^

PSN Showbiz

Regine, di type magsuot ng wedding gown

-
Hindi namin natantya si Regine Velasquez kung nagbibiro siya sa pagsabing ayaw niyang magsuot ng trahe de boda sa araw ng kanyang kasal. Walang excitement sa kanyang pagsusuot ng wedding gown dahil ilang beses na niya itong ginawa sa mga eksena niya sa pelikula, pictorial at MTV. Mas gugustuhin pa niyang magsuot ng isang simpleng gown na tulad nang isinusuot niya sa kanyang mga concerts. "I got plenty of gowns sa closet and I guess, it’s too much kung magpapagawa pa ako. Dadagdagan ko na lang ng burloloy."

Isang garden wedding ang pangarap ni Regine at kung siya ang masusunod ay gaganapin ito sa isang malayong lugar at walang makakaalam kundi ang mga kumbidado lang niya. "Tipo ko iyong kasal na sikreto talaga. ’Yon bang malalaman na lang kung tapos na."

Sa punto ng buhay ng mang-aawit ay hindi na siya naghahanap ng gwapo kundi isang mayaman at mamahalin siya. At dahil "can afford" ang mapapangasawa niya, wish niya ang mga awiting "All Of My Life" at "On My Wedding" ang kakantahin sa kanyang pagmartsa patungong altar. Gustung-gusto niyang kumanta ang paborito niyang si Barbra Streisand. "Can afford tayo! Mayaman ‘ata ang mapapangasawa ko."

Inamin ng mang-aawit na malaki ang natutunan niyang aral sa pakipagrelasyon kay Ariel Rivera. Kahit naging maikli ang kanilang pagsasama ay naging masaya siya sa aktor. ALEX DATU

ALL OF MY LIFE

ARIEL RIVERA

BARBRA STREISAND

DADAGDAGAN

GUSTUNG

INAMIN

ISANG

ON MY WEDDING

REGINE VELASQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with