^

PSN Showbiz

Broadcaster,may ibinabahay na modelo

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Sikat at iginagalang ang broadcaster na ito. Ang kanyang pamilya ay konektado rin sa showbiz. Maganda ang relasyon nilang magpamilya. Kaya lang may nakarating sa aming balita na may batambatang fashion model na nobya ang broadcaster na ito at may isang condo unit sila somewhere in San Juan.

Mayaman din ang fashion model na nain-love sa broadcaster na may edad na pero, gwapo pa rin.
Vandolph,May Nobya Na!
Nasa Max Restaurant ako last week at nakita ko si Vandolph Quizon na may kasamang maganda at seksing babae. Ito’y miyembro ng Gee Girls at kasalukuyang Miss Caloocan. Napag-alaman namin na ang girl pala ang bagong nobya ng komedyante.

Kumakain ang dalawa at feel namin na mahal ni Vandolph ang dalaga.
NiÑO At Misis, Okay Na!
Sweet na sweet sina Niño Muhlach at ang misis niyang si Edith nang dumalo sa binyag ng anak nina Geryk Genasky at Isabel Granada. Ayon kay Onin ay normal lang na nagkakaroon ng paminsang-minsang tampuhan ang mag-asawa gaya ng nangyari sa kanila ni Edith.

Sinundo ni Onin ang kanyang misis at anak nilang si Sandro sa lola ni Edith nang mag-alsa balutan ito noon dahil sa selos.
Jacky, Nagsusyuting Sa China
Matapos maging nominado bilang Best Actor sa nakaraang Manila Film Festival para sa Alab ng Lahi ay inspirado ngayon ang multi-talented actor at producer na si Jacky Woo sa paggawa ng bagong pelikula titled Sigourin Kiyonski isang international movie tungkol sa pakikibaka sa mga masasamang ispiritu at multo.

Kasalukuyang nasa China si Jacky at nagsusyuting kasama ang ibang sikat na martial arts superheroes. Kukunan din ang mga eksena sa ibang bahagi ng Asya gaya ng Taiwan, Singapore at Hongkong.

Hindi producer dito ang Japanese action star kundi isang aktor. Forty days ang ilalagi nito sa ibang bansa at babalik din ng Pilipinas para sa susunod na project–malamang sa telebisyon at baka gumawa uli ng pelikula. Pang-apat na pelikula ni Jacky ang Alab ng Lahi kung saan ratsada ang special screening nito sa Northern at Southern provinces na kinakagat ng libu-libong estudyante at guro.
Joma, Pwedeng Mahalin Ni Ara!
Hindi na apektado si Ara Mina ngayon kahit may intrigang siya ang naghahabol kay Jomari Yllana. "Ba’t naman ako maghahabol sa kanya gayung ang dami naman diyang lalaki. Wala naman akong dapat aminin kung totoo ngang may relasyon kaming dalawa. Special friend pa rin ang turing ko sa kanya. Wala din akong balak na mag-asawa," aniya.

Inamin pa rin ni Ara na kung talagang seryoso ang intensyon sa kanya ni Joma ay pwede niya itong mahalin at maging nobyo.
Troy, Naka-Sando Lang Sa TV
Nanonood din kami ng ASAP Mania sa Dos tuwing Linggo at kadalasan ay napapanood namin ang mga artistang kay gaganda ng mga bihis. Last Sunday ay napanood namin ang programa at nagkataong birthday celebration ni Troy Montero. Nakasando lang ito samantalang ang ibang guest doon ay nakabihis nang maayos. Parang mamamasyal sa park ang dating ng aktor kung saan napaka-casual ng suot nito.

Maaari ngang sabihing he’s ruggedly handsome pero next time ilagay sana niya sa lugar ang pananamit.

vuukle comment

ALAB

ARA MINA

BEST ACTOR

CENTER

GEE GIRLS

GERYK GENASKY

ISABEL GRANADA

JACKY WOO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with