Regine, idinawit na naman sa hiwalayan?
July 29, 2003 | 12:00am
Buti na lang daw at hindi nagi-stay si Kris Aquino sa kanyang unit sa Oakwood sa Makati or else inabutan sana siya ron ng mga rebel soldiers na ginawang base ang nasabing lugar sa Makati last weekend. Don daw kasi nagri-rent si Kris Aquino ngayon habang hindi pa tapos ang bahay niya sa Hillsborough in Parañaque. Eh kaso nag-out of town daw sila ni Mayor Joey Marquez last weekend kaya hindi sila natulog na mag-ina sa Oakwood.
Blessing in disguise na rin siguro na nag-out of town sila. Kasi kung andoon siya, baka nag-panic na naman si Kris dahil common knowledge naman na ilang beses na ring nagkaroon ng coup attempt sa term ng mommy niya.
True kaya ang balita na hiwalay na ang mag-asawang Ogie Alcasid and Michelle Van Eimereen?
Hindi na lang kasi isa ang nagkwento tungkol sa hiwalayan issue. Ayon sa isang source, sobra na raw ang pagseselos ngayon ni Michelle kay Regine Velasquez na alam naman nating lahat na favorite singer ni Ogie.
Hindi ito ang first time na nasangkot si Regine sa ganitong issue. Nadawit din ang pangalan niya hindi pa natatagal sa mag-asawang Janno Gibbs and Bing Loyzaga.
Sold out na pala ang ticket para sa Just Once... concert nina Rico J. Puno, Hajji Alejandro, Rey Valera, Nonoy Zuñiga at Marco Sison sa August 2, (Sabado) sa Araneta Coliseum. Ayon sa isang Viva insider, mas nauna raw naubos ang mga ticket na mas mahal ang presyo kayat may mangilan-ngilan man daw na natitira, yun yung P100 and P250.00 na usually ay nabebenta sa araw mismo ng concert.
Ito rin ang reason kaya ngayon pa lang ay nag-iisip na ang mag-amang Boss Vic and Vincent del Rosario ng repeat ng grupo para magkaroon ng chance yung iba na gusto pa silang panoorin pero naubusan ng ticket.
Anyway, makakasama sa Sabado nila Rico, Hajji, Rey, Nonoy at Marco, ang hot na hot na Viva Hot Babes na ngayon pa lang ay hinahamon na ni Rico kung tatagal ba sa kanya sina Katya Santos, Maui Taylor, Andrea del Rosario, Gwen Garci, Kristine Jaca, Myles Hernandez and Hazel Cabrera. "Nai-excite na ako. Parang hindi na ako makapag-hintay," sabi ni Rico na medyo may malisya. "Makakasama namin just this once ang mga Viva Hot Babes at pagkakataon na namin ito," sundot naman ni Marco.
At dala na rin ng reputasyon ni Rico sa kabastusan pagdating sa kanyang mga performance,malamang na magiging mainit at makulay, as in green, ang meeting nilang ito.
Siyempre, rarampa ang Hot Babes kaya siguradong marami silang ipapakita. Bukod sa Hot Babes, makakasama rin nila si Sarah Geronimo, ang sinasabing susunod sa yapak ni Regine Velasquez.
Isa sa mga rason kung bakit nag-decide ang Viva Concert na dalhin sa Araneta ang grupo nila Rico ay upang bigyan ng chance ang karamihan na mapanood ang mga beteranong mang-aawit na maituturing na haligi ng Original Pilipino Music (OPM). Ilang beses na kasi nilang napuno ang Music Museum at alam naman natin na hindi lahat ay kayang bumili ng ticket sa nasabing venue.
Ipinangako nila na magiging memorable ang concert na ito dahil sa gagawing pagbabalik-tanaw sa musika ng 70s. "Masasabing may rivalry kami noon dahil sa paramihan kami ng hits nung panahong yon," ayon kay Hajji Alejandro. "But on a personal level, magkakaibigan kami."
"Just Once " pag-sasamahin ang mga OPM greats at ang Hot Babes, dagdag pa si Sarah Geronimo at dahil sa mabilis na bentahan ng tiket ay hindi malayong ang "Just Once" ay masundan pa ng "Just Once... Again."
Si Ding Bolanos ang director ng concert, si Mel Villena ang musical director at si Maribeth Bichara ang choreographer at stage director. Si Ms. June Torrejon ang concert producer.
Salve V. Asis e-mail - [email protected]/[email protected]
Blessing in disguise na rin siguro na nag-out of town sila. Kasi kung andoon siya, baka nag-panic na naman si Kris dahil common knowledge naman na ilang beses na ring nagkaroon ng coup attempt sa term ng mommy niya.
Hindi na lang kasi isa ang nagkwento tungkol sa hiwalayan issue. Ayon sa isang source, sobra na raw ang pagseselos ngayon ni Michelle kay Regine Velasquez na alam naman nating lahat na favorite singer ni Ogie.
Hindi ito ang first time na nasangkot si Regine sa ganitong issue. Nadawit din ang pangalan niya hindi pa natatagal sa mag-asawang Janno Gibbs and Bing Loyzaga.
Ito rin ang reason kaya ngayon pa lang ay nag-iisip na ang mag-amang Boss Vic and Vincent del Rosario ng repeat ng grupo para magkaroon ng chance yung iba na gusto pa silang panoorin pero naubusan ng ticket.
Anyway, makakasama sa Sabado nila Rico, Hajji, Rey, Nonoy at Marco, ang hot na hot na Viva Hot Babes na ngayon pa lang ay hinahamon na ni Rico kung tatagal ba sa kanya sina Katya Santos, Maui Taylor, Andrea del Rosario, Gwen Garci, Kristine Jaca, Myles Hernandez and Hazel Cabrera. "Nai-excite na ako. Parang hindi na ako makapag-hintay," sabi ni Rico na medyo may malisya. "Makakasama namin just this once ang mga Viva Hot Babes at pagkakataon na namin ito," sundot naman ni Marco.
At dala na rin ng reputasyon ni Rico sa kabastusan pagdating sa kanyang mga performance,malamang na magiging mainit at makulay, as in green, ang meeting nilang ito.
Siyempre, rarampa ang Hot Babes kaya siguradong marami silang ipapakita. Bukod sa Hot Babes, makakasama rin nila si Sarah Geronimo, ang sinasabing susunod sa yapak ni Regine Velasquez.
Isa sa mga rason kung bakit nag-decide ang Viva Concert na dalhin sa Araneta ang grupo nila Rico ay upang bigyan ng chance ang karamihan na mapanood ang mga beteranong mang-aawit na maituturing na haligi ng Original Pilipino Music (OPM). Ilang beses na kasi nilang napuno ang Music Museum at alam naman natin na hindi lahat ay kayang bumili ng ticket sa nasabing venue.
Ipinangako nila na magiging memorable ang concert na ito dahil sa gagawing pagbabalik-tanaw sa musika ng 70s. "Masasabing may rivalry kami noon dahil sa paramihan kami ng hits nung panahong yon," ayon kay Hajji Alejandro. "But on a personal level, magkakaibigan kami."
"Just Once " pag-sasamahin ang mga OPM greats at ang Hot Babes, dagdag pa si Sarah Geronimo at dahil sa mabilis na bentahan ng tiket ay hindi malayong ang "Just Once" ay masundan pa ng "Just Once... Again."
Si Ding Bolanos ang director ng concert, si Mel Villena ang musical director at si Maribeth Bichara ang choreographer at stage director. Si Ms. June Torrejon ang concert producer.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended