May humahamon sa Hot Babes
July 30, 2003 | 12:00am
Hindi na mapasusubalian ang kasikatan ng Viva Hot Babes. Sold out ang lahat nilang palabas, dinudumog hindi lamang ng CD crowd kundi maging ng AB. Hindi kataka-taka kung maglabas ang Viva ng isang Video Collection nila. Para sa isang lahi na napaka-hilig kumanta, walang Pinoy na tatangging mag-videoke kasama ang walong naggagandahan at nagseseksihang mga babae na tulad nina Maui Taylor, Katya Santos, Andrea del Rosario, Jen Rosendahl, Kristine Jaca, Gwen Garci, Myles Hernandez at Hazel Cabrera.
Apat na volumes ang "Viva Hot Babes Videoke Collection". Ang unang volume ay naglalaman ng OPM classics ("Ikaw Sana" ni Ogie , "Bakit Ngayon Ka Lang" ng Freestyle, "Magkasuyo Buong Gabi nina Janno at Regine, "Never Ever Say Goodbye" ni Nonoy); Vol. 2 contains current hits ( "If Youre Not The One" ni Daniel Bedingfield, "Passenger Seat" ni Stephen Speaks, "Tonight" ng Westlife ); Vol 3 has pop standards ("Bed of Roses", "Got To Believe In Magic", "Ocean Deep, "I Dont Wanna Miss A Thing") at Vol 4 ay may titulong Rap-Oke ("S2pid Love", "My Banyo Queen", "Sabik Na Sabik", "Ang Pag-ibig Ko").
Pwedeng bilhin isa- isa pero ang bibili ng apat na volumes ay bibigyan ng libreng VCD na nagtataglay ng footages ng The Making.
May mall tour din ang Hot Babes kasama ang Viva Pop Stars Devotion, Dexter at Jennifer Delansig sa SM Megamall, Aug. 8, 5 n.h. at sa SM North Edsa sa Aug. 10. Pagkakataon nyo nang makita ang Hot Babes up close.
Samantala, ang bagong bold star na si Rose Valencia, bida na naman sa kanyang ikatlong movie na pinamagatang Motel ay isa sa limang myembro ng bagong tatag na Sizzling Sisters, binubuo ng limang kababaihan na pawang mga sexy stars (Alma Soriano, Tracy Torres, Cassandra Conti at Mira de Rossi) at marunong ding kumanta at sumayaw. Binuo ang SS bilang panlaban sa napakasikat ngayong Hot Babes.
Nakatakdang ilunsad ang lima sa isang sexy fashion show na magaganap sa Casino Filipino Parañque sa buwan ng Setyembre. Nagsimula ang grupo nang sabay-sabay na mag-pictorial ang lima. Naging magkakaibigan sila. Sa fashion shows muna sila sasabak.
Sinusubok lamang ni Rose ang pelikula. Kapag nakita niyang di siya para dito, hahanap siya ng ibang pagkakakitaan. Obviously, enjoy siya kaya naririto pa siya.
Kapareha niya sina Allen Dizon at Mon Confiado sa Motel.
Mapapanood na ng libre ang Song of Mulan ngayong buwan ng Agosto sa Alabang Town Center, Glorietta, Ayala Center, Cebu, Metropoint Edsa-Taft at pavilion Mall sa Laguna.
Pinangungunahan nina Nancy Castiglione at Greg Turvey kasama si Sam Concepcion bilang narrator, ang Song of Mulan ay prodyus ng GR Creative Xchange para sa Ayala Malls. Kabilang din sa cast sina Jeremy Aguado, Boyd Tinio, Liesl Laforteza, Jenny Villegas at myembro ng Phil Ling Nam Athletic Federation.
Mapapakinggan sa Mulan ang mga paboritong awitin gaya ng "Reflections" at "Im Going To make A Man Out Of You". Mula sa panulat at direksyon ni Freddie Santos, choreographer si Jaime del Prado at musical director si Jeff Arcilla.
Magsisimula sa Alabang Town Center ang serye. Tatlong shows ang nakatakda sa Aug. 1, 2 at 3, 11n.u., 3 n.h. at 6 n.g. Susundan ito sa Aug. 8. 9 at 10 (parehong oras) sa Glorietta.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
15 hours ago
15 hours ago
Recommended