^

PSN Showbiz

Torrid kissing nina Carlos at Aiai

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Happy si Tintin Bersola sa muli niyang pagpasok sa morning show na Magandang Umaga Bayan. Ilang taon din na nasanay si Tintin na naghu-host ng morning show na Alas Singko Y Medya until management decided na ilagay sila ni Julius Babao sa Talk TV. At sa reformat ng MUB, the management thought of bringing back Tintin sa programa.

Dalawang linggo nang muling napapanood si Tintin sa MUB at nakita namin ang malaking ipinagbago ng show. No offense meant pero napaka-refreshing to see Tintin sa nasabing show. Mukhang nag-iisa talaga si Tintin bilang morning show queen.

Obviously, nagi-enjoy si Tintin sa company ng mga co-hosts niyang sina Edu Manzano at Erwin Tulfo. Kasama rin sa show, with their respective segments sina Mon Ilagan at Katherine de Castro (News Patrol), Claudine Trillo (weather and music segment host), Rema Chanco (traffic news) Ira Panganiban (sports) at ang kaibigang Ogie Diaz (sa showbiz news).

Honestly, wala talagang pwedeng pumantay sa kahusayan ni Tintin bilang isang morning show host. At posibleng nakita rin ito ng ABS-CBN News & Current Affairs department kaya inilagay siya sa nasabing programa.
* * *
Dalawang linggong mawawala si Carlos Agassi para sa series of shows sa States. Anytime this week ay aalis si Carlos para i-fulfill ang kanyang mga commitments abroad. Special guest si Carlos ni Vina Morales sa show nito sa August 1 sa Nob Hill Masonic Centre, San Francisco. Sa August 2 sa Orpheum Theatre sa Los Angeles at sa August 9 sa Florida Theatre sa Jacksonville, Florida.

Bago umalis si Carlos ay tinapos niya ang last few shooting days niya sa Pinay Pie na pinagbibidahan ni Aiai delas Alas, Assunta de Rossi at Joyce Jimenez. Siya ang gumaganap na leading man ni Aiai sa movie. Naikwento nga sa amin ni Amir (tawag namin sa aktor) yung kissing scene nila ni Aiai.

"Torrid siya," sabi nito. "Pero hindi mo iisipin na malaswa kasi comedy naman ang attack, e. Masaya yung movie. Proud ako na naka-kissing scene ko ang box office queen," sabi pa ni Amir.

Nakapag-shoot na rin si Amir ng ilang episodes para sa 2nd season ng Buttercup. "Ayoko ko rin kasing mawala sa mga episodes ng Buttercup kasi sobrang mahal ko ang show na yun. Naging pamilya ko na yung show na yun," sabi ni Amir. Bale sa dalawang regular shows niya pansamantalang hindi napapanood si Amir, sa ASAP Mania at Masayang Tangahali Bayan.

Sa dalawang linggong pagkawala ni Amir, magkakaroon din siya ng pagkakataong makapagpahinga at makasama ang kanyang pamilya na nakabase sa States. Matagal na panahon din mula nang makasama niya ang kanyang pamilya.
* * *
Hindi alam ni Paolo Paraiso kung saan nanggaling ang balita linking him to Mylene Dizon. Nagugulat na lang ang ramp model-turned actor sa mga naglalabasang balita. Ayon naman kay Paolo, hindi dapat lagyan ng malisya ang friendship nila ni Mylene.

"She’s a friend," sabi ni Paolo. "She’s like my ate. Matagal ko nang kilala si Mylene. Mas close siya sa bestfriend ko. Kami, lately naging friends talaga kami because magkasama kami sa Tabing Ilog. Si Mylene naman, kahit sino pwedeng maging kaibigan dahil magaling talaga siyang makisama. At saka, nakakahiya sa boyfriend niya, kaya Ira Cruz. Sana nga matapos na yung isyu dahil wala talaga," paliwanag sa amin ni Paolo.

Paolo is only 23 at sa loob na panahong ‘yun, he only had one girlffriend, si Pia Cabreira. Hiwalay na sila ngayon. Ayaw na raw muna niya ng commitment at gusto niyang makapag-concentrate sa kanyang gumagandang career. "At saka na muna yung serious relationship. Darating din yan. I’m still young pa naman e," sabi pa ni Paolo.

Career-wise happy naman si Paolo sa nangyayari sa kanyang career. He has 2 regular shows, Tabing Ilog and Klasmeyts: Coed Na!. But he hopes na someday be given a drama show na talagang mahahasa siya nang husto. He wants to excel in the drama field. Once in a while, he also accepts modelling stints kung saan siya nagsimula.
* * *
For your comments, feedback and reactions, you can email me at [email protected]

vuukle comment

AIAI

ALAS SINGKO Y MEDYA

CARLOS AGASSI

CLAUDINE TRILLO

COED NA

CURRENT AFFAIRS

SHOW

TABING ILOG

TINTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with