Lou Diamond Philipps, Tia Carrera, Rob Schneider dadalo sa Makati Cinemanila Filmfest
July 22, 2003 | 12:00am
Pabongga nang pabongga ang Cinemanila taun-taon. Sa gaganaping Makati Cinemanila Film Festival na nasa ika-limang taon na ng pagpapalabas, dadalo ang maraming mga Hollywood actors gaya nina Lou Diamond Phillips, Tia Carrera, Rob Schneider, Fritz Friedman at Dean Devlin sa Agosto 6.
Ang MCFF ay isang taunang proyekto ng Lungsod ng Makati sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Jejomar Binay at ng Independent Cinema Association of the Philippines na itinatag ni Amable "Tikoy" Aguiluz.
Magiging panauhing pandangal sina Pangulong GMA at First Gentleman Mike Arroyo sa opening night ng MCFF sa Agosto 7 na magaganap sa OnStage, Greenbelt 1. Dito rin magaganap ang isang symposium sa Agosto 8 at ang awards night sa Agosto 21. Susundan ito ng Makati Cinemanila Mayors International Night sa gabi. Sa mga susunod na araw, magkakaroon ng discussion seminars, international premieres at screening ng mga pelikulang kalahok.
Ang CMFF ay itinatag ni Aguiluz bilang parangal kay Direktor Lino Brocka. Ang Cinemanila ay isang independent film production na binuo ni Brocka sa pamamagitan ng mga pelikulang klasiko tulad ng Tatlo, Dalawa Isa, Mortal at Tinimbang Ka Ngunit Kulang na nagbigay sa bansa ng titulong Filmmaking Center of Asia.
Ipinagpapatuloy lamang ni Aguiluz ang vision ni Brocka.
Inilunsad nung 1999 ang Cinemanila International Film Festival na nagdala dito ng mga pelikula mula sa Iran, India at Thailand at maging ng Oscar-nominated Brazilian film na Central Station, ang critically acclaimed American film na Being John Malcovich, ang kauna-unahang Korean Film na isinali sa Cannes na Chunhyang.
Ang orihinal na Ring trilogy, Ringu, Ring O at Ring 2 ni Nakata Hideo at nagsimula ng Ring mania ay unang napanood sa Cinemanila, at maging ang Heaven mula sa Germany at In The Mood For Love ng Hongkong.
Ang 1999 NETPAC (Network for Promotion of Asian Cinema) Jury Award ay ipinagkaloob kay Jeffrey Jeturian para sa pelikulang Pila Balde na nanalo rin ng Gold Prize sa Houston Film Festival. Ang Batang West Side ni Lav Diaz ay unang pinarangalan ng Cinemanila, pagkatapos nanalo ito ng Best Picture sa 2002 Gawad Urian.
Pinahalagahan din ng Cinemanila ang mga di napapansing filmmakers tulad nina Mario OHara at Raymond Red.
Nagawa rin ng Cinemanila na ma-update ang kaalaman ng ating mga local filmmakers sa pamamagitan ng paghu-host ng mga workshops tulad ng isang lecture on cinematography mula sa award winning cinematographer na si Christian Doyle; isa pa ring lecture mula sa French cinematographer at screenwriter na si Pierre-William Glenn; direct action cinema workshop mula sa Cannes Camera dOr winner Rob Nilsson.
Samantala, hataw pa rin sa shows ang Sex Bomb. Mayroon silang palabas sa July 24, 7pm sa AMA Computer University, Proj. 8, QC na pinamagatang Sex Bomb with Wally and Jose. At sa July 26 nasa Chicks OClock sila na matatagpuan sa Taft Ave. cr. Dr. Jose, Sta Cruz, Manila. Ito ay sa pakikipagtulungan ng YMCA at Rotaract Club.
Isang araw lamang ginanap yung kauna-unahang Star Troopers Mini-Olympics na binubuo ng lahat ng mga empleyado ng Star Group of Publications nung Sabado sa Rizal Coliseum oval pero, ang paghahanda para dito, lalo na yung excitement bago ang event at kahit makatapos na ito ay inabot yata ng maraming araw. Habang sinusulat ko ito ay panay pa rin ang bidahan tungkol sa naging kaganapan ng laro.
Kahit na insomniac ako, sumali pa rin ako, going to the venue nang wala kahit na isang segundong tulog, participated in two events, cheered with my teammates and booed the kalabans nang hindi man lamang nakaramdam ng antok. Unbelievable? But, it is true. Nung gabi makatapos ang laro, saka ako nakatulog ng mahigit yata sa 10 oras. Tuloy, na-late kami ng pamilya ko sa aming pinuntahang birthday and 40th day death anniversary, una ng aking anak at ikalawa ng isang kamag-anak.
It was a most successful sports event. Kung bonding ang layunin ng aming opisina, wagi sila. Also, it afforded, people like me, a chance to exercise nang may kasama. Palagi na lang akong nag-iisa sa aking tread mill.
Congrats sa aking Red Team, I still contend na kami ang best team, nagkaroon lamang ng aberya kaya naging runner-up pero, ang importante, ang saya ng lahat, kahit talunan. Next year, matatakot na ang makakalaban namin, kung kami pa rin ang magkakasama-sama. Also, we had the best player and a most kind teammate, si Mario Deocada. <>Swerte rin namin na ang presidente ng aming kumpanya ang manager namin, si Boss Miguel Belmonte at si Ms. Joanna Rae Ramirez.
Ngayon pa lamang, everybody is looking forward to the next and 2nd Mini Olympics. At magpa-praktis na raw sila. O di ba naman isa itong malinaw na senyales na isang matagumpay na sports event ang Startroopers Mini Olympics, di ba Dina?
Malubos ang aking pakikiramay sa magkapatid na Ace at Beverly Vergel dahilan sa pagyao ng kanilang pinakamamahal na ama, ang dating aktor na si Cesar Ramirez.
Dumating sa bansa ang dalawang anak na lalaki ni Cesar mula sa Amerika. Ang apo nito na si Tracy Vergel, anak ni Beverly at dating ABS CBN star ay nakatapos na pala ng kanyang pag-aaral at masaya nang nabubuhay sa US kasama ang kanyang napangasawa.
My condolences, too, to Boots Anson Roa dahilan sa pagpanaw ng kanyang amang si Oscar Moreno, isa ring dating aktor. Ang isa niyang anak na isa ring artista, si Alvin Anson ay hindi makakauwi para sa libing ng kanyang ama dahilan sa bago lamang ito sa kanyang trabaho, Pero, darating ang anim pang anak ng namayapang aktor.
Ang MCFF ay isang taunang proyekto ng Lungsod ng Makati sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Jejomar Binay at ng Independent Cinema Association of the Philippines na itinatag ni Amable "Tikoy" Aguiluz.
Magiging panauhing pandangal sina Pangulong GMA at First Gentleman Mike Arroyo sa opening night ng MCFF sa Agosto 7 na magaganap sa OnStage, Greenbelt 1. Dito rin magaganap ang isang symposium sa Agosto 8 at ang awards night sa Agosto 21. Susundan ito ng Makati Cinemanila Mayors International Night sa gabi. Sa mga susunod na araw, magkakaroon ng discussion seminars, international premieres at screening ng mga pelikulang kalahok.
Ang CMFF ay itinatag ni Aguiluz bilang parangal kay Direktor Lino Brocka. Ang Cinemanila ay isang independent film production na binuo ni Brocka sa pamamagitan ng mga pelikulang klasiko tulad ng Tatlo, Dalawa Isa, Mortal at Tinimbang Ka Ngunit Kulang na nagbigay sa bansa ng titulong Filmmaking Center of Asia.
Ipinagpapatuloy lamang ni Aguiluz ang vision ni Brocka.
Inilunsad nung 1999 ang Cinemanila International Film Festival na nagdala dito ng mga pelikula mula sa Iran, India at Thailand at maging ng Oscar-nominated Brazilian film na Central Station, ang critically acclaimed American film na Being John Malcovich, ang kauna-unahang Korean Film na isinali sa Cannes na Chunhyang.
Ang orihinal na Ring trilogy, Ringu, Ring O at Ring 2 ni Nakata Hideo at nagsimula ng Ring mania ay unang napanood sa Cinemanila, at maging ang Heaven mula sa Germany at In The Mood For Love ng Hongkong.
Ang 1999 NETPAC (Network for Promotion of Asian Cinema) Jury Award ay ipinagkaloob kay Jeffrey Jeturian para sa pelikulang Pila Balde na nanalo rin ng Gold Prize sa Houston Film Festival. Ang Batang West Side ni Lav Diaz ay unang pinarangalan ng Cinemanila, pagkatapos nanalo ito ng Best Picture sa 2002 Gawad Urian.
Pinahalagahan din ng Cinemanila ang mga di napapansing filmmakers tulad nina Mario OHara at Raymond Red.
Nagawa rin ng Cinemanila na ma-update ang kaalaman ng ating mga local filmmakers sa pamamagitan ng paghu-host ng mga workshops tulad ng isang lecture on cinematography mula sa award winning cinematographer na si Christian Doyle; isa pa ring lecture mula sa French cinematographer at screenwriter na si Pierre-William Glenn; direct action cinema workshop mula sa Cannes Camera dOr winner Rob Nilsson.
Kahit na insomniac ako, sumali pa rin ako, going to the venue nang wala kahit na isang segundong tulog, participated in two events, cheered with my teammates and booed the kalabans nang hindi man lamang nakaramdam ng antok. Unbelievable? But, it is true. Nung gabi makatapos ang laro, saka ako nakatulog ng mahigit yata sa 10 oras. Tuloy, na-late kami ng pamilya ko sa aming pinuntahang birthday and 40th day death anniversary, una ng aking anak at ikalawa ng isang kamag-anak.
It was a most successful sports event. Kung bonding ang layunin ng aming opisina, wagi sila. Also, it afforded, people like me, a chance to exercise nang may kasama. Palagi na lang akong nag-iisa sa aking tread mill.
Congrats sa aking Red Team, I still contend na kami ang best team, nagkaroon lamang ng aberya kaya naging runner-up pero, ang importante, ang saya ng lahat, kahit talunan. Next year, matatakot na ang makakalaban namin, kung kami pa rin ang magkakasama-sama. Also, we had the best player and a most kind teammate, si Mario Deocada. <>Swerte rin namin na ang presidente ng aming kumpanya ang manager namin, si Boss Miguel Belmonte at si Ms. Joanna Rae Ramirez.
Ngayon pa lamang, everybody is looking forward to the next and 2nd Mini Olympics. At magpa-praktis na raw sila. O di ba naman isa itong malinaw na senyales na isang matagumpay na sports event ang Startroopers Mini Olympics, di ba Dina?
Dumating sa bansa ang dalawang anak na lalaki ni Cesar mula sa Amerika. Ang apo nito na si Tracy Vergel, anak ni Beverly at dating ABS CBN star ay nakatapos na pala ng kanyang pag-aaral at masaya nang nabubuhay sa US kasama ang kanyang napangasawa.
My condolences, too, to Boots Anson Roa dahilan sa pagpanaw ng kanyang amang si Oscar Moreno, isa ring dating aktor. Ang isa niyang anak na isa ring artista, si Alvin Anson ay hindi makakauwi para sa libing ng kanyang ama dahilan sa bago lamang ito sa kanyang trabaho, Pero, darating ang anim pang anak ng namayapang aktor.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended