) International School Fine Arts Theater sa Fort Bonifacio na pamamahalaan ng Congressional Spouse Foundation, Inc. (CSFI) na pinamumunuan ni Manay Gina de Venecia. Ang kikitain ng nasabing fund-raising concert ay gagamitan para sa patuloy na construction ng congressional spouses banner project, ang The Haven for Children.
Ayon sa pangulo ng CSFI na si Manay Gina de Venecia, ang malilikom nilang pondo ay gagamitin nila para makumpleto ang nine-building complex na bubuuin ng apat na residential cottages, isang Therapeutic Center, isang Guidance Center for Parents, a Livelihood Center, Administrative Office at isang covered Multi-purpose Court.
"Kapag natapos, itoy magsisilbing sanctuary ng mga batang lansangan na pakalat-kalat sa mga kalye ng Metro Manila," ani Manay Gina.
Ang working committee ng nasabing proyekto ay binubuo nina Kimi Cojuangco at Margie Duavit (chairpersons), Vicky Ablan (finance), Kathy Santiago at Chit Baculio (publicity), Trina Biazon, Shirley Plaza at Anne Gordon (tickets and invitations) Anny Dy, Georgia Remulla, Didi Cagas (Physical Arrangement), Sands Estrella, Thelma Murillo (production) at Shirley Plaza, Bibia Macarambon, Marissa Andaya (sponsorship).
Walang kaalam-alam ang aktres na si Nadia Montenegro na may natatago pala siyang talent sa pagpipinta at itoy nadiskubre lamang niya about three months ago.
Sa kauna-unahang pagkakataon, ang ilan sa mga rare paintings ni Nadia ay mapapasama sa one-month painting exhibit na gaganapin sa Ayala Museum simula sa darating na August 13 hanggang September 13, 2003 na pinamagatang "Artists as Artists II". Itoy matatagpuan sa ika-12 palapag ng GT Tower International along Ayala Avenue sa Makati City.
Bukod sa mga paintings ni Nadia, ang ilan pang artists na kasama sa exhibit ay sina Cesar Montano, Ruby Rodriguez at ang kanyang mister na si Mark Aquino, ang magkapatid na Lani at Rachel Lobangco, Joey de Leon, Cris Villanueva, Maria Isabel Lopez, Evangeline Pascual, Dranreb Belleza, Al Quinn, Danny Zialcita, Jao Mapa, Jeffrey Quizon, Rommel Montano, Snooky Serna, Baron Geisler, Victor Wood at iba pa. Magbibigay din ng tribute sa yumaong actor-painter na si Vic Vargas.
Si Nadia ay may limang anak na sa dating mayor ng Caloocan City na si Boy Asistio at ang mga ito ay sina Alyssa (13), Alynna (11), Alyanna (10, Anykka (8) at Alexander (5).
Kung si Kyla ang tinaguriang Princess of R&B, ang baguhang recording artist ng Universal Records na si JayR ang siya namang kinikilalang Prince of R & B.
Nung isang Biyernes ng gabi ay ginanap ang matagumpay na album launching ng debut album ni JayR na pinamagatang "Gameface" na ginanap sa The Dish ng Rockwell sa Makati City.
Si JayR ay isa na rin sa mga regular mainstays ng SOP at dito nga nagsimula silang ma-link ni Kyla na itinuturing niyang isa sa kanyang mga kaibigan. Katunayan, dumating si Kyla sa kanyang album launch at nag-duet pa silang dalawa.
Email: <[email protected]>
Sa tulong ng ating correspondent-friend na naka-base sa L.A. na si Oliver Carnay, nalaman natin na pumatok nang husto ang isinasagawang concert tour series ni Vina sa Amerika na nagsimula sa Chicago, Virginia Beach at San Francisco at nitong nakaraang Sabado (Agosto 2) sa Orpheum Theatre sa Los Angeles, California. Nakatakda rin siyang magtanghal sa Jacksonville, Portland at magtatapos sa San Diego, California.
Sa L.A. concert ay nakasama ni Vina bilang special guests sina Aga Muhlach at Carlos Agassi.
Ayon kay Oliver, although nakatulong sina Aga at Carlos na mapuno ang Orpheum Theater, si Vina pa rin umano ang nagdala ng show sa kabila na pagod ang lahat dahil kagagaling lamang nila sa show sa San Francisco a night before.
Talagang marami umano ang pinahanga ni Vina sa kanyang husay hindi lamang sa pag-awit kundi maging sa pagsayaw sa tulong ng kanyang dalawang mahuhusay na back-up dancers na naka-base sa L.A., ang Japanese-American na si Devon Marlink at ang Filipino-Canadian na si Greg Guinto na parehong hanga kay Vina sa husay nitong sumayaw.
Ayon kay Devon, bihira umano ang katulad ni Vina. "Shes charismatic, beautiful and has an unparalleled singing voice. She is strong and talented in such a wide variety of areas."
Na-impress din si Gregory sa kakaibang talent at beauty ni Vina at sa pagiging down-to-earth nito.
Tuwang-tuwa rin umano ang audience kay Vina dahil bukod sa nakikita nila itong mahusay na kumanta at sumayaw, palagian din nila itong napapanood sa TFC (The Filipino Channel) sa kanyang sariling drama serial, ang Darating Ang Umaga at hanga rin sila sa husay nitong umarte.
Ayon sa pangulo ng CSFI na si Manay Gina de Venecia, ang malilikom nilang pondo ay gagamitin nila para makumpleto ang nine-building complex na bubuuin ng apat na residential cottages, isang Therapeutic Center, isang Guidance Center for Parents, a Livelihood Center, Administrative Office at isang covered Multi-purpose Court.
"Kapag natapos, itoy magsisilbing sanctuary ng mga batang lansangan na pakalat-kalat sa mga kalye ng Metro Manila," ani Manay Gina.
Ang working committee ng nasabing proyekto ay binubuo nina Kimi Cojuangco at Margie Duavit (chairpersons), Vicky Ablan (finance), Kathy Santiago at Chit Baculio (publicity), Trina Biazon, Shirley Plaza at Anne Gordon (tickets and invitations) Anny Dy, Georgia Remulla, Didi Cagas (Physical Arrangement), Sands Estrella, Thelma Murillo (production) at Shirley Plaza, Bibia Macarambon, Marissa Andaya (sponsorship).
Sa kauna-unahang pagkakataon, ang ilan sa mga rare paintings ni Nadia ay mapapasama sa one-month painting exhibit na gaganapin sa Ayala Museum simula sa darating na August 13 hanggang September 13, 2003 na pinamagatang "Artists as Artists II". Itoy matatagpuan sa ika-12 palapag ng GT Tower International along Ayala Avenue sa Makati City.
Bukod sa mga paintings ni Nadia, ang ilan pang artists na kasama sa exhibit ay sina Cesar Montano, Ruby Rodriguez at ang kanyang mister na si Mark Aquino, ang magkapatid na Lani at Rachel Lobangco, Joey de Leon, Cris Villanueva, Maria Isabel Lopez, Evangeline Pascual, Dranreb Belleza, Al Quinn, Danny Zialcita, Jao Mapa, Jeffrey Quizon, Rommel Montano, Snooky Serna, Baron Geisler, Victor Wood at iba pa. Magbibigay din ng tribute sa yumaong actor-painter na si Vic Vargas.
Si Nadia ay may limang anak na sa dating mayor ng Caloocan City na si Boy Asistio at ang mga ito ay sina Alyssa (13), Alynna (11), Alyanna (10, Anykka (8) at Alexander (5).
Nung isang Biyernes ng gabi ay ginanap ang matagumpay na album launching ng debut album ni JayR na pinamagatang "Gameface" na ginanap sa The Dish ng Rockwell sa Makati City.
Si JayR ay isa na rin sa mga regular mainstays ng SOP at dito nga nagsimula silang ma-link ni Kyla na itinuturing niyang isa sa kanyang mga kaibigan. Katunayan, dumating si Kyla sa kanyang album launch at nag-duet pa silang dalawa.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended