Lander, gusto uling mag-showbiz
August 4, 2003 | 12:00am
Kung husay sa pag-arte ang pag-uusapan, hindi diyan pahuhuli si Lander Vera Perez na gustong maging active uli sa showbiz.
Very professional din siya kaya sana naman ay magkaroon siyang muli ng pagkakataon na lumabas sa telebisyon at pelikula. Hindi naman ako mapapahiyang sabihin ito dahil kilala ko kung paano magtrabaho si Lander bukod pa sa talagang nasa dugo nito ang pag-aartista.
Wala na silang problema ng asawa niyang si Regine Tolentino bagamat hindi pa sila muling nagsasama, nagmamahalan pa rin naman sila na umaasa na isa sa mga araw na ito ay muling mabubuo ang kanilang pamilya.
Kahit hindi abala sa paggawa ng pelikula si Ian de Leon, busy naman siya sa kanyang negosyo. May maliit silang negosyo ng nakababatang kapatid na si Kiko.
Bilib ako sa kasipagan ng magkapatid na ito. Nagbebenta sila ng health and beauty products at marami pang iba.
Magsilbi sana silang inspirasyon sa ibang kabataang artista na mas pinagtutuunan ng pansin ang mga ganitong bagay pag wala silang movie or TV assignments.
Marami ang nakakapuna na sobra ang pangangayayat ngayon ni Antonio Aquitania. Pero ako na mismo ang nagsasabi sa inyo na hindi nyo dapat paghinalaan ang pagbagsak ng kanyang katawan. Alam ko kung gaano kasipag si Antonio at kung gaano karami ang trabaho niya kaya nababawasan ang timbang niya.
Kagagaling lang din ni Antonio sa Amerika kung saan hinatid niya ang kanyang pamilya. Pagdating na pagdating, sugod agad sila sa trabaho - hindi na niya nagawang magpahinga dahil sa rami ng kanyang commitments.
Huwag naman po nating pag-isipan ng masama ang batang yan. Likas ang kasipagan sa kanya yan kaya wag nating pag-isipan ng masama.
Marami akong sulat at tawag na natatanggap mula sa mga fans ni Richard Gutierrez. Napupuna raw nila na lagi itong nakasuot ng eye glasses. Kahit daw gabi ay nagsusuot pa rin ito ng salamin sa mata. At ang hindi pa nila gusto ay sobra pa ang lalaki ng salamin kaya hindi nila makita ang kagwapuhan ng batang aktor.
Kamakailan lang ay nagkita kami ni Annabelle Rama at binanggit ko ito sa kanya. Ipinaliwanag naman ng ina ni Richard na hinihingi kasi ito ng kanyang character sa mga nilalabasan nitong programa.
Very professional din siya kaya sana naman ay magkaroon siyang muli ng pagkakataon na lumabas sa telebisyon at pelikula. Hindi naman ako mapapahiyang sabihin ito dahil kilala ko kung paano magtrabaho si Lander bukod pa sa talagang nasa dugo nito ang pag-aartista.
Wala na silang problema ng asawa niyang si Regine Tolentino bagamat hindi pa sila muling nagsasama, nagmamahalan pa rin naman sila na umaasa na isa sa mga araw na ito ay muling mabubuo ang kanilang pamilya.
Bilib ako sa kasipagan ng magkapatid na ito. Nagbebenta sila ng health and beauty products at marami pang iba.
Magsilbi sana silang inspirasyon sa ibang kabataang artista na mas pinagtutuunan ng pansin ang mga ganitong bagay pag wala silang movie or TV assignments.
Kagagaling lang din ni Antonio sa Amerika kung saan hinatid niya ang kanyang pamilya. Pagdating na pagdating, sugod agad sila sa trabaho - hindi na niya nagawang magpahinga dahil sa rami ng kanyang commitments.
Huwag naman po nating pag-isipan ng masama ang batang yan. Likas ang kasipagan sa kanya yan kaya wag nating pag-isipan ng masama.
Kamakailan lang ay nagkita kami ni Annabelle Rama at binanggit ko ito sa kanya. Ipinaliwanag naman ng ina ni Richard na hinihingi kasi ito ng kanyang character sa mga nilalabasan nitong programa.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended