^

PSN Showbiz

Sa December na ang kasal ni Angela Velez

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Marami nang nakakapuna na hindi na mukhang noontime show ang Magandang Tanghali Bayan. Para na raw itong perya (I agree) dahil sa rami ng portion na kung anu-ano. Actually, idagdag pa rito sina Mahal, Mura at Dagul plus Long Mejia na naninilaw minsan sa rami ng suot na alahas.

One time nag-try akong panoorin ang show para nga tingnan kung may nagbago ba since i-relaunch ito. Wala, parang mas worst pa nga dahil panay ang buhat ng sariling bangko ng isang host ng programa na kesyo napapanood daw sila all over the world. Eh ano ngayon?

Saka pala meron pang contest ng mga bakla ba ‘yun - Doble Karaoke na grabe ang kabakyaan. Wala na ba silang ibang maisip na contest?

‘Yung opening lang na iniikot ‘yung roleta, parang perya na ang dating.

Kulang na lang ‘yung mga rides at banderitas, fiesta na ang show nila.

No wonder, hanggang ngayon hindi pa rin sila nakakahabol sa Eat Bulaga.

Actually, kung may pinapanood man sa MTB, sina Mikey Ferriols and Cindy Kurleto lang ‘yun.
* * *
Kahit nagpa-plano na si Angela Velez na magpakasal sa Jewish-Japanese boyfriend niya na based in Los Angeles, hindi naman niya totally tatalikuran ang showbiz. "Babalik naman ako. Pero kung ang gusto ng papa ko na mag-stay na lang ako sa States, okey din sa akin," she said sa presscon ng first ever dance concert - Showgirls: A Dance Concert on August 30 at the Folk Arts Theater. Makakasama niya sa nasabing dance concert sina Aubrey Miles, Jenny Miller, April Tolentino, Michelle Estevez, Cherry Lou, Angelica Jones, Priscilla Almeda, Aleck Bovick, Geneva Cruz, Michelle Bayle and Regine Tolentino.

Nasa clothing business ang boyfriend ni Angela na 32 years old named Roy. Pero ayaw niyang sabihin ang last name. Most probably sa December na sila pakakasal. Next month, naka-schedule siyang umalis papunta ng LA para magkita sila ro’n ng kanyang papa.

Actually, tama lang ‘yung decision ni Angela. Kesa nga naman maghintay pa siya ng launching movie o sariling TV show, parang malabo na ‘yun although narinig ko na gagawan siya ng sariling VCD katulad ng kay Patricia Javier.

In any case, si Angela ang main attraction sa Showgirls: A Dance Concert. Proven na naman kasi ang galing ni Angela pagdating sa sayawan.

Lalabas daw siya sa isang bulkan dito na ayon sa directors ng show na sina Calvin Neria and Duds Santiago, eh ginastusan ng mga produ.

Production ito ng Live Artists Productions and Red Chair Production. For ticket inquiries, please call Ticketworlds at 891-5610.

A DANCE CONCERT

ALECK BOVICK

ANGELA

ANGELA VELEZ

ANGELICA JONES

APRIL TOLENTINO

AUBREY MILES

CALVIN NERIA

CHERRY LOU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with