^

PSN Showbiz

Mga bloopers ni Camille Roxas

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Nakakalungkot ang pangyayaring ito. Nagbigay-paliwanag na ang isang baguhang artista na walang katotohanan ang mga bintang ng kanyang mga kapwa artista na may kalikutan ang kanyang kamay, na ang balitang ’yun ay pinakalat lang ng mga taong nagagalit at naiinggit sa kanya kaya pinaniwalaan naman siya ng marami.

Pansamantalang huminto ang tsismis na may pagka-klepto nga ang seksing baguhan dahil sa kanyang paliwanag, pero kamakailan lang ay may kwento na namang lumabas na ninakawan ng bracelet ng dalagang ito ang isang babaeng nakasosyo noon sa negosyo ng isang batang aktres. Nakitulog daw kasi ang baguhang sexy star sa bahay nito.

Wala raw ibang pumasok sa kwarto ng babae kundi ang sexy star lang, kaya walang ibang pwedeng pagbintangan. Ang baguhang artista lang talaga ang kumuha ng alahas at wala nang iba pa.

Ano nga kaya ang problema ng starlet, talaga kayang mahilig siyang pumorma nang hindi niya kaya? Kaya ang ginagawa na lang niya ay ang mang-umit ng mga bagay-bagay na hindi sa kanya?

Sana’y maagapan agad ang starlet na ito dahil baka isang araw ay malagay pa siya sa mas matinding indulto, baka kulong na ang kanyang abutin kapag lumawak nang lumawak ang kakatihan ng kanyang mga kamay.

Siya rin ang baguhang artistang pinagbintangan noon na nagnakaw ng cellfone ng isang sexy star, siya rin ang itinuturong nagnakaw sa sapatos ng isang sexy star-singer at siya rin ang pinagbintangang kumuha sa make-up set ng isang TV host-singer.

Ang kanyang pangalan ay mula sa mga buwan ng taon, maganda siya at magaling sumayaw, kaya nanghihinayang kami sa baguhang artistang ito.
* * *
Wala nang makalilimot pa sa makasaysayang linyang "What did you did to my car?" ni Camille Roxas, itinatwang karelasyon ni Juan Carlos Castro, na nakahiwalay na rin ngayon ng karelasyon nitong si Melissa Mendez.

Mahilig mag-Ingles si Camille na siya lang ang nakaiintindi pero pasable pa rin dahil Pilipino naman siya at hindi Amerikano.

Nu’ng nakaraang Sabado ay naka-one-on-one namin si Camille sa S-2. Tinutukan namin ang isyu tungkol sa paghihiwalay nina JC Castro at Melissa.

"Noon pa, sinasabihan ko na siyang mag-ingat pero ayaw niyang makinig sa akin, instead, inaway pa niya ako.

"From the very first start, sinabihan ko na siya, pero parang pinalabas pa nilang naghahabol lang ako, kaya ayan tuloy!" buong-ningning na sabi pa ni Camille.

Karakter si Camille Roxas, basta sumalang siya ay tiyak na may matatandaang blooper sa kanya ang buong publiko. Malakas kasi ang loob niyang mag-Ingles kahit mali-mali ang kanyang grammar.

Pero carry niya ’yun, ang mga bira ay hindi niya pinapansin.

Diretsong sinabi ni Camille na user si Juan Carlos, pero hindi raw siya nagawang gamitin nito dahial siya ang gumamit dito.

"He’s a user, pero ako ang nanggamit sa kanya, ako ang ginastusan niya, hindi ako ang gumastos para sa kanya."

Sa tanong kung totoo bang nanganak siya o tumor lang ang dahilan ng paglaki ng kanyang tiyan ay ayaw magsalita ni Camille, saka na lang daw siya magsasalita tungkol du’n.

CAMILLE

CAMILLE ROXAS

ISANG

JUAN CARLOS

JUAN CARLOS CASTRO

KANYANG

KAYA

LANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with