^

PSN Showbiz

Magpapa-opera si Matet

-
Walang pinagkakaabalahang soap opera ngayon si Matet de Leon kaya pwede na nitong bigyang katuparan ang matagal na nitong gustong gawin ang magpa-opera. Halata na ‘yong marka ng kanyang umbilical cord sa kanyang braso na lalong lumalaki sa kanyang pagdadalaga.

Matagal nang gustong magpa-opera ng young actress kaya lang kulang siya ng oras para gawin iyon. Matagal din nitong gustong magsuot ng walang manggas na damit kaya lang di nito nagagawa dahil doon sa marka. Kung nakakapagsuot man ito ng ganoong disenyo ay tiyak iyong kabilang braso ng damit ay may manggas.

"Matagal ko nang plano kay Matet ‘yan kaya lang busy siya talaga sa kanyang soap noon. Ngayon, pwede na naming pagtuunan ito ng pansin dahil guesting-guesting lang siya sa TV kaysa naman kung kailan siya busy at doon pa namin isasabay ang pag-oopera," pahayag ni Tita Angge, na manager ng young actress.

Samantala ay napag-uusapan uli ang lovelife ng young actress dahil muling nagkabalikan umano sila ng dati nitong syota na taga-Siyete. Ayon sa balita ay lalong matamis ang pagtitinginan ng dalawa na posibleng na-miss ng dalawa ang isa’t isa. Kaya lang maraming nagsasabing paano na si Baron Geisler na siya ang nakabalikan ng young actress nang lonely siya dahil nakipag-break ito kay Gerald Macasero? Ang sweet ng dalawa noon at ang sabi pa ni Baron ay balik sila sa getting-to-know-each-other again ang drama nila dahil mula sa kanilang pagiging childhood sweethearts ay ngayon uli sila nagkasama na binata’t dalaga na. — ALEX DATU

AYON

BARON GEISLER

GERALD MACASERO

HALATA

KAYA

MATAGAL

MATET

NGAYON

TITA ANGGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with