^

PSN Showbiz

Nako-control ang diabetes

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Kinakabahan at nagugulat din pala ang multi-awarded broadcast journalist ng GMA na si Arnold Clavio, host ng Unang Hirit at ang binago at higit na malamang Emergency.

Nangyari ito nang makita niyang nilalanggam ang kanyang ihi. Sugod agad siya kay Dr. Fernando ng Capitol Medical Center. Nagkataon na ang specialist na nabanggit ay siya ring doctor ni Gary Valenciano.

Natapos ang eksamin ni Arnold. Pagbalik niya two days after, kailangang harapin niya ang katotohanan. Napakataas na 380 ang kanyang sugar count. Ibig sabihin meron siyang type 2 diabetes.

Tumunog ang alarma para sa kanya. Nagsimula siyang magdiyeta. Pati timbang niya sobrang-sobra, 180 lbs. Mahigit na isang buwan ang lumipas. Noong mga nakaraang araw istriktong disiplina ang imposed niya sa sarili.

Nagbunga naman ang pinataw niyang martial law sa sarili. Bumaba ng 140 lbs. ang timbang ni Arnold. Ang kanyang sugar count nasa normal na 120. Pero kailangan ituloy niya ang Spartan lifestyle.

"Masarap ang isda kaya‘t nawili naman ako sa aking diet," aniya. Kahit wala akong ininom na medication, na-accomplish ko ang lahat sa self-discipline. Konting bawas pa ng timbang."

Ang hindi masusunod ni Arnold ay ang hustong pahinga araw-araw. Tatlong oras lang pala ang tulog niya everyday. Sa rami ng trabaho, nasanay na siya. Ayaw niya ng walang ginagawa o nagsasayang ng oras.

"Kahit sa gabing nagpapahinga na ‘ko, nanonood pa rin ako ng balita sa TV," kwento ni Arnold. "Kailangan kasi up-to-date palagi sa mga current happenings."

Mahirap talaga to cope up with success. Alas-3 pa lang ng umaga gising na siya. Sa rami ng inaasikaso at ginagawa kung minsan hatinggabi na gising pa siya.
* * *
Isa pang internationally recognized Pinoy broadcaster ay si Mike Enriquez ang natuklasan din na may diabetes type 2 siya. That time mahigit 200 lbs. siya.

Ngayon, malaki na ang nabawas sa timbang niya at well-managed na ang kanyang sakit.

Nagulat din si Mike nang sabihin sa kanya ng doctor na walang lunas ang sakit na diabetes. Hindi ito maaring gamutin, pero pwedeng ma-control o i-manage to lead a normal life.

Disiplina rin ang susi ni Mike para maging under control ang kanyang sakit. Nag-diet din siya at iniwasan ang mga pagkaing bawal, lalo na ang matatamis, kanin at ang mga matataba o mamantika.

Higit sa lahat nagsimulang mag-exercise si Mike Enriquez.

"I invested on fitness equipment," sabi niya. "Wala kasi akong oras na pumunta sa gym from the house nor from the office. Kaya’t bumili ako ng sariling mga kasangkapan tulad ng thread mill at stationary bike."

Halos wala na sa kanyang dyeta ang mga karne’t baboy. Dati’y naninigarilyo at umiinom ng alak si Mike bago natuklasang may diabetes siya. Ngayon, natanggal na niya ang kanyang mga minor vices. Wala naman sigurong major!

Ang maganda pa kay Mr. Imbestigador at pangunahing Saksi, nasimulan niya ang advocacy sa paglaganap ng information at education tungkol sa sakit na diabetes.

Lalong mararating ni Mike ang masa sa gawaing ito ngayong siya ang endorser ng food supplement na ABS Bitter Herbs.

Ang ABS Bitter Herbs ay may sangkap na pitong mahahalagang herbs o gulay na malaki ang nagagawa sa metabolism. Tumutulong din ito sa ating pancreas sa pag-produce ng insulin. Kasabay ang mga prescribed medication, malaki ang maitutulong ng ABS sa effective management ng diabetes.

ARNOLD CLAVIO

BITTER HERBS

CAPITOL MEDICAL CENTER

DR. FERNANDO

GARY VALENCIANO

MIKE ENRIQUEZ

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with