Vilma Santos, Lifetime Achievement Awardee ng Cinemanila
August 7, 2003 | 12:00am
Si Vilma Santos, pitong ulit na nanalo ng Urian awards, Famas Hall of Famer (5 trophies) at ilang ulit na awardee ng Star Awards at Film Academy of the Philippines ang pagkakalooban ng Lifetime Achievement Award sa pagbubukas ng ika-5 Makati Cinemanila International Filmfest ngayong Agosto 7, Huwebes sa OnStage, Greenbelt1, Makati.
Nagsimula ang movie career ni Vilma sa gulang na siyam na taon nang lumabas siya bilang Trudis Liit sa Sampaguita Pictures.
Naging mahigpit silang magkalaban ni Nora Aunor nung 70s at naging isa sa iginagalang na aktres sa industriya ng pelikula. Ilan sa mga di malilimutang pelikula niya ay ang Relasyon, Broken Marriage, Ikaw ay Akin, Pahiram Ng Isang Umaga mula kay Ishmael Bernal; Sister Stella L ni Mike de Leon; Ipagpatawad Mo ni Laurice Guillen; Pagputi ng Uwak, Pag-itim ng Tagak at Burlesk Queen ni Celso Ad Castillo; Bata Bata Paano Ka Ginawa at Dekada 70 ni Chito Roño (ipalalabas sa Cinemanila). Nakalabas na rin siya sa mga pelikula nina Eddie Garcia, Elwood Perez, Emmanuel Borlaza, Rory Quintos at Marilou Diaz Abaya.
Isa ring popular na artista sa TV si Vilma. Kasal siya kay Senador Ralph Recto, may dalawang anak na lalaki at nasa ikalawang termino niya bilang mayor ng Lipa City, Batangas.
Makakasama ni Vilma sa opening rites ang mga Hollywood actors na sina Tia Carrere at Lou Diamond Phillips at ang Indonesian actress na si Christine Hakim, ang unang Indonesian na umupo bilang hurado sa Cannes Film Festival. Lahat sila ay tatanggap ng Lifetime Achievement Awards.
Ang 5th Makati Cinemanila International Film Festival ay tatakbo mula Agosto 7 hanggang 24 sa Greenbelt cinemas. Ayala Center, Makati.
Isa naman si Edu Manzano sa napili ng Euro Asia Fashion Limited bilang isa sa best dressed men ng bansa. Siya lamang ang nag-iisang showbiz personality na napasama sa listahan na binubuo nina Jaime Zobel, Wilfredo Uytengco, Sec. Bert Romulo, Fernando Zobel at Sec. Lito Camacho.
Ayaw pa rin papigil ni Eddie Garcia gayong siya na rin mismo ang nagsasabing may edad na siya.
Bida na naman siya sa pelikula ng NuArt Movies, ang Asboobs sa ilalim ng direksyon ni Danilo P. Cabreira. Kasama niya ang mga itinuturing na mga prinsipe ng comedy, sina Vhong Navarro, Paolo Contis, Long Mejia, Bearwin Meily at Jeffrey Quizon at sina Nancy Castiglione at Jenny Miller.
Ang Asboobs ay pinaikling "asal bobo", nauusong salita sa mga iskwela at sa fashion world. Hindi ito nakakainsultong salita kundi tawag sa mga pansamantalang tuliro, praning at naguguluhan.
Si Eddie ang gumaganap na drill master ng mga army trainees sa isang military camp. Mga asboobs sila na naging mga bayani sa huli.
Nagsimula ang movie career ni Vilma sa gulang na siyam na taon nang lumabas siya bilang Trudis Liit sa Sampaguita Pictures.
Naging mahigpit silang magkalaban ni Nora Aunor nung 70s at naging isa sa iginagalang na aktres sa industriya ng pelikula. Ilan sa mga di malilimutang pelikula niya ay ang Relasyon, Broken Marriage, Ikaw ay Akin, Pahiram Ng Isang Umaga mula kay Ishmael Bernal; Sister Stella L ni Mike de Leon; Ipagpatawad Mo ni Laurice Guillen; Pagputi ng Uwak, Pag-itim ng Tagak at Burlesk Queen ni Celso Ad Castillo; Bata Bata Paano Ka Ginawa at Dekada 70 ni Chito Roño (ipalalabas sa Cinemanila). Nakalabas na rin siya sa mga pelikula nina Eddie Garcia, Elwood Perez, Emmanuel Borlaza, Rory Quintos at Marilou Diaz Abaya.
Isa ring popular na artista sa TV si Vilma. Kasal siya kay Senador Ralph Recto, may dalawang anak na lalaki at nasa ikalawang termino niya bilang mayor ng Lipa City, Batangas.
Makakasama ni Vilma sa opening rites ang mga Hollywood actors na sina Tia Carrere at Lou Diamond Phillips at ang Indonesian actress na si Christine Hakim, ang unang Indonesian na umupo bilang hurado sa Cannes Film Festival. Lahat sila ay tatanggap ng Lifetime Achievement Awards.
Ang 5th Makati Cinemanila International Film Festival ay tatakbo mula Agosto 7 hanggang 24 sa Greenbelt cinemas. Ayala Center, Makati.
Bida na naman siya sa pelikula ng NuArt Movies, ang Asboobs sa ilalim ng direksyon ni Danilo P. Cabreira. Kasama niya ang mga itinuturing na mga prinsipe ng comedy, sina Vhong Navarro, Paolo Contis, Long Mejia, Bearwin Meily at Jeffrey Quizon at sina Nancy Castiglione at Jenny Miller.
Ang Asboobs ay pinaikling "asal bobo", nauusong salita sa mga iskwela at sa fashion world. Hindi ito nakakainsultong salita kundi tawag sa mga pansamantalang tuliro, praning at naguguluhan.
Si Eddie ang gumaganap na drill master ng mga army trainees sa isang military camp. Mga asboobs sila na naging mga bayani sa huli.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended