^

PSN Showbiz

Dating beauty queen, lulong pa rin sa droga

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Sikat na sikat ang beauty queen-turned actress na ito nang mabalitang nahulihan siya ng shabu. Hindi na siya nakabalik pa ng bansa at sa Tate na lang namalagi.

Ayon sa isang source ay ibang-iba na ang itsura ng dating pinapantasya ng mga kalalakihan dahil payat na payat na ang dating sikat na aktres at tuyot na rin ang balat nito. Kukunin sana ito para mag-host sa isang affair sa Amerika pero nang makita ng produ ang kanyang itsura ay na-turn-off ito at iba na lang ang kinuha.

Tanong tuloy ng aming source ay baka gumagamit pa rin ito ng ipinagbabawal na gamot.
Ara-Jomari, Tuloy Pa Rin Ang Pelikula
May gagawing proyekto sina Ara Mina at Jomari Yllana at payag naman ang aktres sa kabila ng intriga sa kanila ni Aiko Melendez.

Wala naman siyang natatanggap na pasabi na shelved na ito.

Ayon pa sa aktres ay makakatulong pa nga ang kontrobersya nila ni Aiko para kumita ang kanilang pelikula ni Jom.

Tatapusin muna ng aktres ang commitment sa OctoArts kung saan kasama siya ni Vic Sotto sa Lastikman 2 na pinalitan na ng Fantasticman 2 saka sila magsisimula ng syuting ni Jom.

Nagmukhang Kawawa
Kahit na-disappoint si Direk Elwood Perez dahil hindi napili ang kanilang entry ni Nora Aunor para sa MMFF ay nakuha pa rin nitong makipagbiruan sa amin with some press people matapos ang announcement ng 10 official entries noong Huwebes. "Hindi ko inaasahan na hindi kami mapipili dahil sabi ni Joey Romero at Wilson Tieng ay maganda naman ang aming script. Kaya nagpalit pa ako ng damit. Yung una kong suot ay simple lang at sinabihan ako ng isang reporter na magpalit ng magandang outfit. Ginawa ko naman sa pag-asang mapipili kami. Yun pala, magmumukha lang akong kawawa. Pagdating ko sa bahay ay itatapon ko na ito." (Ang damit niya ay pure black long sleeves na may maliliit na puting burda sa gitna at talagang sosyal ang dating).

Nagtawanan ang mga reporter at sinabing sikat naman siya that day dahil sa kanya nakatutok ang mga TV crew. "Nagtataka nga si Chairman Bayani Fernando kung sino ako na pinagkakaguluhang interbyuhin ng iba’t ibang TV stations," aniya.

Gayunpaman, nangako naman ang prodyuser ng Angora na itutuloy pa rin ang movie ni Guy na si Elwood nga ang direktor.
AngeLika-SunShine, Bati Na
Masayang ibinalita sa akin ni Angelika dela Cruz na nagkita sila ni Sunshine Dizon sa Iloilo nang minsang magkaroon siya ng show doon. Kasalukuyan namang nagbabakasyon doon si Sunshine matapos ang aksidente.

Kung matatandaan ay nagkaroon ng gap ang dalawa noon dahil sa intriga. Nagkabati na muli ang dating magkaibigan at sinabing kapag magaling na si Sunshine ay gigimik sila lalo na ngayong Angel is nursing a broken heart at si Shine man ay hiwalay na rin kay Miko Sotto.
Alice, May Japanese Leading Man
Gaya ni Jacky Woo, isa na namang Japanese actor-producer ang gagawa ng pelikula sa bansa na pinamagatang Kumain Ka Na Ba? Ang producer ay si Yasuo Daiichi na leading man ni Alice Dixson sa said movie.

Nakapagsyuting na si Alice sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas at kukunan din ang ibang eksena sa Japan. Second time nang nakapunta ng Japan ang aktres nang maging kinatawan ito sa Miss International na idinaos doon noong hindi pa siya artista.
Sex Bomb Girls, May Obsessed Fans
Nagiging problema pala ngayon nina Rochelle Pangilinan at Jopay Paguia na pambato ng Sex Bomb Girls ang kanilang obsessed fans na laging nakaabang sa Broadway Centrum para manood ng Eat Bulaga. Ang hindi nila ma-take ay nandadakma sila at isisiksik pa ang katawan sa kanilang dalawa. Mabuti na lang at naaagapan ito ng guwardiya lalo na kapag nagkakagulo ang maraming fans.

Ratsada pa rin ngayon ang Sex Bomb Girls sa mga shows kung saan makakasama nila sina Wally at Jose ng Eat Bulaga sa July 24 sa AMA Computer University sa pakikipagtulungan sa YMCA at Rotaract Club. Ito’y idaraos sa Project 8, Q.C. at sa July 26 ay nasa Chicks O’Clock naman sila sa Doroteo Jose diyan sa Sta. Cruz, Maynila.

AIKO MELENDEZ

ALICE DIXSON

ARA MINA

AYON

CENTER

EAT BULAGA

SEX BOMB GIRLS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with