^

PSN Showbiz

JV, nagregalo ng Volvo kay Halina?

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Nilinaw sa amin ni Mayor JV Ejercito na walang katotohanan ang kumakalat na balita na siya ang nagregalo ng mamahaling sasakyan sa boldstar na si Halina Perez.

Volvo ang sangkot na sasakyan sa kuwento, sasakyang ilang milyon ang halaga, na kung bakit at paano ibinintang sa kanya ay hindi rin alam ng pulitiko.

Ayon kay Mayor JV ay sa San Juan kasi nakatira ang sexy star, kaya kapag may mga pagtitipon sa kanyang nasasakupan ay naiimbitahan ito, pero hanggang du’n lang ‘yun.

Magkakilala sila ni Halina, pero ang kotse at condo unit na sinasabing ibinigay niya ay pinagtatawanan ni Mayor JV, dahil walang katotohanan.

Ang mas gusto niyang ikuwento ngayon ay ang pagdating ng kanyang anak sa modelong si Patty Betita na si Jose Emilio. Dalawang taon kasi silang nagkahiwalay ng bata mula nang manirahan na ito sa Amerika, kaya ngayon pa lang siya bumabawi sa mga panahong ipinaghiwalay nila.

"Iba ang feeling ng magulang, dahil kapag nandito ang anak ko sa amin, parang gusto ko nang umuwi agad. Iba ang kasiyahang nararamdaman ko kapag nakakasama ko si Emilio," pahayag ng mayor ng San Juan.

Tapos na ang kanilang relasyon ni Patty Betita, pero magkaibigan pa rin sila, tapos na rin ang kanilang relasyon ng beauty queen na si April Ross dahil sa kanyang palagay ay hindi siya nagiging parehas sa kanilang relasyon.

"Kahit sinong babae siguro for that matter won’t understand my situation right now, marami akong kinakaharap na paghamon at problema, kaya feeling ko, nagiging unfair ako sa kanya.

"Sabi ko nga, pagkatapos ng lahat ng ito, puwede pa rin naman naming ibalik ang relasyon kung tatanggapin pa rin niya ako," makatwirang pahayag ni Mayor JV.
* * *
Tungkol naman sa kontrobersyal na isyu ng hindi nila pagkakasundo ng kanyang kapatid na si dating Mayor Jinggoy Estrada ay simple lang ang pahayag ni Mayor JV.

"Sa dulo ng lahat, kami-kami pa rin ang magkakasama, ang magkakampi. Gusto ko na lang isipin na siguro, dahil may mga taong nakapaligid sa amin, nagiging sobra o kulang ang pagpaparating sa amin ng mga salita.

"Siguro, may mga taong medyo nawalan ng trabaho at nasagasaan ang interes along the way. Pero alam ko na panahon ang makapag-aayos ng lahat ng ito, magkakaroon din ng linaw ang lahat ng ito," sabi ni Mayor JV.

Naniniwala siya na hindi magaganap ang ispekulasyon ng marami na magtutunggali sila ng kanyang kapatid sa pagka-mayor ng San Juan, hindi sa mga panahong ito sabi niya, kung kailan kinakalampag ng maraming problema ang kanilang pamilya.

"Hindi siguro aabot du’n ang pangyayari. Hindi ako naniniwalang kaming magkapatid pa ang maglalaban, dahil sa aking palagay ay magkakampi kami.

"Maraming kasalanan ang ibinabato sa aming pamilya, maraming bintang ang pinasasalo sa amin, against common enemy we should be one," mabilis niyang sagot.

Isa siya sa mga anak ng Pangulong Joseph Estrada na bukas ang bibig sa pagsasabi ng kanyang emosyon, kung ano ang kanyang nararamdaman ay inilalabas niya, kaya ang dating niya sa ibang tao ay may kayabangan.

"‘Yun naman talaga ang madalas na nangyayari sa ating bansa, di ba? Kapag naglalabas ka ng saloobin mo, malakas na ang dating mo.

"Kapag open ka sa mga opinion mo, mayabang ka na. Pero sana, ugatin naman ang dahilan kung bakit nga ba tayo nagsasalita, dahil walang taong pipiglas kung hindi siya tinatapakan at itinutulak sa pader," pagtatapos ng mayor ng San Juan.

vuukle comment

APRIL ROSS

HALINA PEREZ

JINGGOY ESTRADA

JOSE EMILIO

MAYOR

PATTY BETITA

SAN JUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with