Melissa, nagising sa katotohanan
July 25, 2003 | 12:00am
Sa simula pa lamang ng relasyon nina Melissa Mendez at JC Castro ay marami na ang nagsabi na hindi magtatagal ang kanilang relasyon. Hindi lamang sa laki ng agwat ng kanilang edad kundi na rin sa maraming bagay. May tatlong anak si Melissa sa ibat ibang lalaki habang si JC naman ay walang regular na pinagkakakitaan.
Tumagal ng isang taon at dalawang buwan ang relasyon nina Melissa at JC at nagbalak pa nga ang dalawa na magpakasal nung nakaraang Hunyo 24 pero walang kasalang naganap dahil hindi umano matustusan ni JC kahit na isang simpleng civil wedding. Ito ay isa lamang sa maraming dahilan kung bakit nauwi sa hiwalayan ang relasyon ng dalawa. Kesa nga naman na mauwi pa sa mas lalong kumplikadong sitwasyon ang kanilang pagsasama, minabuti na ni Melissa na maghiwalay na sila habang may natitirang respeto at pagmamahal pa sila sa isat isa.
Masakit mang pakinggan, may mga nagsasabi pang sugar mommy umano ni JC si Melissa dahil ito umano ang gumagastos sa mga pangangailangan ng sexy actor. Ang mga ito ay hindi rin nalingid sa kaalaman ni Melissa.
Isang araw, nagising na lamang si Melissa sa katotohanan na kailangan na niyang makipagkalas kay JC kesa lumala pa ang sitwasyon sa kanilang pagitan.
Dalawang araw lamang ang naging pagitan ng sunud-sunod na pagyao ng tatlong mahahalagang personalidad sa movie industry sina Cesar Ramirez, Oscar Moreno at Vic Vargas.
Magkakasama kami nina Ronald Constantino at Nora Calderon na dumalaw sa burol ni Cesar sa chapel ng Mt. Carmel Church sa Quezon City nung nakaraang Biyernes ng gabi at doon ay napag-usapan din namin sina Oscar at Vic na parehong nasa kritikal na kundisyon pa noon sa magkahiwalay na pagamutan. Sa Na-tional Kidney Institute si Oscar at sa San Juan de Dios Medical Center naman si Vic not knowing na kinabukasan (Sabado) ay susunod naman ang dalawa.
Si Cesar ay 78, 82 si Oscar at 64 naman si Vic. Tatlong mga kila-lang pangalan sa mag-kakaibang henerasyon, although magkasunod lang na pumasok sa showbiz sina Oscar at Cesar.
Tinaguriang "Clark Gable ng Pilipinas", si Oscar ay 25 taong gulang lamang nang siyay pumasok sa showbiz at nakapareha sina Tita Duran, Carmen Rosales, Paraluman at maging si Susan Ro-ces.
Dalawa sa mga naging anak ni Oscar ang pumasok sa showbiz sina Boots Anson-Roa at Alvin Anson.
Unang pelikula ni Oscar ang Guerilyera kung saan niya nakatatambal si Carmen Rosales nung 1946 at ni-launched naman siya bilang dramatic actor sa pamamagitan ng pelikulang Unang Pag-ibig kung saan naman niya nakatambal ang yumao na ring si Tita Duran (ina ng Master Rapper na si Francis Magalona). Huling na-panood si Oscar sa pelikula nung taong 1975 sa pamamagitan ng pelikulang Lollipops and Roses na tinam-pukan nina Nora Aunor at Victor Cocoy Lau-rel.
Ang mga pangalan nina Cesar Ramirez, Oscar Moreno at Vic Vargas ay nakaukit na sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino. Magdaan man ang maraming taon, mananatiling buhay sa isipan ng mga taga-industriya ang mga pelikulang kanilang binigyang-buhay sa malaking telon.
Napanood namin ang pagsadula ng buhay ng journalist-turned TV Patrol reporter na si Marc Logan sa programang Maalaala Mo Kaya ni Charo Santos nung nakaraang Huwebes at hindi namin mapigil ang awa sa dati nitong misis na si Ian Fariñas na siyang pinalabas na kontrabida para lamang lumutang ang kanyang character sa programa.
Inisip kaya ni Marc na hindi lamang imahe ng kanyang dating misis ang kanyang sinira kundi maging ang magiging pagtingin ng kanilang mga anak na sina Justin at Mara at sa mga taong nakakakilala sa kanila?
Hindi kami privy sa naging cause ng paghihiwalay nilang mag-asawa, pero natitiyak namin na hindi lamang si Ian ang may sala kundi maging si Marc din.
Ano na lamang ang sasabihin ng mga kaibigan at kaeskwela nina Justin at Mara tungkol sa kanilang ina?
Email: <[email protected]>
Tumagal ng isang taon at dalawang buwan ang relasyon nina Melissa at JC at nagbalak pa nga ang dalawa na magpakasal nung nakaraang Hunyo 24 pero walang kasalang naganap dahil hindi umano matustusan ni JC kahit na isang simpleng civil wedding. Ito ay isa lamang sa maraming dahilan kung bakit nauwi sa hiwalayan ang relasyon ng dalawa. Kesa nga naman na mauwi pa sa mas lalong kumplikadong sitwasyon ang kanilang pagsasama, minabuti na ni Melissa na maghiwalay na sila habang may natitirang respeto at pagmamahal pa sila sa isat isa.
Masakit mang pakinggan, may mga nagsasabi pang sugar mommy umano ni JC si Melissa dahil ito umano ang gumagastos sa mga pangangailangan ng sexy actor. Ang mga ito ay hindi rin nalingid sa kaalaman ni Melissa.
Isang araw, nagising na lamang si Melissa sa katotohanan na kailangan na niyang makipagkalas kay JC kesa lumala pa ang sitwasyon sa kanilang pagitan.
Magkakasama kami nina Ronald Constantino at Nora Calderon na dumalaw sa burol ni Cesar sa chapel ng Mt. Carmel Church sa Quezon City nung nakaraang Biyernes ng gabi at doon ay napag-usapan din namin sina Oscar at Vic na parehong nasa kritikal na kundisyon pa noon sa magkahiwalay na pagamutan. Sa Na-tional Kidney Institute si Oscar at sa San Juan de Dios Medical Center naman si Vic not knowing na kinabukasan (Sabado) ay susunod naman ang dalawa.
Si Cesar ay 78, 82 si Oscar at 64 naman si Vic. Tatlong mga kila-lang pangalan sa mag-kakaibang henerasyon, although magkasunod lang na pumasok sa showbiz sina Oscar at Cesar.
Tinaguriang "Clark Gable ng Pilipinas", si Oscar ay 25 taong gulang lamang nang siyay pumasok sa showbiz at nakapareha sina Tita Duran, Carmen Rosales, Paraluman at maging si Susan Ro-ces.
Dalawa sa mga naging anak ni Oscar ang pumasok sa showbiz sina Boots Anson-Roa at Alvin Anson.
Unang pelikula ni Oscar ang Guerilyera kung saan niya nakatatambal si Carmen Rosales nung 1946 at ni-launched naman siya bilang dramatic actor sa pamamagitan ng pelikulang Unang Pag-ibig kung saan naman niya nakatambal ang yumao na ring si Tita Duran (ina ng Master Rapper na si Francis Magalona). Huling na-panood si Oscar sa pelikula nung taong 1975 sa pamamagitan ng pelikulang Lollipops and Roses na tinam-pukan nina Nora Aunor at Victor Cocoy Lau-rel.
Ang mga pangalan nina Cesar Ramirez, Oscar Moreno at Vic Vargas ay nakaukit na sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino. Magdaan man ang maraming taon, mananatiling buhay sa isipan ng mga taga-industriya ang mga pelikulang kanilang binigyang-buhay sa malaking telon.
Inisip kaya ni Marc na hindi lamang imahe ng kanyang dating misis ang kanyang sinira kundi maging ang magiging pagtingin ng kanilang mga anak na sina Justin at Mara at sa mga taong nakakakilala sa kanila?
Hindi kami privy sa naging cause ng paghihiwalay nilang mag-asawa, pero natitiyak namin na hindi lamang si Ian ang may sala kundi maging si Marc din.
Ano na lamang ang sasabihin ng mga kaibigan at kaeskwela nina Justin at Mara tungkol sa kanilang ina?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended