Jolina nawala sa MMFFP movie dahil sa FPJ movie na di pa yata matutuloy
July 25, 2003 | 12:00am
Hindi sigurado kung matutuloy pa ang pelikula na gagawin ni Jolina Magdangal kasama si Fernando Poe, Jr.
Wala pa itong balita hanggang ngayon kung kailan ito sisimulan pero, marami ang nagsasabi sa kanya na baka hindi na ito matuloy lalo na kung lalahok si Da King sa pulitika, kung itutuloy nito ang pagtakbo sa pagka-pangulo sa 2004.
Sayang kung saka-sakali dahil ang pelikula sana nila ni FPJ ang dahilan kung bakit hindi siya nakasama sa Pilipinas movie ni Joel Lamangan na tatampukan din sana ni Lolita Rodriguez pero, si Armida Siguion Reyna na.
Samantala, tuloy ang paggawa ni Jolina ng Annie Batungbakal movie kasama sina Jordan Herrera at Dingdong Dantes. Hinahanapan ito ng bagong titulo pero, kung si Jolina ang tatanungin, gusto niyang ma-retain ang Annie Batungbakal sa titulo ng pelikula.
Meron na naman siyang bagong endorsement para sa Bratt Girl, isang kasuotan para sa mga babae na may edad mula 15-30.
Sinabi ng mga nagmemeari ng Supreme Garment Trading, ang manufacturer ng Bratt Girl, na ang Bratt Girl ay isang fashion statement na bagay sa personalidad ni Jolina, free-spirited, daring and fun, very Jolina. Daring ito sa kanyang mga istilo sa pagdadamit at willing to break rules in fashion.
Nagsimula nang makita sa mga tindahan ang Bratt Girl simula nung July 22. Matatagpuan din ito sa lahat ng Jolinas Gallery.
Okay lang kay Aiza Marquez kung hindi man siya ang first choice para sa role ng anak ni Jean Garcia sa pelikula ng Star Cinema na Noon at Ngayon.
Unang kinuha para sa role ay si Heart Evangelista pero, dahilan sa napaka-hectic ng schedule nito kung kaya nagpa-audition sila para sa papalit dito. Nag-audition naman si Aiza.
"May call slip na nga ako pero, narinig ko na nagkakaproblema sa gaganap ng role. Mayroon na namang ibang kino-consider. Katunayan, nakapag-shoot na si Angelene (Aguilar) ng isang araw kaya nagulat ako nang makalipas ang dalawang linggo ay sinabi nilang sa akin na ang role," kwento ni Aiza.
"Mahirap ang role dahil hindi ko karakter yung kikay na kakaibang manamit. Pero inensayo kong mabuti ang aking role at sa tulong ni Direk Marilou (Diaz Abaya) na di lang basta-basta direktor kundi parang nanay ko na rin dahil napakalambing niya ay nagawa ko naman ang hinihingi ng role ko," dagdag pa niya.
At 18, wala pang boyfriend si Aiza. Naging boyfriend niya for two years si Danilo Barrios nung di pa ito artista pero, tumagal lamang sila ng dalawang taon.
"Siguro di pa talaga kami. At saka mahirap magkaroon ng relasyon ang dalawang parehong artista," amin niya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended