^

PSN Showbiz

Marissa del Mar goes public service

-
Narito ang isang programa sa telebisyon na ang focus ay tunay na public service na walang halong pulitika at ang tanging nais ay ang makatulong sa kapwa. Ito ay ang Up Close and Personal with Marissa del Mar na napapanood sa IBC Channel 13, tuwing Martes, 11 to 11:30 p.m. Ang host nito ay si Marissa del Mar na ngayon ay active officer ng Rotary at dating artista na nagbalik sa entertainment world as a TV host.

Layunin ng Up Close & Personal na lubusang makatulong sa mga kapuspalad na walang maipagpagamot dahil sa kakapusan sa pera. Kaya naman bukod sa mga regular feature, success stories at mga interviews with successful personalities mula sa entertainment, business, sports at politics, simula bukas Martes, ilulunsad na rin nila ang kanilang portion tungkol naman sa public service. "Nag-focus kami sa positive side of life at siguro dahil sa maganda ang dating nito, we have been fortunate enough na nagbigay sa amin ng suporta ang maraming grupo. Nakipag-ugnayan ako sa Rotary District 3830 at dahil dito, tinatawagan namin ang mga may problema sa mata para sa project naming "Avoidable Blindness".

"Kahit anong age basta’t may problema sa mata tulad ng glaucoma, cataract at iba pa, we encourage them to call our office and watch our show for details.

"Nakipagtulungan na rin kami sa Children’s Hour at sa Phil. Band of Mercy at ito’y para naman sa mga batang sanggol hanggang years old na may problema sa cleft lip, palate, congenital cataract, glaucoma, squint, orthopedic clubfoot, burns, hydrocephalus meningoceole, hearing impairment at speech therapy, nakahanda rin kaming tulungan sila at libre yan."

Ang UP, Close & Personal ay hatid ng Millicent Productions at para roon sa mga interesadong magpatulong, makipag-ugnayan lang kayo sa opisina nila thru tel. no. 8901001.– NG

vuukle comment

AVOIDABLE BLINDNESS

BAND OF MERCY

KAHIT

MARISSA

MILLICENT PRODUCTIONS

ROTARY DISTRICT

UP CLOSE

UP CLOSE AND PERSONAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with